Chapter 6

560 32 6
                                    

Today is February 28 and tomorrow will be the start of the month of March. Alam ko. Pati ako ay nagtataka kung paano ko nakayanan ang halos dalawang buwan na wala si Sarah. Walang Sarah na nagtetext sa akin. Walang Sarah na nangungulit na tatlong beses nagmimissed call para raw I love you. Walang Sarah na biglang kakatok sa pinto ng apartment ko. Sa palagay ko nga, 'yong memo niya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, okay pa rin ako at patuloy na kinakayang mabuhay. Excited nga akong bilangin ang araw bago magpalit ng buwan dahil 'yon ang araw na babasahin ko ang memo ni Sarah para sa akin.

I celebrated the Valentine's Day with Sarah. I've been in a cemetery for the whole day of February 14. Bumili ako ng isang bouquet ng red roses para sa kaniya kahit na alam ko namang hindi niya 'yon makukuha o makikita.

Nandito ako ngayon sa apartment ko at kasalukuyang nakikipagtitigan sa kisame noong biglang tumunog ang cell phone ko.

Hey, Chris! Let's hangout!

It's a message from Emmylou. She's my classmate and she's also Sarah's friend. Emmy told me that she didn't know anything about Sarah's condition. So I guess Sarah hid about her death to all of us. Naisip ko na halos dalawang buwan na rin pala na hindi ako gumagala o lumalabas man lang kasama ang mga kaibigan o kaklase ko kaya naman nagreply ako kay Emmy.

Saan?

Nitong mga nakaraang araw kasi ay si Emmy lang ang lagi kong kasama. Siya lang ang nakakatiis sa pagiging tahimik ko. Hindi ko nga alam kung bakit mas pinipili niyang sumama sa akin gayo'ng niyayaya naman siya ng iba naming kaklase. But to be honest, I am happy that Emmy's staying on my side kahit na ang madalas lang naman naming pag-usapan ay si Sarah. It really felt good to finally have someone to talk to about my grieving and about how much I miss my Sarah.

Let's watch a movie! What do you think? Oh come on! Don't say no! Sisipain kita kapag humindi ka pa! Seryoso ako.

Hindi ko namalayan na napangiti na pala ako. Nakangiti ako habang nakatitig sa screen ng cell phone ko. Si Emmy ang talagang bagay sa pagtataray. May pagka-amazona talaga ang babaeng 'to. Nakangiti akong nag-type ng isasagot ko sa kaniya.

If I can't say no, you shouldn't have asked me to hang out. Dapat pumunta ka na lang agad dito tapos hinila mo ako palabas! Silly Emmy!

Ilang saglit lang at nagreply na kaagad siya. Grabe sa bilis mag-type ang babae na 'to.

Oh well, it's just that I don't want to be rude, perhaps? Like, seriously?! I am a girl and here I am asking you to hang out and then you'll answer me no?! You've got to be kidding me, Chris!

Bigla akong natawa pagkabasa ko sa text message niya. Si Emmy kasi ang tipong nerd din na babae. Englisera rin siya tulad ni Sarah kaya nga sila magkasundong dalawa dahil sila lang ang madalas na magkwentuhan at mag-usap noon sa klase. It really felt great to finally laugh after almost two months of crying and grieving. I replied;

Okay, then. I'll pick you up by 4 this afternoon. I still have to finalize my thesis. My defense will be next week. You know? :)

After few seconds, she texted me back:

Whatever you say! Okay, then. Go on with your thesis! See you later!

Hindi na ako nagreply kay Emmy. Tiningnan ko ang picture ni Sarah na nandito sa bedside table ko at saka ako ngumiti.

"Love, your best friend is just like you. Makulit din at may pagkabaliw," I said with a smile on my face.

Ten minutes before four in the afternoon, I already prepared myself. Naligo na ako at nagbihis at saka ako dumeretso kina Emmy.

Without Her (Edited/TagLish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon