KABANATA 04

8 0 0
                                    

CHASING DREAMS
SERIES 02
'BEHIND HIS SUCCESS'



KABANATA 04

"Dude, nag set ng outing si Kiro next week para naman daw makapahinga tayo kahit konti sa trabaho. Are you in?" Tanong ni Archer sa'kin. He become one of our circle because of my cousin. Napalapit na rin siya sa mga kaibigan ko na ngayon ay kaibigan na rin niya. He's fun to be with and a great friend too kaya hindi na rin ako nagtaka kung bakit gano'n na lang niya kabilis nakasundo ang mga kaibigan ko, including Dragan.





"Really? Talagang gusto mo kaming pag-reunion-in ni Lara, huh?" Sagot ko rito. We are having our late lunch since late na rin natapos ang hinawakan naming kaso. On going pa rin ang hearing and I'm hoping it went well.





"Akala ko ba ay may closure na kayo? 'Di ba nakwento mo, at ang sabi mo pa mukhang ayos naman na siya na kasama ka. Kaya anong inia-arte mo?" Kunot noong litanya nito dahilan para mapabuntong hininga ako. Magpinsan nga sila nung Chef na 'yon. Pareho silang maraming tanong at maingay.





"Oo andun na tayo sa ayos siya na kasama ako pero hindi mo ba naisip kung ano ang magiging reaksyon ni Khaycee lalo na ni Jaedah. Maging yung Brent na 'yon na kaibigan n'yo na rin." Sagot ko. Hindi sa ayokong pumunta, ayoko lang talaga na magkagulo pa kami doon at mabulilyaso ang masayang outing nila. If the only thing I can do is to distance myself for them to have stronger bond, I'll do.





"Hindi naman sigurado kung pupunta si Brent. Wala ka rin namang po-problemahin kay Khaycee dahil wala naman siyang nasasabi na masama tungkol sa'yo. Wala siyang kinakampihan sa inyo ni Lara dahil pareho niya kayong kaibigan. Iyon nga lang, nasaktan din siya lalo na si Jaedah. Mas hindi maka move on ang isang 'yon sa nangyari sa inyo ni Lara. Parang siya yung apektadong-apektado." Hindi ko naman sila masisisi na magkaroon sila ng sama ng loob sa'kin nang dahil sa nangyari. Kasalanan ko rin naman. Nagpakaduwag ako. Nagpakabobo at sumuko ng gano'n gano'n na lang.





"Kahit anong paliwanag mo, hindi ako sasama. Ayokong magkagulo tayong lahat kapag sumama pa 'ko. Baka imbis na makapagpahinga kayo ay mas lalo lang kayong mapagod sa sitwasyon. Kaya kayo na lang, 'wag n'yo na 'ko intindihin." Sagot ko rito bago kinuha ang bottled water at tumayo na para umalis. Dali-dali naman itong tumayo at sumunod sa akin.





"Alam mo? 'Wag mo na lokohin ang sarili mo." Sabi nito dahilan para bahagya ko itong lingunin habang naglalakad kami papunta sa firm. Sa malapit na karinderya kami palagi kumakain dahil mas masarap ang luto doon kaysa sa mga restaurant.





"What do you mean?" Kunot noong tanong ko rito bago muling uminom sa bote ng tubig na hawak ko.





"Maverick, aminin mo man o hindi alam kong iniiwasan mo lang si Lara at Dragan. Alam mo na posibleng ligawan ni Dragan si Lara at alam ko na hindi ka handa makita na unti-unti nang nawawala sa'yo si Lara. Pero sana naman isipin mo rin ang sarili mo. Palagi na lang kaming mga nakapaligid sa'yo ang iniintindi mo. Payong kapatid yan, pare." Sabi nito sabay tapik sa balikat ko at nauna na pumasok sa firm. Hindi nga ba ako handa sa mga posibilidad na mangyari sa pagitan ni Lara at Dragan?





Gabi na nang makarating ako sa bahay. Sinadya ko magpagabi para kahit papaano ay malibang ako ng trabaho ko. Hindi ko rin kasi maitanggi na totoong hindi ako handa sa posibilidad na magkamabutihan si Lara at Dragan. Hindi ako handa para doon dahil hanggang ngayon ay may nararamdaman pa rin ako para kay Lara. Siya ang unang babaeng minahal ko at parang ang hirap hirap niyang palitan. Hindi ko alam pero alam ko sa sarili ko na mahal na mahal ko pa rin si Lara kahit pa alam kong malabo na maging maayos pa kami, maayos at maibalik ang kung anong mayroon man kami noon.





Behind His Success (Chasing Dreams Series 2)Where stories live. Discover now