#9

279 36 2
                                    

Typos and grammatical errors ahead!



"Hi, beauty." kunot ang nuo niya na napatingin sa tumawag ng pansin niya.

Ang prinsipe na nakilala nung nakaraan.

Kunot ang nuo niyang binawi ang tingin dito at ipinagpatuloy ang paglalakad habang dala niya ang ilang prutas. Bibili sana siya pero hindi na niya kinailangang magpunta ng bayan dahil may dinala sa kanya si Beta Awari.

"Pupunta din ako kay General. Bakit hindi ka nalang sumabay sa akin."

Napalingon ulit siya pero hindi sa prinsipe siya napatingin kundi sa kabayo nito.

"Mas gusto kong maglakad." sagot niya. "Saka..." hindi niya naituloy ang nais pang sabihin ng masulyapan ang paparating na magarang kalesa.

Kunot ang nuo niya dahil hindi maganda ang pakiramdam niya. Parang kilala niya kung sino ang lulan ng kalesang palapit sa kanila.

"Tsk." Narinig niya mula sa prinsipe bago hinila ang tali ng kabayo nito at sinalubong ang kalesa.

At hindi siya nagkamali. Ang omegang prinsipe. Malakas ang pakiramdam niya na ang prinsipeng lulan ng kalesa ay ang omegang kinaniig ng kanyang Alpha.

Kanyang Alpha? He is mine! Sigaw ng kanyang inner wolf.

"Grrr." Hindi niya mapigilan ang taasan ng kilay at gilid ng kanyang labi. "At ano naman ang ginagawa ng malanding iyan dito?" Naitanong pa niya na nakatingin sa tumigil na kalesa dahil sa paglapit ni Prinsipe Ahmad.

Mabilis ang ginawa niyang pagtalikod at agad na bumalik kay Idris.

"Huh. Hindi ka na makakalapit sa kanya." Nangigigil pa niyang saad habang pabalik na sa bahay ni Idris.

Ng makabalik na siya ay agad niyang nilock ang pinto para hindi makapasok ang omegang prinsepe.

"What are you doing?" pasandal sa pinto na napalingon siya ng marinig ang tanong na iyon ni Idris sa kanya.

Tabingi ang naging ngiti niya.

"A pest is coming." sagot niya.

"Pest?" pang uulit nito na mas nangunot ang nuo habang palapit na sa kanya. "Make an way." sabi pa nito sabay hila sa kanya paalis sa pinto.

"No." pagtanggi niya kasabay ng kanyang pag iling na hindi umalis sa pintuan. Hindi niya binitawan ang seradura.

"Rashid." may diing sambit nito sa pangalan niya na pinanlakihan pa ng mga mata.

Napasimagot siya na sinundan ng pagpadyak ng kanyang paa.

"Hmmp." binitawan niya ang seradura pero imbes na umalis sa pinto ay agad na kumapit siya sa leeg nito at doon na naglambitin. "You are mine." may tiwala sa sariling sabi niya.

Dahil hindi naman iyon inaasahan ni Idris na gagawin niya iyon ay hindi agad ito nakaiwas ng halikan niya ito sa leeg. It wasn't just a simple kiss but he sucked to leave a red mark.

"You.."

Ngumiti siya ng bitawan niya ito. "Give you a stamp in advance para malaman ng omegang iyon na akin ka."

"Tsk. Rashid, hindi ako nakikipagbi-" hindi na naituloy nito an nais sabihin ng maringgan na nila mismo ang tatlong katok mula sa labas.

"I will deal with you later. Behave or I will throw you out."

Idris: The General Prince (GPS 2ND GEN.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon