KABANATA 08

3 0 0
                                    

CHASING DREAMS
SERIES 02
'BEHIND HIS SUCCESS'



KABANATA 08

After the successful transaction with AJ, ay kaagad ko nang pinasimulan ang construction para sa panibagong branch ng resto. Attorney also gave me a trustworthy Architect na talaga namang walang tulak kabigin ang pagiging passionate sa ginagawa niya. I gave to the Architect the detailed plan of how I wanted my resto to look like with a study hub inside of it. Detalyado kong inilatag ang mga gusto kong mangyari and when Attorney said that the Architect is the best, he really mean it. Kuhang kuha niya ang mga gusto ko mangyari.





"Good afternoon! I brought some lunch." Anunsyo ko nang makarating ako sa site.





"Good afternoon, Chef. Salamat sa lunch." Bati sa akin ni Architect Rodriguez na siyang umaasikaso rito.





"Don't mention it. How is it going?" I asked, referring to the construction.





"Going good, Chef. Wala ngayon si Engineer dahil may problem sa kabilang site. His other project, kaya ako lang ang nandito." Sagot nito habang pinagmamasdan ang mga tao na under ng construction na ito.





"I see. Okay naman ba kayo rito? I mean, if you need anything just call me, Architect Rodriguez." Sabi ko pa habang tumutulong sa pag d-distribute ng pagkain sa mga tauhan sa construction.





"Okay naman kami, Chef. Tumataba na nga kami sa rami ng pagkain na ipinapa-deliver mo rito." Pagbibiro nito dahilan para matawa kami maging ang mga tauhan niya.





"Boss, si Attorney!" Sabi nung isa sa mga construction worker dahilan para mapalingon kami ni Architect sa likod. Doon ay nakita namin si Attorney Reyes na naglalakad papunta sa amin. He's wearing his office attire which is a white polo na nakatupi ang sleeves hanggang sa siko at itim na slacks. He walk effortlessly elegant with his glasses while he's loosening his black neck tie dahilan para kuminang ang suot nitong silver na wrist watch dahil sa sinag ng araw na tumatama rito.





"Good afternoon, Architect." Bati nito kay Architect Rodriguez na para bang hindi ako nito nakikita. Hello, ang ganda ko para hindi niya mapansin 'no! Sayang ang pogi pogi pa naman niya ngayon.





"Drop the formality, Mavy. Para namang bago ako sa'yo." Sabi pa ni Architect Rodriguez sa bagong dating na si Attorney na napapangiti na lang.





"Kain tayo, Attorney. Nagdala ng pagkain si Chef." Alok sa kanya ng isa pa sa mga construction worker.





"Sige po. Para po sa inyo 'yan." Magalang na tugon nito. Why so respectful, Attorney?





"Ikaw ah. Totoo ba talaga na hindi mo pinopormahan si Chef?" Tanong ni Architect na bumulong pa kay Attorney dahilan para matawa ito. So... Ano? Out of place na 'ko nito ngayon?





"Alam mo Architect, gustohin ko man pero malabo talaga eh. He's—" Attorney Reyes cut my words sa pamamagitan ng pagtakip sa bibig ko. What the—





"She's too talkative right?" Sabi pa ni Attorney habang nakatakip pa rin ang kamay niya sa bibig ko sa paraan na parang nakaakbay na ito sa akin. Sige lang, ganyan ka naman Attorney eh.





"Alam mo, Mavy. I think it's time for you to entertain someone in your life again. It's been six years na rin naman simula noong maghiwalay kayo ng kapatid ko." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Kapatid niya si Lara? Oh... Oo nga pala, Rodriguez si Architect. Malay ko ba na magkapatid sila. May magkatulad kaya ng apelyido na hindi magka-ano ano eh.





Behind His Success (Chasing Dreams Series 2)Where stories live. Discover now