KABANATA 12

3 0 0
                                    

CHASING DREAMS
SERIES 02
'BEHIND HIS SUCCESS'

KABANATA 12

Maverick

Nang makauwi ako galing sa unit ni Elara ay saktong kararating lang din nila Calista. Nakatanaw na mula sa pintuan ng bahay si mommy habang sila tito naman ay nagpaparada pa ng sasakyan nila.

"Mommy... How's your day?" Tanong ko nang makalapit dito. Ginawaran ako nito ng yakap na agad ko rin namang sinuklian.

"Ayos naman. Laking tulong ng mga alaga mong aso. Hindi ako naiinip sa bahay."

"Good evening po, Tita." Bati ni Calista kay mommy bago ito nagmano.

"Saan ka ba galing? Sabi ni Archer tanghali ka pa raw wala sa firm." Tanong ni Calista sa akin habang nagkakamustahan ang mga magulang namin.

"Kay Elara. She's suffering from depression."

"What? How is she? Walang nababanggit sa akin si Archer pero nitong isang araw pa siya parang balisa at hindi mapakali. Ang buong akala ko ay tungkol lang sa trabaho."

"She's recovering now. Ibinilin ko rin kay Archer na samahan magpa consult sa isang psychiatrist ang pinsan niya bukas. Her case is serious."

Naputol lamang ang usapan namin nang tawagin na kami ni mommy para makapasok at makakain na sa loob.

Napuno ng kamustahan ang hapag habang kumakain kami ng hapunan. Tito Calisto seems avoiding to open the topic about what happened yesterday. Siguro ay dahil na rin sa kumakain kami. Kahit ako ay mawawalan ng gana kapag pinag-usapan ang lalaking iyon habang kumakain.

"Its been a while since we've met, Calista. Graduation ninyo pa ata iyon. How's work?" Tanong ni mommy sa pinsan ko.

"Okay naman po, tita. I really enjoy doing my job." Sagot ni Calista. Tito Calisto and tita smiled because of what she said.

"Kumusta ka naman dito Mavier?" Tanong ni Tito kay mommy.

Mommy just keep answering Tito Calistos' question. Mukhang pumunta lang talaga sila rito para kumustahin ang lagay ni mommy.

After that dinner, Tito and I talked about some stuff about how can he get back to my father which is hard dahil hindi madaling humanap ng ibidensya laban sa kanya at masyadong marumi ang magiging takbo ng kaso if that happens.

"Tito, we need more proofs. What we have isn't enough right now to put him in jail. Kapag inilatag natin ang mga iyon ay sigurado na makakalaya rin siya agad." I said while we're drinking at the garden.

"But make sure he'll be in prison. Ayoko na maulit pa ang nangyari kay Mavier." Sabi nito, desidido sa gustong mangyari.

"I'll make sure of that po. Just give me time, tito."

"I believe in you." Sabi nito bago ako binigyan ng marahang tapik sa balikat.

It was Friday afternoon when Calista and Archer showed up in my office. Mamayang gabi na kasi ang batch reunion namin and they both want me to come.

"Ano namang gagawin ko ro'n?" Tamad na tanong ko bago ipinagpatuloy ang pagbabasa sa isang folder na hawak ko.

"Edi mag pa-party. Come on, Mavy... Party with us naman oh. The gang miss you so much." Napatingin ako kay Calista nang sabihin niya iyon.

Behind His Success (Chasing Dreams Series 2)Where stories live. Discover now