Chapter 8

490 33 7
                                    

In two days, it's already month of May. Well, I did what Sarah told me. I had my vacation in Tarlac with my mom and for those days, somehow, I have freed myself from pain.

Pabalik na ako ng Laguna ngayon.

Nag-decide si Mama na doon na muna siya sa Tarlac para samahan si Lola. Hindi na ako komontra pa dahil alam ko naman na kailangan ni Mama ang bakasyon. Kailangan niya munang malayo sa lugar kung saan niya laging maaalala si Papa. Isa pa ay wala namang problema kung mag-isa lang akong uuwi sa Laguna. Sanay naman na akong mag-isa dahil noong nag-kolehiyo ako ay nag-umpisa na akong mag-rent ng apartment na malapit sa UPLB.

Habang nagmamaneho ako ay bigla na lang tumunog ang cell phone ko indicating that someone's calling. I have put my earphones on before answering the call.

"Hey, Chris!" It's Emmy. I know her voice very well since we have been talking often nowadays.

"Hi, there, Emmy. Why did you call?" I asked.

"I will just ask if when you will go home."

"Well, actually, I am on my way home already. Why did you ask?"

"Nothing!" she replied. Bigla naman akong nagtaka kasi parang excited ang boses niya. Ano'ng meron? May nangyari kaya? Madalas kasi ay mataray kausap si Emmy kaya nakakapanibago na biglang ganito na lang ang dating ng boses niya.

"Are you sure that it's just nothing?" I asked. Baka kasi may nangyari sa kaniya and I want to know kung ano man 'yon.

"Yup! Okay, I'll hang up. You should take care while driving! Bye!" Hindi na niya hinintay na sumagot ako and she ended the call right away. Parang ang weird tuloy ni Emmy.

Binilisan ko ang pagmamaneho dahil gusto kong puntahan agad si Sarah. Halos isang buwan ko rin siyang hindi nabisita at kahit na wala na siya rito ay namimiss ko pa rin siya. Pagdating ko sa Laguna ay dumeretso ako sa sementeryo kung saan siya nakalibing.

"Hi Love. I'm back. Galing ako sa Tarlac. Doon kami nagbakasyon ni Mama para bisitahin si Lola kaya hindi kita nabisita nang halos isang buwan. Masaya ako na nakasama ko ulit sina Lola pati na rin 'yong mga pinsan ko do'n. Siya nga pala, kinukumusta ka sa akin ng mga pinsan ko. Nasaan na raw ang maganda kong girlfriend? Bakit daw hindi kita isinama? Hindi kasi nila alam na wala ka na, Love. Hindi nila alam na patay ka na. So ano? Kumusta ka?"

"I'm fine." Agad akong lumingon sa likuran ko dahil sa nagsalita na 'yon at nakita ko si Emmy na nakangiti sa akin.

"You scared me," I told her. I thought it's Sarah who answered. Napalingon ulit ako kay Emmy dahil bigla siyang tumawa.

"You're asking 'how are you?' I just answered you," she said before she had seated beside me.

"So how's your vacation?" she asked while looking at me.

"It's fun. And you are?" I asked back.

"Well, it would be more fun if I spent my vacation with you." Halos hindi ako agad nakapagsalita at nakatitig lang ako kay Emmy pagkatapos kong marinig 'yong sinabi niya.

"What makes you think that it would have been more fun if I was with you?" I confusedly asked.

"Nothing. I just thought it would have been," she said. "Hey, hello, there Sarah!" Tiningnan niya ang lapida ni Sarah habang inaalis niya 'yong mga dahon na nalaglag dito.

"I miss you, Sarah," sabi niya bago siya tumingin sa akin. Hindi ko rin alam sa sarili ko pero may iba akong naramdaman sa tingin na 'yon ni Emmy.

"How are you, Chris? I mean, have you ever thought about falling in love again?" Emmy's question shocked me a little.

Without Her (Edited/TagLish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon