KABANATA 02

2 0 0
                                    

CHASING DREAMS
SERIES 02
'BEHIND HIS SUCCESS'



KABANATA 02

"Good morning!" Masiglang bati ko kay Archer nang makarating ako sa opisina nito. Halatang nagulat siya na nandito ako dahil hindi ko rin naman naipaalam sa kanya na pupunta ako rito hindi para sa kanya kundi para kay Attorney!





"Ginagawa mo rito?" Tanong nito sa'kin habang abalang tinitingnan ang laman ng dala kong paper bag. "Ang dami naman nito, hindi ko kaya ubusin yan Maya ha." Reklamo nito nang makita ang laman ng paper bag.





"Sino bang may sabi na para sa'yo lang 'yan? Hati kayo diyan ni Attorney Reyes! Asan ba siya?" Tanong ko rito. Hindi ko kasi talaga manlang nakita ang lalaki simula nang pumasok ako sa lobby hanggang makarating ako rito sa office ni Archer.





"Wala yon dito! Nagkaproblema sa bahay nila kagabi. Baka mga isa o dalawang araw yon hindi papasok." Sagot nito sa'kin. Para tuloy tumama ang lottery numbers ko pero walang taya. Ang sakit! Tagos sa buto! Nag effort pa naman ako magluto para sa kanya tapos pinsan ko lang pala ang mananama.





"Bakit daw?" Pang u-usyoso ko. Nagawa ko pa maupo sa upuan sa harap ng lamesa nito.





"Bakit gusto mong malaman?" Takang tanong nito sa'kin habang inilalabas ang mga tupperware na may lamang pagkain.





"Masama ba magtanong?" Sagot ko rito at nag crossed arms pa. Pasalamat siya at wala rito si Attorney. Kanyang kanya lahat ng nga niluto ko.





"Alam kong siya ang ipinunta mo rito. Kilala kita kaya 'wag kang plastic. At isa pa, kung balak mo gayumahin ang kaibigan ko gamit ang niluto mo pwes! 'Wag mo na ituloy. Dahil kahit isang dosenang gayuma ang ilagay mo sa pagkain niya wala pa rin makakapalit kay Lara sa puso niya." Sabi nito habang kumakain. Bigla tuloy akong nagtaka kung paano naging sila at bakit sila naghiwalay. May alam kaya si Archer?





"Gano'n? Eh, di gagawin kong dalawang dosena!" Proud at pumapalakpak ko pang sabi na inilingan lang naman nito.





"Malabo, Maya. Malabo." Pang ne-nega nito sa'kin. Ano bang klaseng relasyon mayroon sila Attorney at Lara noon? Kung mahal talaga siya ni Attorney, bakit sila naghiwalay?





"Paanong malabo? Maganda naman ako! Magaling ako magluto, consistent honor student din naman ako. Take note! May loyalty award pa. Kaya ano pang hahanapin niya sa'kin? Kung yung talent ni Lara sa pagkanta, pwes! Maalam din ako 'no! Hindi naman ako boses palaka." Pagmamalaki ko sa mga kakayahan na mayroon ako. Competitive ata 'to!





"Si Lara na artista, mabait, hindi maingay, hardworking, effortless ang pagiging matalino, at higit sa lahat... Mahal na mahal ni Attorney. Nag-umpisa sila bilang magkaibigan hanggang sa... Ayun! Nagkamabutihan, naging sila." Sabi pa nito sa akin. Ito na 'yon! Masasagot na niya ang katanungan ko!





"Eh, bakit sila naghiwalay?" Tanong ko. Pinakatitigan pa ako nitong mabuti para banag iniisip niya kung sasabihin niya ba sa akin ang nalalaman niya o hindi.





"Wala akong alam. At kung may alam man ako? Hindi ko sasabihin sa'yo." Sagot nito sabay pitik sa noo ko. Ngayon ko lang napansin na tapos na itong kumain at may mga natira pa peri hindi niya ibinalik sa paper bag na dala ko dahil kakainin niya pa raw iyon mamaya.





Habang nagmamaneho ako pabalik sa restaurant ko ay napansin ko ang malaking billboard kung saan nakalagay ang picture ni Lara at ang ini- endorse nitong product. Hindi ko tuloy maiwasang hindi isipin kung ano nga ba ang dahilan kung bakit naghiwalay si showbiz girl Lara at si Attorney. Mukhang perfect naman ang relasyon nila dahil nag-umpisa sila bilang magkaibigan ayon sa sabi ni Archer. Nakapagtataka lang na hindi sila nagkatuluyan hanggang sa habambuhay. Mukha namang mahal na mahal siya ni Attorney.





Behind His Success (Chasing Dreams Series 2)Where stories live. Discover now