Obsession 4

21 2 1
                                    

Narito ako ngayon sa puregold, puregold daw pero puro green, pwede pa yung presyo gold. Chareng!

Kinuha ko lang kung anong kailangan ko, need ko rin magtipid 'no, hindi tayo magiging ubos biyaya for today's video.

Pero, syempre deserve kong kumain sa labas kahit papaano.

"Hello, miss. Anong section nitong oatmeal?" Tanong ko sa staff na may hawak na papel, chinecheck niya yata kung tama ang bilang para ilagay sa inventory.

"Hi po, ma'am. Hatid ko po kayo doon." Tumango na lamang ako at sinundan siya, habang naglalakad ay tinignan ko rin kung may kailangan pa ko sa mga dinadaanan namin, para di na rin ako makadistorbo ulit sa staff 'no.

"Thank you, miss." Ngumiti lamang ito at iniwan na ko.

Nang kukuha na ako ay biglang may kamay, sabay pa talaga kami ng kukunin na oatmeal.

"Sir, ako nauna dito, pili ka na lang ng bago." Sabi ko at hindi naman natinag ang isa.

Aba, aagawan pa yata ako. Ako nauna dito ano.

Ilang segundo pa at hindi pa rin ikaw nakibo at hindi pa rin inaalis ang kamay sa lata ng oatmeal. Hindi ako papayag, ako nauna dito 'no.

"Sir..." Natigilan ako kung sino ang kaagawan ko ng humarap ako rito.

"G-good evening, Mr. Mogilevich." Palaga'y ko'y namumula na ang mukha ko sa pagkapahiya.

"Good evening, Miss?" Kunot noo itong nakatingin sakin, parang gustong ipaalala ko ulit ang pangalan ko.

"Ara po." Tumango lamang ito at binitawan na ang pagkakahawak sa oatmeal at kumuha na lamang siya ng bago.

Tangina, ang gwapo talaga ng lalaking 'to.

"You can have it."

"Thank you, sir." Ngumiti naman ako, tinignan niya lang ako at hindi na ako pinansin pa at naglakad papalayo.

Gwapo sana, suplado naman, napailing ako at pinagpatuloy ang pamimili ko ng kakailanganin ko.

Nagsabi na rin ako kila nanay at tatay, baka next month ay bumisita ako sa kanila, mahirap kasi magcommute dagdag gastusin pa kung tutuusin at kinakain masyado ang oras ko, lalo na at traffic lagi rito sa Maynila.

"Hi po, isang kilo nga po ng drumstick, dalawang kilo po ng breast part at thigh, at isa pong kilo ng liver. Thank you." Sabi ko sa taong nasa meat section.

Inilibot ko ang tingin ko at nakita ko ulit si Mr. Mogilevich, busy ito sa pamimili ng bibilhin niya, napangiti naman ako dahil mas madami pa yata ang beer, ganon ba talaga ang mga lalaki?

They choose beer over healthy food. Sabagay, sabi nga ni tatay ay maganda rin sa katawan ang alak, pero hindi naman ganyan kadami 'no.

"Ma'am, ito na po yung one kilo na drumsticks at liver, at two kilo na breast and thigh parts. Thank you." Nginitian ko naman ito at naglakad na papunta sa cashier counter.

Treat ko naman sarili ko ngayon gabi, deserve ko 'to.

Nang ma-punch ng cashier ang mga binili ko  ay agad ko itong binayaran at gumamit ng cart, hindi ko kaya 'to 'no.

Binigay ko naman sa guard ang resibo ng pinamili ko at pinirmahan ito at nilagyan ng stamp.

"Thank you po." Ngumiti naman ito sakin at nang makalabas ay naghanap ako ng makakainan ko.

Nakita ko naman ang Kenny Rogers Roasters. At dali-daling umorder ako ng premium steak na may kasamang beverage at isang sundae.

Humanap naman ako ng upuan, at may nakita ako, sa sulok. Ayos.

Nang paupo na ako ay biglang may humila rin sa harapan ko ng upuan. For two person kasi 'to.

Pagtingin kk ay nagulat ako ng makita ko sino yun.

"What a coincidence, Miss Ara." Napatikom ako ng bibig. "May I share a table with you? Would you mind?" Ngumiti naman ako sa kanya.

"I wouldn't mind, sir." Tinignan ko ulit siya ng makaupo na ako. "Nakaorder na po kayo?" Tinignan naman niya ako, I feel how I suddenly held my breath.

Jusko, kalandian, not now, please lang. It's dinner time, 'te. Mamaya ka na sumipa.

"Yeah." Maikling tugon nito at tumingin sa relos na nasa bisig niya.

Hindi na kami nagsalita hanggang maiserve na samin ang order namin.

Tahimik naman akong kumain at ganon rin siya, tanging tunog lang ng utensils ang naririnig ko.

This is awkward, totally awkward. I never dined with a guy before, huy! Magtigil ka self, we're not on a date 'no. Share lang ng table.

"So, Miss Ara. How old are you?" Napaayos naman ako ng upo ng bigla itong nagtanong, tinignan ko naman siya at nakatingin na siya sakin.

"Twenty-seven, sir." Tumaas naman ang gilid ng labi nito, pwede niyo na kong kunin Lord. You're so unfair sculpting us po, promise, how can this man in front of me looks so perfect in every angle?

"I'm thirty-two, by the way." Ngumiti naman ako, hindi ko naman tinanong, pero sige sinabi mo na, magagawa ko? Char. "And cut the formalities." Cut the formalities daw, eh ang haba ng name niya.

"Okay po, kuya." Natigilan ito at biglang napatawa ng mahina. Napakagat naman ako ng labi, anong nakakatawa? Eh mas matanda siya sakin ng limang taon.

"Funny. Am I really that old?" Napanguso naman ako at tinignan ulit siya.

Bakit kasi nakakaakit yung kulay green niyang mata eh!

"Hindi naman po, pero parang ganon na nga." Ngumiti naman ako sa kanya at napailing naman ito sakin.

"Do you have a boyfriend? In a relationship, perhaps?" Umiling naman ako at sabay sumubo ng steak.

Tinignan ko ulit siya, hindi mo kasi matitigan ng maayos, parang kasalanan ang tumingin sa lalaking 'to. Nagkakasala ang utak ko.

"How 'bout an ex?" Napangiwi naman ako.

"Oo, tarantado nga yun eh. Niloko ako, putanginang yun, sa ganda kong 'to?" Hindi ko napigilan ang sarili ko at nakagat ko ang labi ko.

Baka sabihin gandang-ganda ako sa sarili ko.

"Sorry po, kuya. Na-carried away lang." Napatango naman siya at tinitigan ako.

"Madami namang lalaki sa mundo, you only have to choose the worthy one." Tumaas ang sulok ng labi niya at mariin akong tinitignan.

Nahinga pa naman ako diba? Bakit ganto kasi kagwapo yung nasa harapan ko? Hindi ko malait, Lord. Nagkakasala pa ang utak ko.

"Pass muna, kuya. Magpapayaman pa ko." Napangiti naman ito at umiling.

"If you want to have a man, just look around, you'll find the perfect match for you." Ngumuso naman ako at nilibot ko ang tingin ko sa mga tao na naroon.

Tinignan ko naman siya at nag-iba ang itsura niya, para siyang, galit?

"Ay, ayoko, kuya. Mga bata, mga di ko keri." Napangisi naman ito at tumawa na naman.

Napakamasiyahin naman palang tao nito. Gusto mo pasayahin ko lalo buhay mo, Mr. Mogilevich? Willing naman ako.

Luluhuran, sasambahin, hihimudin naman kita.

"Then what's your type of guy?" Ang hard naman ng question ne'to, baka mabuking ako na type ko siya.

"Next question, please." Nakangiwi kong sabi, pero parang ayaw pumayag.

"You must answer it, Ara." Wala na, na-fall na ko ng tuluyan, you can used it in bed while you're thrusting in my pempem, Mr. Mogilevich.

Kalandian ko 'to.

"You, kuya?"

His eyes darkened, fuck.

A Dangerous ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon