Typos and grammatical errors ahead!
Wala naman siyang balak magpatama kanina pero naisip niya na panuurin muna ang omega at hayaang makipaglaban para makita kung ano ba ang maibubuga nito at kung hanggang saan ang itatagal nito.
At ayaw man sana niyang gumamit ng pheromones na makakapagpahina dito ay kinailangan na niya maglabas ng pheromones dahil nakita niyang pursigido at hindi ito titigil hanggang sa hindi ito mapuruhan at mapatumba mismo ng mga kaaway nila.
"Hindi na masama, omega." Mahinang usal niya na walang kahirap hirap na kinarga niya ito na parang isang maliit na bata gamit lamang ng isa niyang kamay ng mawalan na ito ng malay.
Naipilig niya ang kanyang ulo saka mariing ipinikit ang kanyang mga mata.
Pagmulat niya ay nanlilisik na ang kanyang mga mata at nagbago iyon ng kulay. Kumikinang sa kulay ginto ang mga iyon matapos mawalan ng malay ang omega na mabilis niyang nasalo.
Sa pagbabago ng kulay ng mga mata niya ay unti unti ding naglaho ang mga sugat na natamo niya kanina.
Hindi na siya mag aalalang makita iyon ng iba dahil papadilim na din saka wala siyang ititirang buhay sa mga pangahas.
Hinarap ang mga rogues na natigilan din kanina pa simula ng maglabas siya ng nakakatakot na pheromones.
"Now, who want to die first." Malalim ang boses na tanong niya sa mga ito na pilit binabawi ang kabiglaan sa ipinaramdam niya sa mga ito.
Pero bago pa man makakilos ang mga ito ay mabilis ang naging kilos niya na halos walang nakasunod sa ginawa niya kung paano niya napuntahan ang isang rogues na nasa pinakadulo ng mga ito.
Nasa leeg na ng rogues ang isang kamay niya habang karga parin niya ang omega.
Ang kaninang kulay ginto niyang mata ay muling nagbago na mas umitim pa iyon sa normal na itim na naipapakita niya sa lahat ng nakakakilala sa kanya.
"Ugh." Umangat ang mga paa ng rogues na sinakal niya. Sa pagkakasakal niya dito ay bumaan ang matutulis niyang kuko na nagsilabasan sa mga daliri niya.
Bumagsak ang rogues sa lupa na wala ng buhay. Umaagos na ang dugo sa mga kuko niya.
"Leave them to me." Sigaw ng kanyang inner wolf na muling nagising dahil sa masangsang ng amoy ng dugo ng rogue na pinatay niya.
"Kill him." Sigaw ng isa naman rogues na nakabawi na sa kabiglaan. Doon niya napagtanto na ito ang pinuno na nakalaban din niya kanina.
"At bumalik ka pa." Mahina niyang saad na nakatingin dito.
Mabilis namang tumalima ang iba na sunod sunod na ang ginawang pagsugod sa kanya.
Binitawan ng mga ito ang kanya kanyang sibat at mga sandatang hawak at tumalim na din ang mga kuko ng mga ito. Nagbago ang mga anyo at naging taong lobo.
Naging doble man ang naging bilis ng mga ito ay hindi niya iyon ikinatakot dahil para sa kanya ay kulang pa ang sampo niyang kalaban kung nais siyang pabagsakin.
Walang silbi para sa kanya ang pagbabago ng anyo ng mga ito. Hindi pa man tuluyang nakakalapit ang mga ito sa kanya ay siya na mismo ang kumilos para isa-isahing pabagsakin ang mga ito gamit lamang ng bilis at isang kamay niyang may matutulis na kuko.
Wala pa halos isang minuto ay bumagsak lahat ng rogues sa lupa na nagbalik anyong tao. At iisa lamang at pare-pareho ang natamong sugat sa pagbagsak ng mga ito. Malalim na sugat sa leeg kung saan bumulwak ang masaganang dugo sa mga ito.
BINABASA MO ANG
Idris: The General Prince (GPS 2ND GEN.)
Manusia SerigalaSTATUS: ONGOING WARNING- matured content... R-18... SPG🔞 BXB SYNOPSIS: He is Idris. An Alpha. A dominant one. Idris Brahman. Crown Prince of Syria. The first son of King Zarim Brahman. But he rejected his title and left the kingdom of Zahara. He li...