Ang Tagumpay ng Estudyante

19 3 0
                                    

"Tagumpay" salitang binibigyang buhay
Kapag tayo'y dumadaan sa iba't ibang tulay
Tila ba'y titila ang mga patak ng ulan
Na papalitan ng bagong araw sa kinabukasan

Paglalakad sa maraming daan
Para sa kinabukasan na nakalaan
Tayo'y tutungo sa iisang direksyon
Upang sa pagpapalaganap ng ating henerasyon

Mga malalaking bundok at mga dagat na tatawirin
Ngunit patuloy pa rin ang ating lalakbayin
Malayo man ang aking paroroonan
Pero diretso pa rin sa pupuntahan

Maging bigo man o palarin
Ako'y di susuko sa aking mga hangarin
Hangga't sa pagkamit ng tagumpay
Na magkaroon ng magandang buhay

Ang Buhay Ng TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon