Chapter 13

357 2 0
                                    

Dennis finally decided na-i-confront ang pinsan. Nag-message si Dennis kay Jason upang mag-meet up sila.

Sa TGI Fridays nagkita ang magpinsan. Pumuwesto sila kung saan meron silang kaunting privacy.

Nang maka-alis ang food server na kumuha ng order nila ay nagsimula na si Dennis.

"I am sure may communication kayo ni Nicole at alam mo naman siguro bakit kita gusto makausap?"

"More or less...?"

Hindi na nagpaligoy-ligoy si Dennis.

"Paano mo naatim buntisin ang sarili mong pinsan?"

Huminga ng malalim si Jason bago sagutin ang pinsan.

"You know Nicole. She can be very persuasive. She talked to me to do it with her. She talked about our good genes and all... Na maliit lang ang chance na magka-inbreeding effect."

Napaismid si Dennis.

"So, hindi mo gusto at siya lang may gusto? Dahil pinilit ka ng pinsan mo na mas bata sa'yo kaya di ka nakatanggi?!" Sarkastiskong tanong niya.

Hindi pinatulan ni Jason ang patutsada nito.

"No. At that time, gusto ko rin magka-anak ng babae. All she had to say na it's safe genetically sa bata and the possibility na magka-baby na ako na babae, to convince me to do it with her."

"Hindi mo na-isip na pinsang-buo mo ang titirahin mo?!"

"As I've said, Nicole has her way to convince people. It's her talent. I don't have any other excuse. Ginusto ko din dahil sa idea na baby girl and with our healthy genes."

"And artificial insemination never came to mind, huh?!"

Kunwa'y napa-isip si Jason.

"Hindi namin na-isip yun at the time. Ilalagay ang tamod ko sa bottle dadalhin namin sa laboratory. – 'Magpinsan po kami pero gusto namin magka-baby?' – No, hindi namin na-isip yun."

"Ang saya niyo siguro na pinagtatawanan niyo akong magpinsan, no? Naging Soriano ang anak mo dahil sa akin."

"What is there to laugh about, Den? Pero aaminin ko na mixed feelings nang malaman ko balak mo i-adopt si Nina. I was happy she would finally have 'Soriano' in her name, which she truly is, pero at the same time, sad dahil ibang Soriano ang nakapagbigay dahil hindi pwedeng ako."

"I've always been wondering, ever since I found out, anong nararamdaman mo pagnakikita mo na magkasama kami ni Nina?"

"Selos? Inggit? Pero at the same time natutuwa akong makita na hindi iba ang treatment mo sa kanya. My turn to ask, ano na plano mo?"

"Mag-file ng annulment."

"Hm. Hindi sa nakikialam ako sa desisyon mo, pero hindi ba unfair na nagdesisyon ka na hiwalayan mo asawa mo dahil sa nakaraan niya na nangyari bago ka pa dumating sa buhay niya? Bakit kelangan mag-iba ang treatment mo sa kanya nang malaman mong ako pala ang tatay ni Nina?"

"Dahil nagsinungaling siya! Dahil nagkikita pa kayo!"

"Nagkikita kami dahil magpinsan kami, hindi dahil may tinatago kaming relasyon." Half-lie – half-truth na tugon ni Jason.

"That's the point. Had it been a different man, walang issue. The fact na nagtirahan kayong magpinsan."

"But that happens in other countries. Cousin marriages are legal sa ibang bansa."

"Wala tayo sa ibang bansa! Nasa Pilipinas tayo!"

"My point is, kung ina-allow ito sa ibang bansa ay dahil hindi ito immoral. Even in the Bible, walang sinasabing bawal ang pinsan to pinsan."

Ang UnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon