Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte

Fallen Part 2: Fatum, Procer quod Angelus Chapter 23 and 24

64.8K 1.2K 203
                                    

Fallen Part 2: Fatum, Procer quod Angelus

(The Weirdo, the Prince and the Angel)

Chapter 23

"L-Lindsay..." Damn! Pinapahalata ko masiyado ang sarili ko. Tumingin siya sa akin at ngumiti tapos pinalapit niya ako sa kanya.

"Ang ganda ng langit, no?" sabi niya sa akin nang makatabi ko na siya.

"Oo," yun lang ang sinagot ko habang nakatingin ako sa kanya.

"Sana ganito na lang lagi, Al. Tahimik... walang problema... maayos ang lahat."

Pinikit ko ang mga mata ko at pinakalma pa ang sarili ko tapos tiningnan ko siya muli at nagsalita, "Bakit mo ako pinapapunta dito?"

Tumingin lang siya sa akin at ngumiti, "Gusto ko lang malaman mo na kung may problema man, andito ako para sa'yo."

Ewan ko ba pero pakiramdam ko hindi na pwede na ganito na lang ang lahat, hindi pwede na parang wala lang nangyari, kaya naman umiling ako. "Tama na, Lindsay."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Itigil na natin ito. Hindi pwede na parang wala lang sa'yo ang lahat. Samantalang ako, pakiramdam ko bawat minutong kasama kita, nawawala lahat ng meron sa akin."

Tumingin na talaga siya sa akin, at nakikita kong nahihirapan siya. "Hindi sa ganun Al, pero hindi na natin mababago ang lahat... ayokong mawala ang friendship natin. Ako pa rin ang Linds mo, at ikaw ang Al ko. Magkasangga hanggang sa huli. Magkapatid."

"Sinong may gustong mawala ang friendship natin, Linds? Wala. Sana lang pwede kong ibalik na lang sa dati ang lahat. Na hindi ko inamin ang nararamdaman ko sa'yo. Na walang ganitong nangyayari. Na wala akong nasaktang iba para lang ipagtanggol ka!" Nagulat ako sa huling iyon, at nakita kong nagulat rin si Lindsay.

"My gosh, Al! Hindi ko akalain na gagawin mo yun! Pinahiya mo si Alyx sa harap ng iba... para saan? Para ipagtanggol ako?"

"OO! Ginawa ko yun Linds, para sa'yo! Dahil alam kong natatakot ka sa gagawin ng mga babaeng yun sa'yo. At higit sa lahat, ayaw kong mapahamak ka dahil sa akin!"

"Akala mo ba hindi ko yun alam, Al? Alam ko na maraming magagalit sa akin dahil nasaktan kita! Pero hindi ko kayang patuloy kang saktan, kung hindi ko sasabihin sa'yo na hindi kita kayang mahalin!"

Natigilan ako dun. Kahit na sinabi na niya noong kapatid lang ang turing niya sa akin, iba pa rin ang marinig na hindi niya ako kayang mahalin.

"Alam mo ba, Al," pagpapatuloy niya, "kung pwede lang turuan ang puso, ikaw na ang minahal ko... ikaw na kasama ko sa lahat ng bagay, ikaw na napakabait, ikaw na lagi akong pinapatawa, at ikaw na perfect guy, but...

You're not the perfect guy for me, I'm sorry."

Pumikit ako, ininda ko lahat ng sakit ng sinasabi niya. Sh*t. Mahal ko talaga siya... na kahit sobra-sobra na akong nasasaktan, kaya kong lunukin ang lahat para sa kanya.

"Then, gagawin ko ang lahat para ako ang maging perfect guy para sa'yo."

Nang hindi siya sumagot, bigla akong may naisip. Binuksan ko ulit ang mga mata ko at tiningnan siya. "Sabihin mo nga sa akin ang totoo. May iba ka na bang mahal?"

Tumingin siya sa langit at nagbuntong-hininga. "Meron."

Di ko alam kung anong sasabihin ko... ang sakit palang malaman na hindi ako naging sapat para sa kanya. "S-sino?"

"Siya."

"Sinong—" Tapos doon pumasok sa akin ang lahat.

No.

Sobra na ito, sobrang sakit na kung tama ang hinala ko.

"Oo, Al. Tama ang nasa isip mo, hindi kita kayang mahalin kasi ang puso ko, pagmamay-ari na ng Diyos."

Napaatras ako. Grabe, sampung beses na higit ang sakit sa nauna.

Gusto ko siyang ipaglaban. Gusto kong ibigay lahat sa kanya. Gusto ko na ako lang ang mahalin niya.

Pero...

anong laban ko...

kung ang kalaban ko,

ay SIYA na.

"Al—"

Ngayon, ako na ang umiling, "I'm sorry, Lindsay. Pero, I need to go." At tumakbo na ako.


Chapter 24

(Alyx's POV)

Linggo ngayon, gabi. Naggagawa ako ng mga assignments ko at nag-aaral for the quiz bukas. Kung may isang anghel na hindi ka titigilan hangga't hindi ka nagawa ng assignments, wala ka talagang magagawa kung hindi sumunod at gumawa ng assignment.

Dahil nagutom ako sa kakaaral, dumeretso na ako sa kusina para magluto. Pero pag bukas ko ng ref... shoot! Wala ng laman yung ref! Kahit yung freezer ay wala na ring laman! Dahil sa katakawan ni Iel, wala na palang natirang pagkain dito sa bahay.

"Ano?! Wala ng pagkain? Anong gagawin natin?" Kung makapag-panic naman 'tong anghel ko, akala mo magugunaw na ang mundo.

"Punta na lang ako 7-Eleven, bibili na lang ako ng nama-microwave na food," sabi ko, sabay kuha ng bag at wallet ko mula sa sala. Nagsuot ako ng bonnet bago lumabas, at naramdaman ko na si Iel sa tabi ko.

Mga dalawang kanto lang naman ang layo ng 7-Eleven sa bahay ko, kaya mabilis kaming nakarating doon ni Iel. Kumain na ako doon, at bumili na rin ng pagkain na pwede kong lutuin kinabukasan.

Tahimik kaming naglakad ni Iel pauwi, at naisip kong mabuti na rin na nandito si Iel. Unti-unti kong nararamdaman na nagiging normal na ulit ako. I mean, nakakaramdam na ulit ako ng mga emotions na wala ako dati, tapos mas magaan na yung pakiramdam ko at the same time, tanggap ko na kahit papaano na ganito ang buhay ko... kahit konti.

Malapit na ako sa bahay nang may makita akong nakapag pataas ng BP ko. THE NERVE na magpakita yang mokong na 'yan sa teritoryo ko, matapos ng ginawa niyang pagpapahiya sa akin?!

"Relax..." Naramdaman kong hinahawakan ni Iel ang kamay ko pero hindi ako makapagpigil. Gusto ko siyang sigawan... gusto kong manugod!

"Bitawan mo ako I—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla na lang akong tinulak ni Iel sa tagiliran dahil may isang kotseng pagewang-gewang at muntikan na pala akong banggain. Diyos ko! Muntikan na ako!

Magpapasalamat sana ako kay Iel nang bigla siyang sumigaw.

"ALASTAIR!"

At mabilis akong napatingin kay Demelclair.

Scrrrreeettch!

Nakita ko siyang nakatingin lang dun sa kotse na muntikan ng bumangga sa akin at... babanggain na siya noon!

Hindi ko alam kung anong sumanib sa akin, pero nakita ko na lang ang sarili ko na tumatakbo papalapit kay Demelclair.

Nakita ko siyang pumikit na. G*GO TALAGA YUN! HINDI MAN LANG NAG-EFFORT LUMAYO!

Naramdaman ko na para bang bumabagal ang lahat sa paningin ko, pero ang paa ko mabilis pa ring papalapit. Naririnig kong tinatawag na ako ni Iel... at sa isang iglap...

Scccccrrreeeeccchhhhh! BOOM!

Naitulak ko si Demelclair at kasabay noon, natumba kami sa tagiliran. Nasa ibabaw niya ako at biglang bumukas ang mga mata niya na gulat na gulat ng nakita ako.

Di ko mapigilang ngumiti at magsalita, "Hindi ko akalain na hanggang kamatayan...

jerk ka pa din, John Leopold."

At hindi ko akalain ang susunod na nangyari, bigla na lang siyang nahimatay. 

FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon