Chapter 10

407 1 0
                                    

Mahirap ngunit tila walang makakapigil sa affair nila Dennis at Nicole. Kahit ang pandemic ay hindi napigilan ang palihim nilang pagkikita.

Animo'y tumigil ang mundo noong panahon ng pandemic. Takot ang namamayani sa buong mundo, ngunit tila may sariling mundo sina Dennis at Nicole. Sa gitna ng laganap na takot sa buong mundo, masaya ang dalawa sa sarili nilang mundo.

Dahil essential ang groceries, maaring lumabas sa bahay kung ito ang gagawin. Nakakita pa rin ng pagkakataon ang magkalaguyo para magkita at magtalik sa loob ng sasakyan sa parking.

Limang buwan ang mabilis na lumipas simula nang mag-declare ng lockdown at tila walang katapusan ang ligaya ng dalawa, ngunit natigil ang lihim na pagkikita nang magka-COVID ang asawa ni Dennis na si Janice.

Dahil isang medical secretary si Janice, madalas itong nasa hospital nang panahon ng pandemic. Bihira itong nakakauwi sa bahay hanggang sa mahawa ito.

Mabilis ang mga pangyayari. Ni hindi na nakita ng mag-a-ama si Janice hanggang sa ma-cremate ito.

Sobrang sakit ang nangyari para sa mga anak at matinding panguusig sa kunsensya naman ang kay Dennis.

7 months na walang communication sina Dennis at Nicole.

Pinutol ni Dennis ang communication kay Nicole. At dahil equally guilty rin si Nicole, hinayaan niya lang ang bagong biyudo sa pagluluksa nito.

Ngunit nang maka-recover ay muling kinontak ni Dennis si Nicole. Sa mga panahon wala silang communication ay napagtanto niya na hindi na niya kayang iwan si Nicole.

Freedom from their guilt ang nagkaroon kela Nicole at Dennis nang mawala si Janice. Wala na silang natatapakan sa relationship nila.

Dahil sa nakasanayan ay hindi pa rin nila sinasabi ang relasyon nilang dalawa sa mga pami-pamilya nila.

Hanggang sa naisipan na ni Dennis ayaain magpakasal si Nicole.

"Love, hindi mo ba naiisip mag-baby ulit?" Tanong ni Dennis.

"Nope. I already hurt my parents when I got pregnant with Nina, because it was out of wedlock."

"Then, let's get married?"

"Seryoso ka ba?"

"Oo. Gusto ko rin ng anak na lalake, e. Papayag ka ba pakasal?"

Tinitigan ni Nicole ang mga mata ni Dennis upang tiyakin na seryoso ito.

"Oo."

Nanlaki ang mga mata ni Dennis. Alam niya na wala sa bokabularyo ng girlfriend ang salitang 'kasal'.

"Weh! Really?! Why a sudden change of heart?"

"Well, it's really not sudden. We've been in this relationship for three years na. We've been through so much already..."

Ang totoo ay nagpadala lamang si Nicole sa kaniyang damdamin. Maraming pumasok sa isip niya na maaring maging issue nila in the future, pero dahil mahal na mahal niye si Dennis ay hindi niya na ito pinansin.

"But love, expect mo na hindi ito magiging madali, ha. May mga grown up daughters ako. At ang two years ay masyadong maaga para sa iba na magasawa ako ulit." Sabi ni Dennis.

"I know."


Nag-decide si Dennis na sabihin na sa dalawang anak na dalagita ang relasyon nila ni Nicole over dinner.

"What?! This early?! It's not even 2 years since mom died!" Mataas na boses na sabi ni Jane, ang mas nakakatanda sa dalawang anak na dalagita niya."

"If there's something I learned from this pandemic, we shouldn't waste time. Hindi natin alam ang pwedeng mangyari."

Ang UnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon