Prologue

94 4 1
                                    

Nakatingin lang ako sa labas ng shop kung saan ako nagtatrabaho, I mean, ito yung naipundar ko na shop. Grabeng paghihirap ang dinanas ko maitayo lang ito no.

Hindi naman kasi ako mayaman, lalo na at sa akin lang umaasa si 'tay at 'nay no.

Awa ng Diyos, narito na nga. Napangiti naman ako ng biglang may pumasok sa shop, nakapagtapos ako ng college, tuwang-tuwa pa sila dahil dalawa ang degree na hawak ko. Isa para sa business at isa naman na para sa art and design.

"Good day, sir! Welcome to Baustista Boutique!" Bati ko rito at ganon din ang ginawa ng dalawang tauhan ko.

Si Pen at Dallie, mga kababata ko na lumapit sakin, saktong naghahanap ako ng mapagkakatiwalaan kaya sila na ang kinuha ko.

"Good day. Ahm, can I get one of these coat?" Tinanguan ko naman sila Pen at Dallie. Si Pen lalaki yan, sa pangalan lang di halata.

"Which color do you prefer, sir? And its size?" Tinignan niya muna kaming tatlo at naghihintay naman kami ng sagot niya.

Lalo na si Dallie na nasa counter.

"Black, extra large." Ngumiti naman ako at ako na ang kumuha sa storage namin, medium lang kasi yung coat na gusto niya.

Talagang dinamihan namin ang quantity ng mga damit lalo na at iba-iba ang built ng katawan ng mga customer mahirap na pagwala e di sa iba sila hahanap.

Nang makalabas ako ay agad akong nagtungo kung saan naroon ang customer.

"Is this okay, sir? You can check it, sir." Ngiting sabi ko at chineck naman niya yun, mukhang may lahi si kuyang pogi, may itsura kasi ano ba kayo.

Mariin itong nakatingin sa coat at tinignan naman ako. Matangkad si kuya ha, kaya nakayuko siya sakin.

"My boss will like it, I think?" Rinig kong bulong niya at tinignan ulit ako. "I'll buy this." At iniabot sakin ang damit.

"Thank you, sir. Please follow me." At nagtungo kami sa counter at hinayaan kong si Dallie na ang mag-asikaso sa lalaki sa pagbabayad. Habang ako ito nagpapakete ng damit.

"Dallie, pakiabot naman ng bag dust cover. Salamat." Inabot naman niya ito at doon ko inilagay ang coat na binili niya saka ko inilagay sa paper bag. Nasa ibaba kasi iyon ng counter kaya hindi ko maabot.

Taray ng ate niyo, may pa-packaging pa.

Si Pen naman ang nag-asikaso hanggang makaalis ito.

Nakangiti kaming tatlo at nagthumbs-up naman ang dalawa.

"Ayos na ayos talaga 'tong business mo, Ara."

"Oo nga eh, grabe di ko talaga inakala na magiging maayos ang takbo nito, isang taon palang mula ng itinayo ko ito ha." Tatango-tango naman ang dalawa at nag-apir pa.

"Anong next na gagawin mo naman? Restaurant? Or ganito pa rin?" Tanong naman ni Pen.

"Nag-iisip nga ako na parehas kong gawin eh, kaso magiging hassle naman. Lalo na at may karinderya pa si nanay. Si tatay naman may talyer."

"Ano kaya't kausapin mo sila Andeng at Paki? Marunong ang dalawang yun sa kusina, nakapagtapos parehas ng kulinarya. Marunong rin sa dining ang dalawang yun." Tumango naman ako at tinignan sila.

Pwede nga naman, isa sila sa mga kababata ko dito sa Maynila.

"Ganon na nga ang gagawin ko, kasi syempre magkukulang sa tauhan kung sakali. Pero start muna ako sa maliit. Iisip rin ako location at concept ng ipapatayo kong restaurant." May pinsan kasi akong lalaki na nakapagtapos ng Hospitality matutulungan niya ko sa ganong bagay, syempre kukuhanin ko rin siyang tauhan no.

Kaclose ko naman yun, para na kaming magkapatid, lalo na ang tiya Sabel na napakabait. Isa siya sa nagpalaki sakin no.

"Tawagan ko si Ren mamaya, saktong patapos na ang kontrata niya sa ibang bansa." Ilang linggo na lang ay uuwi na yun, sa Italy kasi siya nagwowork bilang chef sa isang kilalang restaurant roon.

"Oo, siguradong papayag agad yun. Sikat na naman itong shop mo dahil na-feature magazine at TV eh." Saad naman ni Dallie.

"Paniguradong matutuwa na naman sila tatay at nanay mo niyan. Sa payaman eh! Hahahaha." Nagtawanan naman kaming tatlo.

"Maglalasing na naman si ka-Ben niyan. Lalo na at proud na proud sayo barangay natin." Tinignan ko naman silang dalawa at napailing.

"Ano ba kayo. Kung wala kayo, hindi magiging successful ang business na'to. Ang galing niyo kayang manahi. Sama mo na mama ni Dallie. Bilib na bilib talaga ako sa mama mo." Napangiti naman siya at nagbow.

"Ikinagagalak ko ang iyong papuri." Nagtawanan kaming tatlo at napatingin ulit sila sakin.

"Alam niyo, dahil sa tulong niyo sabay-sabay tayong aangat." Pumalakpak silang dalawa at tumango.

"Basta nakasuporta lang kami sayo palagi. Kaya mo yan." Nginitian ko naman sila at niyakap ang mga ito.

"Sobrang thankful talaga ako kayo ang mga best friend ko." Hinampas naman nila akong dalawa, grabe talaga 'tong mga 'to.

"Kami talaga yung thankful, gaga. Hindi kami nakapagtapos 'no, pero daig pa namin yung mga nakapagtapos sa taas mong magpasweldo." Natawa naman ako.

"Ano ka ba, deserve natin 'to. Atsaka high quality ang mga products na binebenta natin 'no, galing pa sa ibang bansa ang mga fabrics, bead and so on na inilalagay natin doon." Napatango naman silang dalawa.

"Sabagay, kaya nga may pumakyaw ng paninda natin eh. Malupit pa mga taga-ibang bansa! Grabe magbigay ng tips." Sabi naman ni Pen.

Oo nga naman, nagulat kaming lahat na may nagmessage saming taga-ibang bansa at binili halos lahat ng ginawa naming damit.

Grabe ang kinita namin no'n, talagang yun ang isa sa rason kung bakit nakilala ang shop namin. May mga influencers din na nagtatag sa page namin, isa pa, sumasabay kami sa uso kung kaya't nagiging maayos lalo ang takbo ng shop namin.

Thank God talaga grabe. Sobra-sobrang biyaya yung nangyari samin no'n. Napapangit na lamang ako habang naaalala ko yun.

Tumingin ulit ako sa labas ng bintana ng shop. Glass wall kasi iyon, grabe ang mahal ng glass wall. Talagang muntikan akong mapaback-out ng nalaman ko presyo. Buti na lang talaga to the rescue itong si Ren sakin pati na rin sila nanay.

Napaayos naman ako ng tayo ng may maramdaman akong parang may nakatingin sakin. Tinignan ko si Ben at Dallie kung nakatingin sila pero hindi, nag-aayos sila ng mga damit na nakadisplay sa shop.

Kumunot ang noo. Weird.

A Dangerous ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon