Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte

Fallen Part 2: Fatum, Procer quod Angelus Chapter 17 and 18

61.1K 1.1K 135
  • Dedicated kay Rainbow Kwekerz
                                    

Fallen Part 2: Fatum, Procer quod Angelus

(The Weirdo, the Prince and the Angel)

Chapter 17

(Alyx's POV)

Kinabukasan, kinukulit ako ni Iel habang papunta kami sa school. Kahit na sa isip lang kami nag-uusap, ang kulit-kulit pa rin niya!

"Saan ka nga nagpunta kahapon?"

"Ang kulit mo naman eh. Hindi ba sinabi naman ng hangin sa'yo?"

"Sinabi niya, ang gusto ko malaman ay kung anong meron sa lugar na 'yon."

"Ikuwento ko na lang sa'yo next time." Hay naku, sana matigil na siya!

"Alyx."

"Ano na naman, Iel?"

"Anong nangyari sa bus kahapon?"

Natigilan ako nang marinig yun. Bigla kong naalala si Prince at kung paano siya nasaktan kahapon. Hindi ko alam kung bakit, pero parang gusto kong protektahan ang sikreto namin ni Prince. Kahit kay Iel, parang ayaw kong sabihin.

"Wala."

Hindi nagsalita si Iel, ngunit ilang saglit lang ay nakita ko siya sa unahan ko. Seryosong siyang nakatingin sa akin.

"Alyx, maari mo bang isipin kung ano man ang nangyari sa bus kahapon?"

"Bakit ko naman gagawin yun? Gusto mong mabasa ang nasa isip ko?"

"Please, Alyx, isipin mo."

"Fine."

Kahit na naiisip ko si Prince, pinipilit ng utak ko na huwag isipin yung mga nangyari para maging sikreto pa rin yun kay Iel.

"Alyx..."

"Ano?"

"Imposible pero... hindi ko mabasa ang isip mo."

Bago ko siya matanong kung bakit mahalaga yun, dumating na kami sa school at iniwan na niya ako para makapag-aral ako. Mabilis lumipas ang araw at halos hindi ko namalayan ang tatlong klase ko. Paglabas ko lang ng school, saka nagpakita ulit si Iel sa akin.

"Ano, Iel, nalaman mo na ba yung dahilan kung bakit hindi mo nabasa ang isip ko kanina?" tanong ko sa kanya. Pumunta na muna kami sa tambayan ko para makapag-usap.

"Yup! Yung nangyari kanina ay isa lang indication ng lumalakas mong kakayanan."

"Huh?"

"Ibig sabihin lumalakas na yung kakayanan mo na kontrolin ang lakas na meron ka. Lumalakas na yung control mo, lalo na sa utak mo. Pero masiyado pang maaga para sabihin na talagang lumalakas ka na," paliwanag niya sa akin.

"So?"

"Well, posibleng kaya hindi kita mabasa kanina kasi ayaw mo talaga na marinig kita. Kung ano man ang nangyari kahapon sa bus ay masiyado mong iniingatan at talagang ayaw mong malaman ko."

Hindi ko siya sinagot, kaya tumingin siya sa akin. "Gaano ba yun kahalaga at talagang ayaw mong malaman ko?"

Narinig ko na lang na nagsalita ako, "Mahalaga... isang pangako."

Ngumiti siya at alam kong naintindihan niya ako. "Nga pala, sabi rin ng mga nakausap kong anghel na posible raw na kapag mas malayo ako sa'yo, mas mahina yung maririnig o mababasa ko sa utak mo, pero nase-sense pa rin kita."

"Ahhh... kailangan lang pala mas malayo ako sa'yo para hindi mo ako marinig?"

"Yeah, pero hindi ko hahayaan na mapalayo ka sa akin, alam mo naman—"

FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon