Fallen Part 2: Fatum, Procer quod Angelus
(The Weirdo, the Prince and the Angel)
Chapter 21
Dalawang araw akong nawala. Pumunta ako sa Tagaytay, Bulacan, at Pangasinan. Kahit na lumayo ako, ang tanging iniisip ko ay kung paano mawawala sa utak ko si Lindsay. Pag-uwi ko naman sa villa, tumambay muna ako kasama ang barkada dahil hindi ko pa kayang pumasok at makita si Lindsay sa school. Kahit gaano ako kalungkot ngayon, nakuha ko na ring maging masaya kasama ang barkada ko. Parang sila na rin ang pamilya ko ngayon.
Dahil kasama ko ang barkada, palagay ko ay kaya ko nang pumasok sa school. Kaya ko na siguro siyang harapin, basta kasama ko sila. Parang wala namang nagbago simula nang mawala ako ng ilang araw—nagtitilian pa rin ang mga babae 'pag dumadaan ako, Prince pa rin ang tawag sa akin ng lahat, may mga homework pa rin na binigay ang mga prof ko.
Mabilis natapos ang araw, at pauwi na sana kami ng barkada nang bigla akong napatigil dahil sa narinig ko.
"HUWAG KA NANG MAGMAANGAN-MAANGAN PA! NAKITA KA NI WENDY NA KASAMA MO SI PRINCE SA BUS NOONG WEDNESDAY AT SUPER DIKIT NIYO SA ISA'T ISA! MALANDI KA!"
Lumingon ako at nakita yung isa sa mga girls na lang sunod ng sunod sa akin. Claudine ba yun? At ang kausap niya ay si...
Riviera.
Nakita kong biglang sinabunutan nung Claudine si Riviera. Lalapit na sana ako para awatin sila, pero naunahan ako ng isang babae. "Tama na yan!" narinig kong sabi niya.
Kahit na nakatalikod siya sa akin at boses lang niya ang narinig ko, alam ko na agad kung sino yun. Sapat na yun para maramdaman ko ang pagmamahal ko sa kanya.
"It's not what you think," narinig kong sabi ni Riviera.
"Hell yeah? THEN WHAT IS IT?"
Doon ko napansin na parang kinakabahan si Lindsay. Natatakot ako para sa kanya dahil baka kung anong gawin ng mga babaeng ito kay Lindsay kapag nalaman nila na hindi si Riviera ang dapat nilang pag-initan kung hindi si Lindsay.
"Me and that jerk, we're—"
Hindi ko na kaya, kailangan ko nang pigilan kung ano man itong kaguluhan na ito. Lumapit na ako sa kanila.
"Nothing," sabi ko na nagpalingon sa kanila sa akin.
"Prince?!" sabi nung mga babae.
"Al?" Medyo napangibit ako pero hindi ko pinahalata. Halata sa boses niya na nagpapasalamat talaga siya at dumating ako.
"Tch," mula kay Riviera... kahit kailan talaga ang babaeng ito.
Hindi ko mapigilan ang tumitig kay Lindsay, at yumuko siya agad. Mahirap na talagang ibalik ang lahat sa dati.
Narinig kong napa-sigh na lang si Riviera at tumigil ako sa may tabi niya para titigan siya, pinilit kong ibalik ang meron ako dati para hindi niya mapansin na nasasaktan pa rin ako.
"Look, hindi ko alam kung anong meron at nadadamay ang pangalan ko dito," sabi ko habang nakatingin pa din kay Riviera na nakatingin lang din sa akin. Tinitingnan ko si Riviera from head to toe. Hindi ko talaga akalain na itong babaeng ito ang pagsasabihan ko ng lahat ng problema ko noon. Grabe pala ang epekto sa tao ng pagiging broken-hearted, kaya hindi ko mapigilan na mag-smirk. "Hindi ko akalain, Riviera, makikipag-away ka lang para sa akin? Ang sweet naman... ng FAN ko."
I'm sorry Riviera. Alam ko, tinulungan mo ako. Hindi naman ako walang kwenta para hindi yun pansinin. Kaso...
Mas mahalaga si Lindsay higit sa lahat. At hindi ko kakayanin na masaktan pa siya, o mapahamak dahil lang sa akin.
BINABASA MO ANG
Fallen
FantasyAlyx owns a pair of eyes that can see things not normally seen by other mortals, and this has doomed her to live the life of a loner. But what if this gloomy girl finds herself befriending a warrior-turned-guardian angel? With him by her side, can s...
Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte