Napatingin ako sa pintuan ng may nagdoor bell. Tinignan ko naman ang oras sa cellphone ko.
Ten na pala ng gabi.
Sinilip ko muna sa peep hole kung sino yun, at nakita ko si kuya kaya agad kong binuksan ang pinto.
"Good evening, Ara." Ngumiti naman ako at pinapasok siya sa loob.
"Nakakain ka na?" Tanong ko rito at tinignan muna niya ako bago ako sinagot.
"Not yet, you?" Umiling ako at naglakad papunta sa kitchen at sinundan naman niya ko.
"Hinintay kita, sabi mo kasi ten ka uuwi. Upo ka, maghahain muna ako." Hinainan ko naman siya ng pinggan at nilagyan ko iyon ng kanin.
Nang matapos ako sa paghahain ay umupo ako sa katapan na bangko.
"Kain ka. Masarap yan, kalderatang baka." Nagsimula naman siyang kumain at ngumiti sakin pagkasubo ng isa.
"It's good. Pwede ka ng mag-asawa." Natawa naman ako at hinampas siya.
"Wala ngang boyfriend, asawa pa kaya?" Pabiro kong sabi dito at natahimik naman siya.
Tahimik kaming kumain at pagkatapos ay inilagay ko na sa sink ang pinagkainan namin.
Huhugasan ko na sana nang bigla niyang hawakan ang kamay ko, napalunok naman ako dahil malapit masyado ang mukha namin sa isa't-isa.
"I'll help you." Umiling naman ako at pabiro itong itinulak.
"Ay, wag na, kaya ko na 'to. Magpahinga ka na muna don sa sala." Kinagat naman niya ang pang-ibabang labi niya kaya napaiwas ako ng tingin.
Lord, bakit gan'to gwapo nasa harapan ko? Aatakihin ata ako sa puso sa lakas ng kabog ng dibdib ko.
"Then I'll watch you." Hindi na ko umimik at nagsimula ng maghugas.
Tahimik naman itong nanonood sa tabi ko. Minsan pa'y napapatingin ako sa kanya at bigla kong iiwas ng tingin dahil grabe itong makatitig.
"Ty takaya krasivaya, lyubov' moya." Kumunot naman ang noo ko at tinignan siya. Ano daw?
Taytay ano? Taytay tiange?
"Ha?" Ngumiti lang ito at umiling, kumabog naman ang dibdib ko, lalo akong mahuhulog sa lalaking ito.
Delikado ang puso ko, pa'no pagna-broken ako? Sasaluhin ba niya ko? Mamahalin? Aalagaan? Eh may ibang gusto 'tong tao na 'to.
Nagkwentuhan pa kami at saglit na tumambay sa teresa hanggang sa umalis na ito dahil maaga pa daw siya bukas.
Napailing na lang ako sa nangyayari sakin, bakit parang ang sakit? Na-fall na ba ko sa kanya? Bakit ang bilis naman? Ilang buwan ko palang naman siyang nakilala, bakit gan'to?
"Ang tanga mo, Ara. Nagkagusto ka pa sa lalaking may mahal ng iba." Napakagat naman ako ng labi at napahilamos sa mukha.
Sabi ko hindi na ko magkakagusto o magmamahal ulit simula ng niloko ako ng ex ko. Bakit ngayon yung puso ko nabubuhay pagkasama ko siya?
Napangiti na lang ako sa katangahan ko, ginusto ko naman 'to, hala sige. Pagbigyan ang puso, gusto palang naman eh.
Gusto palang, hindi pa naman mahal, ayos lang yan.
---
"Good morning, ma'am! Welcome to Bautista's Boutique!" Napatingin naman ako ng may pumasok na customer.
Hinayaan kong asikasuhin ng empleyado ko ang customer at ako naito, busy sa pag-aayos ng mga damit sa stock room.
Nag-double check kasi ako if ever na may mali or may damage sa mga damit, so far wala naman.
Tinignan ko ulit ang inventory para tuloy-tuloy ang pagtatrabaho namin, mahirap ng magkaroon ng problema sa damit. Baka masira ang image ng shop ko.
"Ma'am, ako na po diyan." Sabi naman ng isa sa empleyado ko.
"Patapos na rin naman 'to, ako na." Ngiting sagot ko kaya hindi na siya nagsalita pa at pumasok sa loob para tumulong dahil dumarami na rin ang tao na napasok.
"Ma'am, may stock po ba tayo nito? Medium size po." Tinignan ko naman ang pinapakita niya.
Isang red na infinity dress, tumingin naman ako sa dress section at tinignan kung meron.
Nang makakita ako ay kinuha ko iyon at tinignan kung may damage, at iniabot ko sa kanya ng makitang okay naman.
Ganon ang naging senaryo ko sa shop hanggang sa mag-uwian na kami.
Napatingin naman ako sa phone ko at nakita kong ala-sais na ng gabi.
Naglakad naman ako sa kusina at napabalik sa sala dahil biglang may nagdoor bell.
Hindi na ko tumingin sa peep hole at binuksan ko na agad.
"Privet lyubov'." Nakakunot noo naman ako.
Ano daw? Privet lubot?
"Good evening din." Malay niyo magandang gabi yun.
Ngumiti lang siya at pinapasok ko na. Dumiretso na agad kami sa kusina at naupo na ito sa pwesto niya.
"How's your day?" Papainitin ko na lang yung niluto ko kaninang umaga bago ako pumasok, madami pa naman yun.
"So-so. Ikaw kuya?" Sagot ko.
"As usual."
"Initin ko lang ah? Kadarating ko lang din kasi." Tumayo naman ito at kinuha ang ulam sa kamay ko.
"Let me." Hindi naman ako nakaalma dahil mabilis itong kumilos at isinaksak ang rice cooker, para initin ang rice na niluto ko rin kanina.
"Ano, upo ka na lang ako ng bahala." Tinignan niya naman ako.
Naglakad papunta sa pwesto ko, na nakapag-paatras sakin dahil sobrang lapit ng mukha niya."I'll serve for today, moya lyubov'." Pinaupo ako nito at ngumiti sakin. "Watch me." Tumango na lamang ako.
Kumalma ka self, ang lakas ng tibok ng puso ko, hindi naman niya naririnig yun, diba?
"Sa restaurant naman ako bukas." Paalam ko rito, ewan, nakasanayan ko na magsabi sa kanya. Ganon rin naman kasi siya eh.
"My schedule isn't loaded tomorrow, I'll visit you there." Napakagat naman ako ng labi. Lord, help niyo po heart ko.
"Sige, lutuan kita ng foods bukas." Ngiting sabi ko at napatingin naman ito sakin.
"Sure." Napangiti ako lalo, wala lang, kinikilig lang.
"What do you want to eat bukas?" Tanong ko rito at lumapit sa kanya.
"Anything will do." Tumango naman ako kahit di niya kita.
Awkward, isang tanong isang sagot. Tinignan ko naman ang ginagawa niya.
"Hoy, bakit naghahain ka na? Ako na diyan." Naggawa kasi ng juice, tapos may dalawang plate na sa harapan niya.
Tinignan ulit ako at ngumiti sakin na parang di narinig ang sinabi ko.
Bigla ay nilapit ang mukha sakin kaya nagulat ako.
"Ano." Pigil hininga kong saad.
"Allow me to serve you, princess." Napaiwas ako ng tingin.
"Hala may lamok!" Tumawa naman ito at napailing sa reason ko.
Nakakahiya! Ano bang katangahan 'to Ara?!
"Look at me." Tinignan ko ulit siya, malapit pa rin ang mukha namin sa isa't-isa.
"Nakatingin na ko." Ngumiti ulit ito.
"I like it, when you're this close to me." Wala akong maisip, nabablanko ang isip ko.
When I'm this close daw he likes it daw. Heart, be careful please.