"O, narito na pala ang anak ko!" Sigaw ng tatay ng makapasok ako sa gate namin.
Naroon sila sa talyer at nag-iinuman. Nabalitaan kasi nito kay Pen na naging maayos ang transaksiyon ko sa pagbili ng lote.
"Magandang gabi, 'tay. Mga kuya, magandang gabi po." Ngiting bati ko sa kanila at tinugunan naman nila ako.
"Dalagang-dalaga na anak mo, pare. Masabi nga kay Gaspar para maligawan itong anak mo." Biro naman na sabi ni kuya Edwin.
"Eh yun ay kung gugustuhin ng anak ko. Ano nga dalaga?" Napapailing naman ako na natatawa kay tatay.
"Magsitigil nga kayo at bata pa ang anak ko, madami pang gustong gawin yan." Bungad naman ni nanay, may dala itong malaking mangkok at inihain sa mga bisita.
"Masarap talagang magluto itong si kumare, kaya patay na patay itong si pare sayo eh." Nagtawanan naman silang lahat na naroon at tinignan ko si nanay.
"Magandang gabi, nay." Ngumiti naman ito sakin at nilapitan ako.
"Kumain ka na ba?" Tanong niya sakin, ngumuso naman ako at umiling.
"Hindi pa nga, nay eh. Pagtapos ko pumaroon ay may inasikaso pa ko para magawa na agad yung ipapatayo ko." Ngumiti naman ito sakin at hinila ako papasok ng bahay.
Naging maayos ang bahay namin, hindi na kahoy ha. Bato na. Hahahaha.
"Anong balita sa lote? Totoo bang sa mababang halaga lang binigay sayo?" Tanong ni nanay ng makapasok kami.
Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko, hindi kasi yung lote ang nasa isip ko. Tao kasi yung pumasok sa isip ko eh.
"Opo nay, mabilis rin pong kausap. Baka po sa isang araw o sa susunod ay narito na yung titulo ng lupa." Kanina kasi ay tumawag sakin si Mr. Agresé about sa titulo ng lupa.
"Mabuti at sa murang halaga lang ibinigay sayo, eh malaki pa yung lote." Sobrang nakamura talaga ako, kung tutuusin ay mabibili ko ang lote na yun sa halagang twenty million, pero awa ng Diyos ay nakamura ako.
Sa halip kasi na twenty million eh naging 9.5 million na lang ang binayaran ko. Grabe, hindi ba sila malulugi doon? Napailing na lang ako.
Malaki kasi talaga yung lote na binili ko, para kasya ang restaurant at boutique na itatayo ko.
"Magbihis ka na muna anak, hindi ka naman natuyuan ng pawis?" Tinignan ko si nanay at tumango.
"Hindi naman ho, nay. Bihis lang po ako." Tinignan ako nito at tinanguan ako.
"Maglinis ka muna ng katawan mo at paghahainan kita ng makakain." Hindi na ako tumugon pa at dumiretso na ko sa kwarto.
Napangiti naman ako, dati ay hindi ko naa-afford yung mga bagay na 'to. Pero ngayon, parang ang dali na lang. Pero syempre, hindi naman ako pakasisigurado 'no.
Kailangan ko pa rin kumayod ng kumayod, para makapag-ipon nanan ako para sa plano ko in the near future.
Isang taon palang ang boutique ko pero kilala na siya, may mga artista rin na nagpapagawa ng damit para sa Gala events nila at awarding events. Kaya sobrang thankful talaga ako sa itaas.
Ilang taon rin akong nagtrabaho para maipatayo ko yung shop ko. Mabuti na lang talaga at may naipamana si lolo kay tatay na lupa, at yun na nga yung kinatatayuan ng shop ko.
Talagang ako na lang ang nagpagawa, kesa naman matengga pa roon. Eh ang ganda pa naman ng pwesto dahil malapit siya sa mall at galaan.
---
Narito ako ngayon sa site kung saan itatayo ang bagong business ko ilang linggo na rin ng magsimula sila, mula sa design ng restaurant at boutique ay, nagtataka rin ako bakit narito si Mr. Agresé.
"I bet you examine and plan the place, yes?" Ngumiti naman ako at tinanguan siya.
"Yes, Mr. Agresé. Kailan kasi madaming business para sa future, alam niyo na." Nginitian naman niya ko at tinignan ang mga naggagawa roon.
Nanatili kaming tahimik at tinitignan ang ginagawa ng mga manggagawa sa site.
Sila Dallie at Pen naman ang nagmamanage ng boutique kaya wala akong iniisip kung hindi ito.
"Siya nga pala, bakit po ang baba niyo lang pinagbenta itong lupa?" Tinignan ko siya at nakita ko na nakangiwi ito.
"Wala kasing gustong bumili nitong lupa, as you can see Ms. Bautista, this lot is worth twenty million, namamahalan sila sa presyo, so, you're the lucky one na nagkaroon ng discount. Matagal na kasing plano ni Mr. Mogilevich na ibaba ang presyo ng lupa." Kung ganon, napaswerte pala ako ng paghahanap at pagtawag sa kanila.
Hala, talagang ang swerte ko! Thank you Lord talaga! Nangiti naman akong tumango at tumingin ulit sa construction.
"Swerte po pala ang pagtawag ko." Natatawang saad ko at hindi naman umimik si Mr. Agresé.
Lumapit naman sakin ang foreman, tinignan si Mr. Agresé saka tumungin sakin.
"Ma'am, as of now po ay nakikita niyo na mabilis pong magawa itong restaurant at boutique, baka po may gusto pa kayong idagdag?" Tanong nito sakin.
"Yung parking lot lang, enough space para sa customers." Tumango naman ito sakin at umalis na.
"You can use our parking space if magkulang ang space niyo." Napangiwi naman ako at awkward na tumawa.
"Nako, nakakahiya naman. Baka magalit boss mo 'no. Okay na yung space ng parking, pagkulang siguro makikiusap na lang ako." Napatawa naman ito at biglang sumeryoso.
"My boss won't mind tho. He's okay with it." Bumulong pa ito at hindi ko na tinanong pa, nakakahiya na nga eh. Mura na pinagbenta yung lupa tas makikishare pa ko ng parking space.
"Magrerent na lang po ako sa inyo, Mr. Agresé if ever na magkulang ang space." Ngiting saad ko at nakita ko na nag-iba ang timpla ng mukha nito.
"My boss will think about that, aalis na muna ako Ms. Baustista." Tinanguan ko siya at nagpaalam din ako rito.
Wala ng libre sa panahon ngayon 'no, baka mamaya may kapalit eh, mahirap na.
Naglakad ako palibot, napapangiti sa nakikita ko. Sa murang halaga may naipapatayo na ako.
Kinikilig ako sa sarili ko, thank you self. Tayo lang talaga nagkakaintindihan.
Napatingin naman ako sa paligid, kinikilabutan kasi ako. Feeling ko may nakatingin na naman sakin. Napailing naman ako, mga trabahador lang naman ang narito at ako. Tsaka mga nagtatrabaho sa mga kompanya, pero wala namang nakatingin sakin.
Weird. In the past seven years lagi na lang ganito yung nararamdaman ko. Nakakatakot pero, wala namang nangyayari sakin. I'm always safe, kahit na commute akong nauwi, even sa dati kong trabaho dati.