Chap 5: The beginning of mystery

44 7 2
                                    

(Warning there are some inappropriate words that includes).



I still cannot believe what i just find out, like i made a huge mistake, my mom has a trauma about believing in God.

"Your mom stop believing in the mighty God after some tragic accident happened way back before."

Ilang sandaling nanahimik si daddy sa sasabihin niya tipong pinag iisipan niya nang mabuti ang mga salitang binibitawan niya. Naiwang nakanganga ang bunganga ko sa sunod niyang binanggit.

"Your mom has a Thanatophobia (Fear of death or fear of death of a loved one)" huling banggit niya bago siya umalis ng kwarto ko, naiwan akong parang tanga sa silid ko na walang kaalam alam kung ano ang ibig sabihin ni dad sa mga winika niya.

Parang sira sirang piraso ng mapa ang utak ko at hindi man lang ako naka idlip kakaisip "Paano ako haharap sakanya neto" banggit ko sa sarili ko. Tangna para akong baliw kakaisip kung ano ang pinag sasabi ni dad saakin kagabi ako ata ang mababaliw eh, wala naman kasi siyang binanggit kung anong dahilan at kung bakit naging ganon si mama
I need a history about this.

Naputol ang pagiisip ko nung kumatok ang kasambahay siya ang kasambahay na kinausap ko kahapon ngunit tinakbuhan lang ako "Goodmorning miss Essence handa na po ang almusal"

usal niya at inalalayan ako sa wheelchair ko, tangina para akong pabigat sa pamilyang to.

"Good morning anak" usal ni mama habang nakangiti, "Huh? I mean good morning too" sabi ko naman pabalik sakanya habang gulong gulo ang isip ko.

Tahimik lang naman kaming kumain at wala dito si dad nasa trabaho daw siya sabi ni mama kaya medyo awkward ang setting namin ngayon ni mama, parang wala siyang muwang sa nangyari kagabi.

"Ess do you want me to tour you in our house?" Sabi niya saakin na nagpabalik saakin sa realidad "Sure ma" pagkasabi ko nun ay nanahimik siya bigla at wala nang sinabi pang ano.

Tulak-tulak ako ni mama habang pinapasyal ako sa mga bawat palapag ng mansyon halos lahat ng matataw mo ay puro kadiliman ngunit kapansin pansin ang mga litratong nakasabit sa bawat ding-ding ng palapag, kasalukuyang nasa ikatlong palapag kami ni mama at nakamasid sa Isang malaking portrait.

"That was our first family picture" Sabi ni mama, ang portrait ay halatang luma at puno ng alikabok however, you can still sight the majestic beauty of the portrait, si dad, mom at ang baby na karga ni mama na halatang ako.

"Okay let's go down" Sabi ni mama "Wait ma may last floor pa diba?" Sabi ko naman na gustong gustong makita ang nasa last floor
"No Ess."  Tipid niyang sinabi.

I wanted to go pero hindi pwede, bawal ayoko na uling magkaroon ng kasalanan. "I'm sorry about yesterday" bigla akong napatigil sa curiosity ko sa sinabi ni mama "I'm wrong I shouldn't shouted at you last night " Sabi ni mama habang nakayuko "It's fine ma, dad already explained  it to me" banggit ko sakanya
"Thank you my essence".

Nasa first floor na kami ni mama at nakita kong naglilinis ang ibang kasambahay, "Ma I wanted to wander around" Sabi ko habang tumingala sakanya, she just give me a warm smile.

I'm just wandering outside then I see na may small garden at may tea table at may swing
sa labas ng mansyon hanggang titig lang ako dahil may anim na hakbang na hagdan, naka upo lang ako sa wheelchair kahit kaya ko namang mag lakad.

"Miss Ess gusto niyo po bang bumaba"  Siya ang kasambahay na nag palit ng roses sa kwarto ko "Yes please" Sabi ko habang may ngiti sa mukha ko, itutulak niya na sana ang wheelchair kaso biglang mag sumigaw na lalaki sa labas ng masyon.

"Essence" si dad at may kasamang matipunong lalaki  "Go back inside Dr. Haiba will check you up" Sabi niya, si Dr. Haiba ang lalaking kasama niya, ipinasok nako ng kasambahay sa loob ng bahay ngunit napatigil siya sa pagtulak niya sakin dahil humarang ang doctor sa direksyon namin,

"Hi Linda ako na ang bahala kay miss Essence" usal ng doctor, Linda pala ang pangalan niya. Inalalayan ako ng doctor paakyat nang silid ko sa ikalawang palapag at nakita kong naroon na si mama at ang masungit na kasambahay "Good Morning Mrs. Danica Villamos and Mrs. Lena" wika nang doctor, kapansin pansin na halos ng narito ay kilala niya "Good morning too Dr. Kael Haiba"
Pabalik na bati ni mama sa doctor.

Nagsimula ang session sakin ng doctor sa mga basic check up medyo nakakaantok dahil may lavender scent candle na kanina lamang ay sinindihan ni Ate Lena, hindi ko alam ngunit bumibigat ang mga talukap ko at kadiliman nalang ang naaninag ng mga mata ko "Mr. Zeke Villamos I will proceed to the main session"  ang huling salita na narinig ko bago makatulong.

Pagmulat na pagmulat ng mata ko ay madilim ngunit payapang silid ang nakita ko "Gabi na pala anong ginawa ko humilata lang ba ako maghapon" anas ko na may pagkairita, naramdaman ko na masakit ang braso ko at nakita ko na lamang na may bandage ito "Medicine shot" a medical procedure na ginagawa sakin ni Dr. Haiba once a month nga lang kaya pangalawang shot palang niya to sakin, naputol ang anas ko sa buhay,

bigla kasing may pagkalakas na katok sa pintuan ko ang narinig ko "Kakain na raw po miss Es"
Si Linda, inalalayan niya ako sa pag-upo sa wheelchair, Isa siyang maputi at kasing tangkad ko lang mukha siyang bata para maging kasambahay,

Mabait naman siya at mukhang mapagkakatiwalaan kesa naman sa isang kasambahay na si Lena ang sungit niya kasi
"Linda matagal kana ba dito at si Lena?" tanong ko sakanya bigla siyang nagulat sa binanggit kong pangalan "Oww sorry I just heard your name from the doctor he mentioned it earlier" pagpapaliwanag ko sakanya " Lena siya ang nanay ko at matagal nakaming nag tratrabaho rito" Sabi niya na may mahinhin na boses.

Mag nanay pala sila pero magkasalungat ang ugali nila. "Maiwan kona po kayo Miss Essence" usal niya, nasa hapag kainan napala kami at andito narin sila mama at dad "Linda tabi tayong kumain" I invited her para saluhan kami kaso pagtanggi ang ibinigay niya saakin "No miss Essence mamaya nalang po ako kakain" Sabi niya habang winawasiwas ang kanyang kamay at umiiling ang kanyang ulo.

"Linda com..." naputol ang sasabihin ko nung sumabat si mama "Come on Linda wag ka ng mahiya" hindi makatanggi si Linda sa utos ni mama at si dad naman ay may mala bagyong expression ang mukha niya tahimik lang naman kaming kumaing apat ngunit hindi ko maalis ang titig ko kay dad lagi kasi siyang nakatitig kay Linda.

Tahimik at mabilis na natapos ang kainan naming apat at ngayon ay nasa silid nanaman ako. Para nga akong preso sa bahay na ito gusto kong lumabas, mamasyal o kung ano man, sa pag hahanap ko ng mga bagay sa silid ko ay nakita ko ang maalikabok na libro sa ilalim ng kama ko.

"Flowerpaedia" napa ubo ako nung inihipan ko ang libro ang kapal kasi para mag assume este ng alikabok, pagkabuklat na pagkabuklat ko ay puro iba't ibang types ng bulaklak ang makikita. Binasa ko ang libro nasa page 153 na ako kaso hindi na kaya ng mga mata ko para magbasa, I decided to go down para uminom ng tubig, hindi naman na siguro ako mapapansin ng iba kung hindi ako mag whe-wheelchair diba.

Tulog na siguro silang lahat  alas dos naman na kasi ng madaling araw. Dahan dahan akong bumaba sa unang palapag para gawin ang pakay ko ngunit hindi na ito natuloy nung nakita ko ang anino ng isang lalaki si dad siya lang naman nag-iisang lalaki rito sa mansyon, na may kasamang  babae ngunit hindi ko makita kung sino siya tanging anino lang niya.

"Alas dos gising pa sila, grabe si dad madaling araw pinapagalitan niya pa ang  kasambahay" pabulong na sabi ko, ngunit kinain ko ang sinabi ko dahil hindi galit si dad pero ang isang kasambahay ang nagagalit kay dad, huh diba si dad ang nagpapa sweldo sakanila pero kung maka asta siya boss.

"I know I know nakakahiya ang ginawa niya, Sorry it will never happen again kakausapin ko siya bukas na bukas".


Essence of Yours Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon