#6

818 67 11
                                    

Typos and grammatical errors ahead!




"Kumusta ang pakiramdam mo?"

Nasapo niya ang kanyang sintido dahil pakiramdam niya ay galing siya sa mahimbing na pagkakatulog. Ang bigat ng pakiramdam niya na parang may malaking batong nakadagan sa katawan niya.

Iginala niya ang kanyang paningin hanggang sa mamataan niya si Beta Awari na siyang narinig niya kanina.

"Anong nangyari?" tanong niya dahil wala siyang matandaan. Hindi na din niya alam kung paano siya nakauwi.

Ang huli sa kanyang alaala ay nasa palasyo siya para hanapin ang general pero hindi naging maganda ang resulta ng pagpunta niya doon dahil sa mga narinig niya.

"Inuwi ka dito ng asawa ko dahil nakita ka niyang nagtatago sa halaman at wala ng malay dahil sa dinalaw ka ng heat mo." Sagot nito sa kanya.

Bahagya siyang napatango. Totoo ngang bigla siyang dinalaw ng kanyang heat dahil sa makasalanan niyang imahinasyon. At dahil sa imahinasyong iyon ay hindi niya napigilan ang sariling pag-initan ng katawan hanggang sa nilamon na nga siya ng sariling heat.

"Nasaan ang general?" Tanong niya ng maalala na naman ang general kahit nakaramdam parin siya ng inis dahil sa mga narinig niyang pakikipagniig nito sa ibang omega.

"Umuwi na sa kanila ang general."

"Umuwi? Hindi ba dito ang bahay niya?"

Umiling ang beta. "Umuwi ang General sa kanila kaya wala siya ngayon dito sa El Costa."

"K-Kailan pa. At kalian daw siya babalik?"

"Nung araw na nakita ka ng asawa ko sa palasyo. Kung sa kung kailan babalik ag general ay wala siyang sinabi kung kalian."

"Ganun ba?" nagpakawala siya ng malalim na paghinga. Ang akala nga niya ay ang general mismo ang tumulong sa kanya kaya bahagya siyang nanghinayang na wala pala ito ngayon.

"Naglulto ako ng agahan. Baka gusto mong kumain dahil sa apat na araw ng heat mo ay hindi ka nakakain ng maayos."

"A-apat na araw?" Nagulat pa siya sa sinabi nito. Alam naman niyang umaabot sa isang lingo ang heat niya tuwing dalaw niya at minsan sa mga araw na iyon ay naalala niya ang mga nangyayari. Tinutulungan siya ng kanyang papa at ito mismo ang umaasikaso sa kanya. Pinapakain kahit wala siyang gana at lahat ng pwedeng maitulong ng kanyang papa pero ngayon...

"S-salamat." Bahagya siyang nakaramdam ng hiya dahil nga ito ang umasikaso sa kanya. Kahit na isa itong beta ay hindi niya lubos maisip na ito ang tumulong sa kanya sa apat na araw ng kanyang dalaw.

"Wala iyong anuman. Kung gusto mong maglinis na muna ng katawan ay naihanda ko na din ang pampaligo mo. Makakagaan ng tuluyan sa iyong pakiramdam kung magbababad ka sa maliligamgam na tubig."

Tumango na lamang siya bilang sagot saka nagpasya ng bumangon ng tuluyan at umalis na sa kanyang kama. Nakasuot na lamang siya ng roba. Hindi na siya nagtanong pa kung ito din ba ang nagbihis sa kanya dahil baka mas lalo siyang mahiya.

Pumasok siya ng banyo. Agad na nagbabad sa tubig kahit na hindi naman siya nakaramdam ng panlalagkit ng magising siya. Ilang minuto din siyang nanatili sa banyo bago lumabas para harapin ang agahang inihanda nito para sa kanya.

Habang abala siya sa pagkain ng agahan ay siya namang pagdating ng asawa nito. Si Beta Omar.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong nito ng mapatingin ito sa kanya.

Idris: The General Prince (GPS 2ND GEN.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon