Napangiwi naman ako ng makarating ako sa building para pumirma ng kontrata, nakahanap na ko ng location para sa susunod na itatayo kong business.
Hindi ko naman akalain na sobrang laki ng building na 'to 'no.
"Gagi, seryoso ba 'to? Bakit ang mura naman nilang magbenta ng lot?" Pwera biro, napamura ako ng malaki dahil sa broker na nakausap ko.
Naglakad ako papasok sa building, dito daw kasi ako pipirma. Yung mismong may-ari na lang daw ang kausapin ko kasi sinabihan ko silang scammer.
Malay ko bang totoo, malay ko rin kung joke lang o ano.
Kinuha ko ang phone ko ng makapasok ako sa loob ng building para tawagan sana yung agent na nakausap ko. Grabe ang ganda rito.
"Hello, good morning Mr. Agresé. Ako po ito si Reina Aranza Hermoza Bautista, narito na po ako sa loob ng building. Saang floor po ba ako pupunta?"
"Ah, yes, yes. Good morning rin Ms. Baustista, sa 20th floor ka pupunta. Just ask the receptionist, sabihin mo ay may appointment ka kay Mr. Mogilevich." Tumango naman ako kahit wala siya sa harapan ko.
"Salamat po, Mr. Agresé." Saad ko at pinatay ko ang tawag saka nagpunta ako sa reception area.
"Good day, ma'am. Welcome to Mogilevich. What can I do for you?" Bungad ng receptionist sakin.
"Good day din. I have an appointment with Mr. Mogilevich. My name is Reina Aranza Hermoza Bautista, you can check it on the list." Ngiting sagot ko sa kanya at nginitian naman niya ako.
"Okay, Ms. Bautista. Let me check it. Please wait for a few minutes. Thank you." Saad nito at ilang minuto ng paghahanap ay nakita niya ang pangalan ko sa listahan at ngiting tumingin ito sakin.
"Can I go now?" Tinanguan niya naman ako at may tinawag na lalaki para siguro i-guide ako kung saan ang office ni Mr. Mogilevich.
"Thank you for waiting, Ms. Bautista. Have a good day." Nginitian ko naman siya at ng makalapit samin ang lalaki na tinawag niya ay nakangiti itong sumalubong sa akin.
"Good day, ma'am. Please follow me." Tumango lang ako rito at sinundan siya napatungo sa elevator.
Grabe napakahospitable ng mga staffs nila dito, kaya nagdadalawang isip ako na sobrang mura nong lote na bibilhin ko eh.
Sikat kasi itong kompanya na'to sa pagbebenta ng lupa, mataas rin ang ratings nila as in.
"Good day, ma'am." Bati ng liftman dito sa loob ng elevator.
"Good day." Ngiting sabi ko at tinignan niya ang kasama ko.
"20th floor please, thank you." Sagot ng kasama ko at hindi na sila nag-imikan pa hanggang makarating kami sa 20th floor.
Gagi, alam niyo yung feeling na parang nauga yung building kasi kakasakay mo lang sa elevator? Yun yung nararamdaman ko ngayon.
"This way, ma'am." Pagga-guide sakin ng kasama ko at sinundan ko lang siya.
Napangiwi naman ako kasi naman, nagthis way pa siya tapos ito lang yung pinto na naroon. Medyo malayo lang siya sa elevator.
Inilibot ko ang paningin ko, grave ang ganda ng design, tapos may glass wall pa na kita mo sarili mo sa sobrang linis.
"You may enter na po, ma'am. As of now ay wala pong meeting ngayon si Mr. Mogilevich. Have a good day." Nginitian ko naman siya at tumango.
"Thank you, have a good day too." Sabi ko at umalis na siya.
Huminga ako ng malalim at kumatok ng tatlong beses.
"Come in." Napalunok naman ako ng marinig ko ang baritonong boses ng nasa loob, bigla ay para akong kinabahan.