Chap 10: Anniversary

16 5 1
                                    

★ESSENCE★


FINALLY!!! sigaw ko dahil di nako gagamit ng wheelchair at nang crutches sino ba namang may gusto syempre ako

“Es here” inabot ni Elisha ang paper pouch na may lamang gamot

“Eli sure kaba na gamot ko lahat yan?” tanong ko sakanya, kasi ang dami naman kasi ng gamot parang ayun nalang kakainin ko busog nako

“Yas Yas madam, Dr. Zamora prescribed it for you” Usal niya habang natatawa sa reaksyon ko, loko pa nga halatang inaasar ako

“Speaking close mo ba.. I mean matagal na kayong magkakilala ni Dr. Zamora?” I asked her with a curious tone like I was interrogating her, curious ako eh bakit ba?

“Ahh Dr. Zamora naging close ko kasi siya nung college ako same kasi kami ng major” Sabi niya habang nagpapantasya, luh crush niya siguro yung doctor sabagay gwapo at cute naman yung doctor

“oww kaya pala” tugon ko sa kanya at lumingon ako ako sa bintana habang may ngisi sa aking labi, ewan feel ko lang na kahit papaano ay
napapalagay ang loob ko kay Elisa, ngunit may nagpapagulo parin sa aking utak, ganon ba talaga ang pakikitungo ni Dr. Zamora

Isang malalim na buntong na hininga ang tangi ko nalang nagawa. Tahimik ang byahe pauwi na kasi kami ng mansyon at wala man lang kibo ang driver naka focus lang siya sa pagmamaneho habang si Elisha ay mahimbing na natutulog sa tabi ko, at mukhang pagod sa pinag gagawa namin kanina

At kung pagmamasdan ang lugar ng mansyon nila dad ay malayo sa mga ordinaryong kabahayan at tila ba makaluma ngunit kamangha mangga ang lugar ng Goth, ewan tunog hunted yung lugar pero parang garden yung nasa loob, don't judge the book by it's cover Ika nga nila

“U...um sir bakit po ba Goth ang tawag sa lugar na to?” bigla kong tanong sa kanya malamang curious ako eh, kere naman siguro sagutin yung tanong ko noh?

“Ano po Miss Essence, ang pagkaka alam ko po kasi taniman ang lugar na ito dati ng mga iba't ibang uri ng bulaklak at pagkakaalam ko rin na tinatawag itong gate of the happiness”
Tugon niya habang naka focus parin sa pagmamaneho,

“Oww kaya pala pero ang weird ilan lang ang nakatira rito” Saad ko sakanya habang pinagmamasdan ang mga malalawak na lupain na may mga nag lalakihang mansyon, malapit narin kaming makarating sa mansyon dahil natatanaw ko na ang gate naming puti at ang mala vintage naming mansyon

“M..hh malapit naba tayo” tanong ni Elisha na halatang masarap ang pagkakatulog, pagod kaya ganyan siya kasalanan korin naman ako kasi alaga niya

“Yes malapit na tayong bumababa, pero punasan mo muna yan” sabay turo ko sakanyang bunganga at tumawa dahil may laway sa gilid ng kanyang labi, sarap nang himbing niya pati laway sumabay

“Luh” at minadali niyang pinunasan ang kanyang ebidensyang natulog siya. Kasabay nun ay bumaba narin kami nang sasakyan habang inalayan ako ni Elisha

Pagpasok palang namin sa mansyon ay bubungad sayo ang mga nag-gagandahang dekorasyon sa mansyon tulad na lamang ang mga magagarbong tela at matingkad na kulay ng mga kurtina at mga dekorasyon sa mesa at ang bagong kabit na chandelier, at may pa red carpet sa hagdan

At mistulang nasa isang expensive place ka bigla dahil sa mga nakita mo, luh mali ata kami nang napasukan na bahay

“Miss Es anong meron, pumunta lang tayo nang hospital at may ganito ng ganap sa mansyon niyo?” pabulong niyang saad sakin dahil parehas kaming naka tunganga sa nakikita namin

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 13 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Essence of Yours Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon