At 28, isang larawan ng successful na babae si Nicole: Manger ng PR and Communications team sa P&G, may sariling condo sa Makati, kotse, at ina sa matalinong batang babae.
Bilang isang babae sa ganitong edad, expected na siyang mag-asawa ng mga kamag-anak, ngunit hindi niya nakikita ang sarili na committed sa ganoong klase ng relasyon.
Two years old na ang bibang anak ni Nicole. Marami ang natutuwa rito hindi lang dahil cute na cute ito, kundi dahil matatas rin itong mag-salita sa parehong lengguwahe.
Daddy ang tawag ni Nina kay Jason. Ngunit walang naghihinala rito dahil ganoon rin naman ang tawag dito ng isa pang pamangkin na babae sa nakakatandang pinsang si Marty. Hindi kasi lingid sa kanilang pamilya na pangarap nitong magka-anak ng babae ngunit hindi na maari dahil ligated na si Danna.
Si Nicole naman ay nagka-boyfriend pero sadyang hindi nagtatagal ang mga relasyon nito. Ang usual na dahilan ng pakikipaghiwalay ng mga lalake ay ang kawalan nito ng time sa relationship.
Palibhasa ay hindi naman emotionally-invested ay parang balewala rito ang pakikpaghiwalay ng mga naging boyfriend.
---
The Blue Leaf, Taguig
80th birthday ni lola Perla. Invited pati ang mga De Vera.
Kausap ni Dennis ang pinsang si Jason kasama ang iba pa nang may makitang babae na umagaw sa attention niya.
Confident at sophisticated ang tindig. Lutang ang kaputian nito sa suot na black dress. Medyo maiksi ito kaya litaw ang makinis at mapuputing legs.
Familiar ang itsura kaya tinitigan niya maigi ang babae para makasiguro.
Nagkasalubong ang mga mata ni Dennis at Nicole.
Parang tumigil ang mundo ni Dennis at napalunok nang ngitian siya nito ng matamis.
Lumapit si Nicole sa grupo nila at bumeso sa kanila.
"Hello mga kuya kong pogi!"
Matagal na nang nagkaraoon ng ganitong okasyon na magkasama ang Soriano at De Vera clans, kaya hindi kaagad nakilala ni Dennis si Nicole.
"OMG! Kuya Dennis! Long time, no see! I miss you!" Ibinukas ang mga bisig upang yumakap at bumeso.
"Yeah! How long was it, 4 - 5 years?"
"I think 4... Birthday ni Chris."
Huling nakita ni Nicole si Dennis, ang asawa nito't mga anak ay noong 7th birthday ni Christopher Aldrin na panganay ni Jason at Danna.
Damang-dama ang lambot ng katawan at amoy ni Dennis ang bango ng buhok ni Nicole.
May kakaibang nararamdaman sa ibaba si Dennis. Unti-unting nagre-react ang ibabang bahagi niya. Kaya lihim siyang nagpasalamat na kumalas sa pagkakayakap si Nicole
"Y-yeah! You're right." Distracted na sagot niya.
Yumakap ang isang braso ni Nicole sa kaniyang baywang, kaya naman ini-akbay niya ang isang braso sa balikat nito.
"Nasaan si Nina ko?" Excited na tanong ni Jason.
"Andun. Na kay yaya Yoli, kasama sila lola."
Umalis si Jason upang puntahan ang pamangkin.
"Sino si Nina?" Tanong ni Dennis.
"Anak ko!" Nakangiting sagot ni Nicole.
"Oh, may asawa ka na rin?"
Nagkatinginan ang kambal.
"Oh no, kuya! I am a single parent by choice."
"Ah, I see." Awkward na sagot niya.
"Nasaan si ate Janice and the kids?"
"Nasa First Wive's club sa taas." Birong patungkol sa mga asawa nila.
Nagtawanan si Nicole, Marc, at Marty.
Pasimpleng hinimas ng thumb ni Dennis ang makinis na shoulder ni Nicole. Umaasang hindi ito mapansin ng babae.
Ngunit simpleng humimas din si Nicole sa kanyang love handle.
Hindi 100% sigurado si Dennis kung imagination niya lang ba ang nakikitang interest ni Nicole sa kanya. Maaring dahil na-miss lang siya nito dahil ang tagal na nang huli silang magkita.
Cousins-in-law sila ni Nicole. Patrilineal cousins o magpinsang-buo sa father side sila ni Jason na matrilineal cousin naman si Nicole.
"E, si kuya Archie?"
"Kasama ng mga pamangkin mo naglalaro ng basketball sa likod." Sagot ni Marty.
Halos binata na ang mga ang anak ng mga kambal at tulad ng mga tatay ay mahilig rin sa basketball.
"Ah."
Tinuloy ni Marty ang kuwentuhan bago naputol ng pagdating ni Nicole.
Gustong makasiguro ni Dennis na responsive sa kanya si Nicole kaya pasimpleng pinisil ang balikat nito at inantay na gumanti. Hindi naman siya nabigo at pasimpleng pisil rin ang naramdaman ni Dennis sa love handle niya.
'Shit!'
Patagong hinuli ng mga mata ni Dennis ang mga mata ni Nicole, at hindi nanaman siya nabigo at sinalubong rin nito ang tingin niya at nag-lock ang mga ito ng limang segundo.
Batid ni Dennis na sadyang bumitiw ng tingin, kasabay ng pagalis ng braso na nakayakap sa baywang niya si Nicole, upang walang makapansin sa titigan nila.
Hindi niya nalilimutan na may asawa na siya pero hindi niya mapigilan ang sarili dahil nagpapakita rin si Nicole ng signs.
'Sasakyan ko lang muna trip nito. Titignan ko kung hanggang saan siya game.' Sa isip ni Dennis.
"So, what do you do now?" Tanong ni Dennis.
"I'm part of PR and Communications team at P&G. Ikaw, kuya?"
"Oh! Wow, ang galing! Ako, I'm an architect. I work at ASYA Design, an architectural firm."
"Oh, yeah! Mactan Cebu International Airport, right?"
"Yeah! One of our big projects!" Natuwang sagot ni Dennis dahil alam ni Nicole ang company niya.
Kaunting kamustahan pa ay nagpaalam na rin sa kanila si Nicole para bumati naman sa iba nilang mga kamag-anak.
Habang papalayo si Nicole, pasimpleng sinusundan ng tingin at pinagmasdan ito ni Dennis ang babae: Chinita, maputi, at matangkad. Sa tingin niya ay mga 5'7". Maganda rin ang hubog ng katawan. Hindi payat pero hindi rin naman mataba.
After lunch na nang nakita niya ulit si Nicole. Hiningi niya ang mobile number nito.
Sa buong araw ay mga palihim na tinginan at himasan ang namagitan sa kanilang dalawa.
---
Si Dennis ay kasing edad lamang ng pinsan nitong si Jason, at tulad sa pinsan, maaga rin itong nakapag-asawa sa edad na 20.
Si Ernie ay panganay sa magkapatid na Soriano, si Rod ang bunso. Parehong kayumanggi, ang magkapatid na nagbigay ng malakas na appeal. Si Rod ay may dalawang anak na lalaki sa asawa nitong si Dahlia: Si Archie ang panganay at ang bunsong si Dennis.
An 11-year old Dennis ang unang crush ni Nicole noong siya ay 7 years old pa lamang. Nabaling ang paghanga sa kuya Jason niya noong dumalang na ang pagsama ni Nicole sa Pampanga, kung saan nakatira sila Dennis.
Tila nanumbalik ang paghanga ni Nicole kay Dennis nang makita niya itong guwapong-guwapo sa navy blue suit noong kasal nito kay Janice. Naka-brush up ang hair nito at ang linis-linis tignan. Parang ang bango-bango. Parang ang sarap-sarap. 5'11" ang taas, bahagyang matangkad ito sa pinsang si Jason na 5'10" naman.
'Malaki rin kaya si kuya Dennis tulad kay kuya Jay?' Natanong sa isip ni Nicole.
Hindi tulad ng kapatid na si Archie o kahit ng pinsang si Jason, medyo maputi ang balat ni Dennis para sa kanilang lahing moreno. Nakuha niya ang kaniyang kulay kay Dahlia. Ang ilong ay matangos na round ang tip na nakuha sa kanyang ama.
BINABASA MO ANG
Ang Una
Short StoryLarawan ng contentment si Nicole. Sa edad na 28, financially stable at may isang maganda at matalinong anak na babae. Single-mother by choice. Pero may madilim na lihim si Nicole. Ang ama ng kaniyang anak ay ang first-cousin niyang si Jason. Desido...