Chapter 1

934 3 0
                                    

As usual, late dumating si Nicole sa monthly reunion nilang mga De Vera sa ancestral house nila sa Laguna.

Kaya naman siya ang naging topic ng mga nakatatandang pinsang kambal na sina Marc at Marty, at ni Jason. Hindi maiwasang mapag-usapan ng kambal ang pagiging single at baka kapwa babae ang hanap niya.

Napapansin nila na walang nagtatagal na relasyon ang nagi-isang pinsan nilang babae.

"Ilang taon na nga ba si Nic? 24, 25? Pero wala pa din seryosong jowa." Sabi ni Marty.

"Hindi kaya for show lang yung mga pina-pakilala niyang boyfriend? Pero iba talaga trip niya?" si Marc.

"Anong ibig mo sabihin, kuya?" May hinala si Jason sa gustong tumbukin ng nakakatandang pinsan.

"Baka kapwa babae ang trip niya? Baka lang naman... Hahaha!!" si Marc.

"Hahaha! Gago! Parang imposible. Ang daming arte sa buhay nun! Baka career-driven lang talaga..." Sagot ni Marty.

"Sa tingin mo, Jay? Kayong dalawa ang mas malapit noong mga bata kayo. May napansin ka bang signs?" Tanong ni Marc.

Hindi makasagot si Jason sa usapan ng kambal dahil alam niyang hindi babae ang hanap ng nakababatang pinsan nila.

"Ha? I-I think focused lang sa career niya..." Nag-stammer na sagot ni Jason.

Saktong pumasok sa gate ang kotse ni Nicole at tumigil sa parking space.

"Ayan na siya. Tatanungin ko na talaga yan" si Marc.

Pagbaba ng kotse ay agad na nagbigay-pugay si Nicole sa mga nakatatanda. Pagkatapos ay hinanap ang mga kuya niya.

Nakita niya ang mga ito sa ilalim ng malaking punong mangga na maagang nagsimulang mag-inuman at na nakatingin sa kanya. Dahil naka-all eyes ang mga ito sa kanya. Inartehan niya ang paglalakad na parang nasa catwalk. Fierce.

Nagkatawanan ang mga ito.

"Parang hindi nga! Hahaha!" Sabi ni Marc na parang hindi naputol ang usapan nila kanina.

"Ano yung hindi nga?" Naghihinalang tanong ni Nicole sa mga nakakatandang pinsan.

"Wala, napag-usapan lang namin kanina kasi bakit wala ka pang seryosong relasyon at your age." Sagot ni Marc.

"Ilan taon ka na nga ulit 24, 25?" Si Marty.

"26. And at my age, masaya pa ako sa pagiging single, kuya. I am still loving my freedom." Nakangiting sagot ni Nicole. 11 years ang tanda sa kanya ng kambal.

Para sa kambal ang mga babae, bago mag 25 ay may asawa na at mga anak, at dapat nasa bahay at naga-alaga ng pamilya.

"Nako! By the time you're ready to settle down, baka mahirapan ka na makahanap ng mapapangasawa at magka-anak! Sayang ang ganda ng lahi natin! Hahaha!" Si Marty.

Ngumiti si Nicole bago sumagot.

"Wala naman talaga ako planong mag-asawa, kuya! Hahaha! Anak lang..." At nag-pause para antayin ang reaction ng mga kuya niya. Huling dinako ni Nicole ang makahulugang tingin kay Jason.

Gaya ng inaasahan ni Nicole, natigilan ang mga ito sa pag-inom ng hawak na beer, mid-air.

Nagkatinginan ang kambal. Binalik ang tingin kay Nicole, ngumiti at nagpakawala ng hollow na tawa ang dalawa.

"Hahaha! You're joking, right?" Si Marc.

"Nope, kuya, seryoso yun! Hahaha!"

Nabawasan ang ngiti sa mukha ng kambal.

Si Jason naman ay parang tila nakuryente sa tinapong tingin kanina ni Nicole. Alam niyang may meaning ang pasimpleng tingin na iyon.

"Bakit mo naman gugustuhin maging single-mother, aber?" Medyo seryosong tanong ni Marty.

"I just don't see myself getting married. Time ko pa lang sa sarili ko, kulang na. Actually, yung responsibility of having a baby scares me, pero I am more than willing to brave. Pero ang kasal talaga, I cannot!" Factual tone na saad ni Nicole.

"I am not in the position to lecture you, but as your older cousin, who has your best interest at heart, think about this very, very seriously. Mahirap maging single-parent." Si Marty

"People will judge you. No matter how progressive the world you think is, may stigma pa rin sa mga single mother. Why don't you look for someone who can provide you and your future family? And you just take care of them." Dagdag ni Marc.

Kinalma ni Nicole ang sarili ng simpleng paghinga ng malalim, dahil ayaw niyang maging bastos sa mga nakakatandang pinsan.

"Kuya, I appreciate your concerns. I have no doubt you want what's best for me, but I already gave it a thought. Hindi ko talaga nakikita sarili ko natatali sa isang tao, at pagsisilbihan siya. It's simply not me."

Mula sa matagal na pananahimik pagkatapos sabihin ni Nicole ang statement nito ay muling nagsalita si Jason.

"Alright! Enough of serious talk! We are here to have fun." Nag-initiate na siya ng ibang topic para matigil ang nagiging tensyonadong usapan.

Kita niya na may sasabihin pa sana ang mga kuya nila, pero nagpigil na rin ang mga ito.

Palihim na nakahinga siya ng maluwag nang nagpapigil naman ang mga ito.


Noong gabi na ay naunang umalis si Nicole pagkatapos magpaalam sa mga nakakatanda upang lumuwas ng Makati.

Bago sumakay si Jason sa sasakyan ay tinawag siya ni Marc. Nasa loob nang kotse sina Danna at mga anak.

"Jay, among the three of us, ikaw ang pinaka-malapit kay Nicole. Payuhan mo siya. Kababaeng tao masyadong strong ang personality. Kaya malamang walang natagal na relasyon yan."

"Sige, kuya, try ko. Pero alam mo naman yun, gagawin kahit anong gusto niya." Sang ayon na lang ni Jason kahit alam niyang wala siyang kakayahan baguhin pa ang pasya ni Nicole.

Ugali ito ni Nicole. Pag may ginusto ay wala na makakapagpabago ng isip nito. Pero kilala naman ito ni Jason na bago mag-decide, nag-isip na ito ng matagal at inaral ang pros and cons ng desisyon.

Si Nicole at Jason ay ortho-cousins o magpinsan through their mothers. Ang kambal na sina Marty at Marc naman ay cross-cousins nila o pinsan nila through their uncle.

Ang UnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon