CHAPTER THREE:
Natigilan siya sa pagpasok sa silid ng prinsipe ng sumalubong sa kanya ang pheromones ng isang omega.
Kunot ang nuo niyang hinanap ang pinanggagalingan ng pheromones na agad na nanuot sa pang-amoy niya kahit na nahahaluan iyon ng pheromones ng prinsipe.
"Why? Aren't you coming in?"
Nilingon niya ang prinsipe na halos katatapos lang sa pagligo dahil tanging ang itim na mabalbong bathrobe lang ang suot nito at tumutulo pa ang tubig sa buhok.
"Anong mayroon sa suot ko kanina at ganyan ang tingin mo?" tanong pa nito ng muli niyang tapunan ng tingin ang suot nito kaninang balat ng hayop.
"Nothing." Maikling sagot niya na nagpatuloy na sa pagpasok sa loob ng silid ng prinsipe.
Umupo na siya kahit hindi pa man siya nito inaalok at agad na nagsalin ng tsaa.
"Where have you been?" Tanong pa niya dito matapos sumimsim ng tsaa sa baso.
"Huh! I told you, I just came back from the wild."
Napailing siya sa sagot nito dahil hindi naman iyon tungkol doon ang tinatanong niya pero hindi na niya isinatinig iyon.
"Wala ka bang balak dumalo sa pagsasalo?" kuway tanong nito habang tinutuyo ang sarili nitong buhok.
Umiling siya. "Alam mong wala akong hilig sa mga ganyan. Pinagbigyan ko lang noon ang iyong ama dahil sa pagkapanalo natin sa ibang mga kaharian kaya ako dumalo noon. And that was the last time."
"I know. I know."
Nakasunod na lang ang tingin niya sa prinsipe habang nagbibihis ito. Dinig na dinig na nila ang tugtugin mula sa bulwagan kaya naghanda na din ito para humarap sa mga bisita nito.
"Baka magbago pa ang isip mo at nais mong dumalo?" pahirit pa nito sa pangungumbinsi sa kanya. Pero hindi na niya iyon sinagot kaya nanahimik na rin ito. "See you later." Kuway pagpapaalam nito ng tuluyan na itong makabihis.
Pagtango nalang ang isinagot niya habang pagkaway ang huli nitong paalam bago nga siya nito iniwan sa silid nito.
Nagtagal siya ng ilang minuto sa silid ng prinsipe bago nagpasyang sumilip sa pagtitipon para sa pagdating nito.
Wala namang nakapukaw ng interest niya habang nanunuod lang sa hindi kalayuan kaya hindi na din naman siya nagtagal.
Palabas na siya sana ng palasyo ng makaramdam siya ng hindi maganda sa kaliwang bahagi ng palasyo kaya nagpasya siyang puntahan iyon para tignan kung tama ba ang kanyan narandaman.
Hindi pa man siya nakakalapit ay tama nga siya dahil grupo iyon ng mga rogues na halata na may masama ngang balak.
Hindi na siya nagdalawang isip na lumabas sa pinagkukublian at nagpakita sa mga ito.
"Ahhh." Naipilig pa niya ang ulo ng malanghap ang masangsang na pheromones ng namumuno sa mga rogues na naging alerto dahil sa pagdating niya. Naramdaman niya ang pagkagising ng kanyang inner wolf na tila gustong magwala at nais agad tapusin ang mga ito.
"The legendary General Brahman came as I expected." Sabi ng pinuno ng mga ito. "It's been a while since I last saw you."
Pinag aralan niya ang hitsura nito dahil sa sinabi nito pero hindi niya matandaan kung saan niya ito nakita. Sa dami ba naman ng mga rogues na nais siyang pabagsakin ay hindi na niya maalala kung sino-sino ang mga nais siyang paghigantian.
"This is not the right place if you want to fight with me."
"I don't care." Paangil na sagot nito. "Go, catch him." Kuway utos na nito kaya sunod sunod na napasugod ang mga ito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Idris: The General Prince (GPS 2ND GEN.)
WerewolfSTATUS: ONGOING WARNING- matured content... R-18... SPG🔞 BXB SYNOPSIS: He is Idris. An Alpha. A dominant one. Idris Brahman. Crown Prince of Syria. The first son of King Zarim Brahman. But he rejected his title and left the kingdom of Zahara. He li...