Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte

Fallen Part 2: Fatum, Procer quod Angelus Chapter 15 and 16

83.2K 1.4K 322
  • Dedicated kay Ate Majo, a friend and a great person
                                    

Fallen Part 2: Fatum, Procer quod Angelus

(The Weirdo, the Prince and the Angel)

Chapter 15

Umupo ako sa upuan sa may bus stop, at sakto ang posisyon ko para matanaw ang napakagandang sunset.

I love sunsets.

Mas nagagandahan ako sa sunset kaysa sa sunrise dahil para sa akin, the sunset symbolizes another life that came to an end. Told you, I'm not afraid to die. At naalala ko ang sabi ni Papa noon.

*

"Pa, mag-gagabi na, alam mo naman na pinilit mo lang ako na dalhin ka dito at makakasama ito sa'yo."

"Pagbigyan mo na ako anak. Pasensiya ka na kung nahihirapan ka," mahinang sabi sa akin ni Papa.

Nakaupo kami sa bus stop na ang tapat ay bangin na. Kitang-kita namin ang sunset at nagsisimula nang magbukas ang mga ilaw sa city.

Hinawakan ko yung kamay ni Papa, at pinipilit kong hindi umiyak. "Alam nyo naman po na gagawin ko ang lahat para sa inyo."

"Alam ko anak, at salamat dahil doon," aniya, pagkatapos tumingin na muli siya sa sunset.

"Pa, bakit lagi tayong nandito? Simula bata pa ako, lagi tayong pumupunta dito at laging magsa-sunset na," tinanong ko kay Papa para hindi niya mapansin ang pasimpleng pagpunas ko ng mga luha ko.

"Alam mo anak, dito nabuo ang pagkatao ko," sabi niya sa akin habang nakatingin sa sunset.

"Ano po?"

"Dito," mahina pa rin niyang sabi. Nararamdaman kong nahihirapan na magsalita si Papa. Nagsisisi tuloy ako kung bakit ko pa tinanong ang tanong ko.

"Dito ko nakilala ang pinakamahalagang tao sa buhay ko," tapos ngumiti siya sa akin kahit na nahihirapan siya. "Well, pangalawa sa'yo, anak."

Pinilit kong ngumiti kahit na gusto ko ng magalit dahil kilala ko kung sino yung binabanggit ni Papa. "Bakit po sunset?"

Tumingin lang muli si Papa sa sunset. Pinagmasdan ko siya at hindi ko na talaga mapigilan ang umiyak. Ang laki na ng pinayat niya simula ng magka-mild stroke. Naka-recover naman siya kaso simula noon, lagi na lang siya nagkakasakit.

Napansin ko na peaceful ang mukha ni Papa. Ang tagal na nung huli kong nakita na ganito ka-peaceful ang expression niya, at parang walang nagbago. Siya pa rin ang gwapo kong Papa.

"Dahil mas gusto kong makita ang sunset... para sa akin, anak, sunsets reminds me of a life that will end."

"Pa." Ayaw ko ng ganung topic.

"Hindi, anak, alam kong malapit na ako kunin—"

"No! PAPA! Hindi po! Lalakas po kayo muli! Pa, nangako kayo sa akin na pag-grumaduate na ako kayo ang aakyat ng stage kasama ako. Mag-iikot pa tayo sa buong mundo, tapos titira tayo sa bahay made of glass, tap—"

"Anak." Hinawakan niya ang kamay ko pero hindi pa rin siya nakatingin sa akin. "I'm sorry kung hindi na natin yun magagawang lahat, I'm so—"

Niyakap ko na noon si Papa. "Pa! Hindi kita bibitawan! Promise ko, hindi ako bibitaw!"

Niyakap na rin ako ni Papa. Ramdam kong umiiyak na siya. "Anak, makinig ka, may sasabihin ako sa'yo." Pinipigil kong huwag humikbi para mapakinggan ko si Papa. Ramdam ko na kinakapos na siya ng hininga. "Hindi ako takot na mamatay, anak. Pero natatakot akong iwan ka."

FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon