I gulped, tinatanong ko lang naman siya kung anong type niya din. Bakit parang kasalanan ko pa na mukha siyang galit?
"I mean, how about you?" Sumandal ito at diretsong tumingin sakin.
"Independent woman that don't need my help. Kind yet daring, long black wavy hair, dark-brown eyes, heart-shaped lips..." Napangiwi naman ako. Ang high ng standard!
"Hehehe. Sorry to say kuya, sa libro mo lang makikita yan." Fictional character ang gusto, di ko ma-meet standard mo sa babae.
"Why? I think I found her." Nanlaki naman ang mata ko at tinignan siya.
"Wow. You must be proud of her, kuya. Di ka makakahanap basta-basta ng ganyan." He smiled then kumain ulit siya.
"I'm very proud, but she's not mine." Napatingin naman ako sa paligid.
Proud, pero di sa kanya, di sila. Hala, did he mean.
May asawa na?! Kawawa naman itong gwapong lalaki na 'to, nagkagusto sa may asawa na.
Hindi na lang ako umimik at tinapos ko na ang pagkain ko.
Nang matapos ako ay tinignan ko siya, tumingin din naman ito sakin at tinaasan ako ng kilay. Inayos ko naman ang pinagkainan namin at tinignan ulit siya.
"You done?" Tumango naman ako, tumayo na ko at ganon din siya.
"Thank you, kuya. Uuwi na po ako." Tumango lang ito at nauna na akong maglakad palabas.
Nang makalabas ay tinignan ko ang phone ko, may message ang mga kaibigan ko at si inay. Mamaya na ko magrereply. Gusto ko ng magpahinga.
Agad na kong sumakay sa kotse at nagdrive papunta sa pad na nabili ko dito sa Maynila.
Nang makarating sa floor ko ay nagulat ako ng makita siya sa katabi ng pad ko.
"Kuya, dito ka rin pala?" Ngiting bati ko rito. "Magkatabi pa tayo!"
"Really?" Tumango naman ako at itinuro ang pinto ng pad ko. "Ha. What a coincidence. You must be lucky to have me as your neighbor." Lucky to see your handsome face, Mister.
"Ah, hehe. Siguro?" Awkward, ano naman isasagot ko don? "Good night, kuya!" Sabi ko at pumasok na sa loob.
Kumalma ka self, bakit naman kasi ganon kagwapo 'tong lalaki na 'to? Asan ang justice?!
Umiling na lang ako at nagpunta sa desk ko. Need kong magpahinga bago mag-halfbath.
Grabe, sobrang nakakapagod. Hirap maging dangerous woman ha.
---
After five months..."Ikaw na talaga, Ara." Nakangiting sabi sakin ng pinsan ko.
"Dream come true na si boss Ara!" Nakangiti naman akong nakatingin sa kanila.
Lahat ng importanteng tao sa buhay ko ay narito sa bagong tayo na business ko.
"Dangerous woman na yan!" Sigaw naman ng isa sa kaklase ko dati, pangarap ko talagang maging dangerous woman.
"Pag nagkaroon na 'ko ng anak magiging rich tita ka na." Nagtawanan naman lahat ng narito at natawa na lang din ako.
"Ano ba kayo! Nakakahiya!" Tinignan ko naman si Mr. Mogilevich na nakatingin sakin at si Mr. Agresé na inimbitahan ko sa opening.
"Ibang klase talaga tong si Arang, pare. Bilib na bilib na ko sa anak mo." Ngiting sabi naman ni Ninong at inakbayan pa ko.
"Ninong ako na magbibigay sayo ng ampao." Tinawanan naman ako nito pinanggigilan ang pisngi ko.