Epilogue

433 3 0
                                    

February 2007

Victoria Court, Malate

Naka-park na at papasara na ang garage door ng kinuhang room ni Ernie, sabay naman ang bukas ng katabing parking door. Nakita pa ni Ernie nang dumaan ang kotse.

Nakababa ang window sa driver's side at nakita niya ang driver na kahit naka-shades ay nakilala pa rin niya ang mukha ng anak na si Jason. Basa pa ang buhok nito.

Malakas ang kabog ng dibdib sa halo-halong emosyon. Ngunit mas lalong lumakas ang kabog ng mahagip ng kanyang paningin ang kasama nitong babae. Naka-shades rin ang babae at bahagyang nahaharangan ng ulo ng anak, kaya hindi 100 percent na sigurado, pero ang lakas ng kutob ni Ernie na ang pinsan ng anak at pamangkin ng asawang si Theresa ang kasamang babae ni Jason.

'Nicole?!' Sigaw ng isip ni Ernie, habang bahagyang nakabukas ang bibig.

Nakatulala si Ernie sa naksarado nang pinto ng garage. Napatitig naman ang babaeng kasama nito sa namumutlang mukha ng customer na hindi pa rin bumababa ng kotse.

Gusto man habulin ni Ernie ang anak, pero mare-reveal rin sa anak na naka-check in siya na may kasamang ibang babae.

'Hindi, baka nagkakamali ka lang. Hindi mo naman masyado nakita ang mukha ng kasama ni Jason.' Kinukumbinsi ni Ernie ang sarili.

Hindi mawala sa isip niya ang nakita kaya hindi rin siya nakapag-perform ng maayos sa ka-sex niya.

Nai-isip ni Ernie baka makabuntis si Jason at hindi ito makapagtapos ng pagaaral. Pero mas bothered siya kung totoong si Nicole ang nakita niya, mas malaking problema.

Anak na ang turing nila ng asawang si Theresa kay Nicole. First cousins si Jason at Nicole. Kapag mabuntis ito ng anak ay ubod na laking problema.

Noong mga sumunod na araw ay pinagmasdan ni Ernie ang magpinsan. Inaabangan kung may hidden glances or touches sa pagitan nila Jason at Nicole.

Wala naman nakitang kakaiba si Ernie sa mga kilos ng magpinsan. Simula mga bata ang mga ito ay parating magkadikit ang dalawa. Nagaasaran, nagaaway na parang magkapatid.

Unti-unting nawala na sa isip ni Ernie ang nakita sa Victoria Court. Kinumbinsi ang sarili na ibang babae ang kasama ng anak. Ang totoo ay hindi niya din alam ang dapat gagawin kung tama ang kaniyang nakita.

Walang nakitang kakaiba si Ernie dahil noong nakita niya ang magpinsan ay iyon na ang farewell sex ng dalawa.

Tuluyang nawala sa isipan ni Ernie ang nakita nang ipakilala ni Jason ang girlfriend at ilang buwan ang nakalipas ay sabihing buntis na ito.

----

Soriano Residence, Laguna

Alas-tres ng madaling araw nang magising si Ernie dahil sa punong pantog.

Lumbas ito ng kuwarto at papunta ng CR nang makita na bukas ang pinto ng bahay.

Isinara muna ang pinto bago ito naglakad pabalik papuntang CR nang nakita niya si Nicole na nakahiga sa sofa.

Nakapatong ang isang binti sa backrest ng sofa. Nakapalda ng maiksi ang babae kaya kitang-kita ni Ernie ang pulang silk panty nito.

Pakiwari ni Ernie ay lasing na lasing ito mula sa inuman ng magpipinsan kagabi in celebration ng Media Noche at pagsalubong sa 2024. Inisip niya na baka sa kalasingan ay hindi na alam kung saan nakatulog.

Pumunta sa CR si Ernie at inubos ang naipon na ihi. Hindi pa rin naalis sa isipin niya ang nakita.

Sumagi sa isip ni Ernie na dalawang Soriano ang nakapasok doon. Ang anak na si Jason at ang pamangking si Dennis.

Ang UnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon