Ang Aking Guro

13 3 0
                                    

Guro, una sa lahat salamat po
Salamat po dahil wagas ang pag-ibig mo
Kahit na sino o kahit ano ako
Ako'y minahal at inalagaan mo

'Di man ako ang THE BEST sa klase
Pag-aaruga mo ay ibang klase
Sa gabay at turo mo na hindi makakalimutan
Ito'y aking pahahalagahan

Patawad sa mga bagay na ika'y nasaktan
Sa aming mga gawaing pagpapasaway
Ngunit pagapapatawad mo pa rin ang nagiging tulay
Upang kami'y mas lalong masubaybayan

Sa aming paglalakad para sa pangarap
Sana'y iyong presensya ay nandyan pa rin
Upang aming mga kinabukasan ay aming mahanap
Ika'y sana makasama sa bawat hakbang na lalakarin

Ikaw ang direksyon at tulay
Na sa bawat problema'y ikaw ang kaagapay
Ang bawat pagod mo ay may halaga
Kaya ika'y ngumiti sa iyong pagbangon sa bagong umaga

Sa madaming gawain sa trabaho
Wag kang susuko at laban lang guro
Tandaan mo'y ikaw ang daan sa pagbabago
Upang kaalaman ng kabataan ay patuloy lumago

Dito na nagtatapos ang aking tula
Nawa'y iyong magustuhan mga sinulat na talata
Lubos na nagpapasalamat sa Diyos Ama
Na ikaw ang aking nakasama

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Buhay Ng TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon