Fallen Part 2: Fatum, Procer quod Angelus
(The Weirdo, the Prince and the Angel)
Chapter 9
(Alyx's POV)
"Alyxandra..."
"Argghh... aga pa... "
"Alyxandra..."
"Ang sakit ng ulo ko. Mamaya ka na nga alarm clock!"
"Alyxandra..."
"Ano ba, makulit kang ala—" Sinubukan kong pindutin ang alarm clock para tumigil na, pero ang nahawakan ko ay...
Kamay.
Kamay?!
Napabangon ako nang di oras.
"IKAW?"
Nagdidiliryo na naman ako.
"Hindi ka nagdidiliryo. Tunay ako."
Kinusot-kusot ko ang mga mata ko. "Tunay ka?"
"Oo naman."
"Okay."
Tapos...
Doon lang nagsink-in sa akin ang lahat.
"ANGHEL KA?!"
Ngumiti siya. "Oo."
Pakiramdam ko nahihilo na naman ako pero bago pa ako mahimatay na naman, naramdaman ko na lang ang kamay niya sa noo ko. Nawala yung pag-ikot sana ng paligid ko.
"Wag ka nang mahimatay ulit. Mag-aalala na ako niyan."
Ano raw? "Mag-aalala?"
Ngumiti siya. "Oo naman. Kasi mula ngayon, ako na ang guardian angel mo."
Natameme ako... anong sasabihin ko? Hindi naman normal na gisingin ka ng isang anghel at i-claim niya na siya na ang new guardian angel mo.
"Alam mo nakakatuwa ka talaga."
"....."
"Kasi ang tahi-tahimik mo pero sa isip mo sobrang ang ingay mo. Kakaiba ka mag-isip."
At hindi ko inaasahan ang reaksyon ko. "Argghh... bwisit... walang basahan ng isip!"
Binato ko siya ng unan ko. Mabilis naman niya yun sinambot, at tiningnan lang niya ako.
Grabe, nakakatunaw yung titig niya.
Wala namang titigan ng ganiyan... nakakailang!
"AHAHAHAHAHAHAHA!" Matapos niya ako tawanan, ginulo pa niya ang buhok ko. "Nakakatuwa ka talaga!"
Bwisit na anghel! Akala ko ba mababait ang mga anghel. BAKIT NAPALIHIS ATA NG LANDAS ANG ISANG ITO?
"Mabait naman ako."
"Stop reading my thoughts!" asar kong sabi sa kanya.
"Wala akong magagawa. Magkakonekta na tayo kaya mababasa ko talaga lahat ng iniisip mo."
Sasagutin ko pa sana siya nang mapansin ko ang kanyang mga pakpak. Ang ganda ng mga ito at hindi ko napigilang lumapit dito. Sobrang puti at parang kumikinang sa bawat galaw nito.
"Maari ko bang hawakan?" halos pabulong kong sabi sa kanya habang nakatingin pa rin sa pakpak niya.
"Oo naman."
Unti-unti kong inilapit ang kamay ko. Pagkahawak ko, laking gulat ko dahil sobrang lambot ng naramdaman ko. Mas malambot pa sa bulak. Pero ramdam na ramdam mo din ang lakas na meron nito.
BINABASA MO ANG
Fallen
FantasyAlyx owns a pair of eyes that can see things not normally seen by other mortals, and this has doomed her to live the life of a loner. But what if this gloomy girl finds herself befriending a warrior-turned-guardian angel? With him by her side, can s...
Wattpad Original
Mayroong 8 pang mga libreng parte