Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

Fallen Part 2: Fatum, Procer quod Angelus Chapter 19 and 20

61.8K 1.1K 229
  • Dedicated kay IV-antarctica, mga tropa ko forever!
                                    

Fallen Part 2: Fatum, Procer quod Angelus

(The Weirdo, the Prince and the Angel)

Chapter 19

(Al's POV)

And that girl left me.

Hindi ko akalain na sa pinakamasaklap na parte ng buhay ko, the famous Alyxandra

Genieve Riviera ang makakita ng pagbagsak ng mga pangarap ko. Napasandal ako sa inuupuan ko at napatingin sa panyo na binigay niya sa akin. Siguro kaya niya ibinigay ang panyo niya, malamang-lamang nakita niya na umiiyak ako. Asar, at talagang siya pa ang nakakita? Pero sino ang mas gusto mo? Si Lindsay ang makakita ng mga luha mo? Para saan? Para ma-realize niya na mahal ka rin niya? Asa ka pa men!

Tumingin ako sa paligid ko. Buti na lang walang nakakakita sa akin ngayon. Nakakahiya. Pinunasan ko yung mga luha at napatingin sa labas. Pabalik na ako sa sariling villa sa gitna ng city, balik sa dating buhay, ang Prinsipe ng SJBU, apo ng vice-president ng AGR telecommunications, President ng Student Government ng SJBU at, 'kapatid' sa pinakamamahal ko.

Kapatid? At kailan pa naging kapatid ang turing ko sa kanya? Simula pa ata ng nakita ko siya, alam ko na siya lang ang mamahalin ko. Kaya kahit na babae na mismo ang nanliligaw sa akin, wala pa akong nagiging girlfriend.

Naghintay lang ako ng tamang pagkakataon para sabihin sa babaeng pinakamamahal ko... kung gaano ko siya kamahal. Matapos ang matagal na paghihintay, malalaman kong ang pagmamahal ko sa kanya ay hindi naging tama sa paningin niya.

"VILLA DE MADRIGAL-DEMELCLAIR," narinig kong sabi nung konduktor.

Mabilis akong tumayo at naglakad palabas ng bus. Pero bago ako bumaba ng bus, tiningnan ko muli yung inupuan namin kanina. Someday, magkakaroon din ako ng tamang pagkakataon para sabihin ko sa TAMANG tao ang nararamdaman ko. Kung kailan, hindi ko alam. At kung sino, sana mahanap ko na siya.

Chapter 20

Pag-uwi ko, sandali akong kinausap ni Lolo tungkol sa negosyo, pagkatapos ay pumunta na ako sa kuwarto ni Mama.

"Kamusta na siya, Ate Hazel?" tanong ko sa nurse na nag-aalaga kay Mama.

"Ganun pa din Al, walang pinagbago." Tumango ako sa kanya at lumabas na siya sa room. Tumabi na ako kay Mama na walong taon nang comatose.

"Mama, nandito na po ako, kamusta po ang araw niyo ngayon? Napapasarap na naman po kayo sa pagpapahinga. Ma, pinipilit na po ako ni Lolo na magtrabaho sa AGR. Hindi naman po sa ayaw ko, pero natatakot po ako na 'pag sinunod ko si Lolo, mawalan na po ako ng panahon para alagaan kayo. Kaya Ma, gumising ka na, alam ko naman po na nami-miss nyo na po ang pagtatrabaho," biro ko habang hinahaplos ang noo ni Mama.

"Ma, nga pala—" huminga ako nang malalim "—alam na po ni Linds ang nararamdaman ko sa kanya. Hindi ganun ang feelings niya for me. Ang sakit po pala, Ma. Pero hindi po ako nagsisisi na sinabi ko sa kanya. Mas gusto ko na po ang ganito, kahit na alam kong may magbabago sa nararamdaman namin sa isa't isa. Ma, sana nandito ka para payuhan ako." Hinalikan ko na ang noo niya at tumayo.

"Kailangan ko nang umalis, Ma. Hindi ko po alam kung saan ako pupunta pero kailangan ko munang alisin ang sakit na nararamdaman ko. Opo, wag kayong mag-aalala, hindi po ako gagawa ng kalokohan. Baka po sakali pagbalik ko, mabawasan na po kahit konti ang sakit na nararamdaman ko. Babalik ako, Mama."

Naglalakad na ako palabas nang bigla kong naisip ang isa pang gusto kong ibalita kay Mama. "Nga pala Ma, Riviera and I... we're okay na." Ngumiti ako at tuluyan nang umalis.

Sana Mama... pagbalik ko, kahit konti, may pag-asa na gumising ka na.

FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon