Chapter 6

41 7 0
                                    

(Warning inappropriate words include)


Nagising na lamang ako sa tunog ng alarm clock ko “Wahh umaga na agad” banggit ko habang sinusubukang patigilin ang pag ngawa ng alarm clock, “Miss Essence” isang malumanay na boses na nanggagaling sa kabilang panig ng kwarto ko

“Miss Essence pinapatawag po kayo ni Don. Villamos” usal ng babae sa labas ng kwarto ko, agad-agad rin akong naalimpungatan kaya bigla akong tumayo at bumangga ang kanang binti ko sa isang matulis na bagay ngunit hindi ko ininda ang sakit para lang buksan ang pinto.

Gulat at takot ang naka guhit sa mukha niya
“Miss Essence, ayos lang po ba kayo” usal niya sakin habang tinitingala ako ngunit hindi ko ito pinansin, tanging sa mukha niya lamang ako nakatitig, siya ay morena at mayroong malusog na pangagatawan kapansin pansin rin ang nunal niya sa ilalim ng kanyang kaliwang mata,  at hindi siya si Linda.

“Sino ka?” banggit ko ng may pagtataka, “Ah Elisha po Miss Essence”  usal niya habang naka yuko, “Okay, bababa nako mag aayos lang ako” pinutol ko ang usapan sa malamig at walang gana kong boses habang sinarado ang pintuan.

“Hala tangina mukha akong bangkay usal ko sa sarili ko habang naka titig sa salamin, malamim ang eye bag ko at may maputlang mga labi, “Wala pa akong tulog, at sino ba kasi ang kausap ni dad, at ano nanaman ang kasalanan ko” banggit ko tila ba kinakausap ang repleksyon ko sa salamin,

Nagising ako sa pagiging lutang ko nung biglang ngumawa ulit ang alarm clock ko, dali-dali rin naman akong kumilos para maka baba na at harapin si dad kaso may kumatok sa pinto ng kwarto ko pinag buksan ko ito at naroon si Elisha na may dalang first aid kit,

“Miss Essence ang binti niyo po” bangit niya na agad ko ring pinag taka kaya tinignan ko ang ibaba ko na binabanggit niya, may dugong umaagos rito,

“Miss Essence, saglit lang po gagamutin ko po” banggit niya na may bahid ng pag-aalala hinayaan ko siya gamutin ang sugat ko, ARAYY" napasigaw ako sa hapdi dahil pinatakan niya ito ng alcohol.

Tangina nakakahiya, pero nakita ko lang siyang tumatawa habang nilalagyan niya ng bandage ang sugat ko, nagkasalubong ang mga mata namin kaya agad rin siyang yumuko at may binanggit “Sorry Miss Essence” usal niya habang nililigpit ang mga laman ng first aid kit, “Me too I didn't mean to shut the door in front of you and my rudeness earlier” Pagkasabi ko nun ay nakita ko siyang ngumiti at tumayo at lumabas ng kwarto ko.

Strange and ang comfortable niya kausap and she is kind of familiar to me saan ko ba siya nakita. Hinayaan ko muna ang tanong sa isipan ko at agad-agad nag palit ng damit at nag ayos ng sarili, hahawakan ko na sana ang door knob nung napangunahan ako ng isang katok mula sa labas, si Elisha.

Inalalayan ako ni Elisha gamit ang wheelchair para makarating sa unang palapag kung nasaan sina dad at si mama na naghihintay sa pagdating ko agad na bumungad sakin ang ngiti ni mama  at si dad naman ay naka tingin lang saakin, mukhang may okasyon na magaganap dahil pareho silang naka formal,

Si dad ay naka itim na amerikana at may suot na leather shoes at maayos ang kanyang buhok at hindi mapagkakamalang nasa singkwenta anyos na siya, si mama naman ay naka lavender colored dress at may suot na two inches heel at mas lalong nangibabaw sakanya ang mga suot niyang alahas at ang mapula niyang labi at hindi siya mapagkakamalang 45 years old.

“Miss Essence maiwan ko na po kayo” pagkasabi ni Elisha nun ay tanging kaming tatlo nalang nila mama at dad ang nasa sala, “Essence next week hindi kana gagamitin ng wheelchair advice narin ng doctor mo” panimulang salita ni mama habang nakangiti sa direksyon ko, habang si dad ay nakatingin lamang saakin ang walang kabuhay buhay niyang mukha,

Essence of Yours Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon