2. Soup Number Five

235 11 1
                                    

"PARE, mabuburo ka lang diyan sa resort na 'yan. Ano ba ang pinakain nila sa'yo at pumirma ka ng kontrata? You've been a freelance artist for how long? Five years? Tapos ngayon, that small resort in a creepy island gave you an offer that you really should refuse pero ano ang ginawa mo? Pumayag ka. Gaano ka katagal diyan? Baka pagbalik mo dito mangkukulam ka na rin."

Tawa ako ng tawa sa mga sinabi ng kaibigan kong si Chase. He called me all the way from Bukidnon para lang sermonan ako dahil pumayag ako sa project na pinagawa ng Mystic Island Resort dito sa Siquijor.

Umupo ako sabay lapag ng dala kong tray sa isa sa mga bakanteng mesa ng hotel restaurant. Nakiusap kasi ang manager ng hotel na dalhin ko daw ang sabaw para sa kasama ko sa cottage na si Maxx. Ni-request daw niya iyon.

"Nah. Just let me enjoy my hard-earned freedom, tol. Asikasuhin mo na lang ang asawa mo at baka mapaanak ng wala sa oras 'yan. Dito na muna ako at maghahanap ako ng inspirasyon," sabi ko.

Tumawa si Chase sa kabilang linya. Sa backgroud ay naririnig ko rin si Ella. The couple seemed happy. Tandang-tanda ko pa noon kung paano nataranta si Chase when Ella suddenly barged into his home and in his heart. Masasabi kong meant to be talaga silang dalawa. There was even a point na nagkahiwalay sila. Akala ko mabibigo na naman si Chase dahil nakatakdang magpakasal si Ella sa dati nitong fiance na si Neil. It turned out, si Neil na mismo ang sumuko para maging malaya na sina Ella at Chase. In the end, Ella and Chase finally had their happy ending. Two years ago, nagpakasal sila at ngayon ay malapit na silang magkaanak.

"Pare, ingat ka dyan at baka sa halip na inspirasyon ang mahanap mo ay aswang ang bubulaga sa'yo. Aswang na bakla." Tumawa muna si Chase bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Baka 'yang kasama mo sa cottage, baklang aswang 'yan ha? Mag-ingat ka."

Lalong lumakas ang tawanan ng dalawa sa kabilang linya. Halatang nakikinig si Ella sa pag-uusap namin.

"Oy, lalaki ang kasama ko. Maxx nga ang pangalan eh. Pangalan pa lang, barako na."

Parang hinihingal na sa kakatawa si Ella sa kabilang linya. "Naku, baka akala mo lang, barako. Mamaya gagapangin ka niyan. Ingat ingat lang pare. Baka matukso ka." Nagtawanan na naman sila.

Ngumiti ako. Kung hindi ko siguro nakita ang transformation ni Chase when Ella came into his life, magugulat siguro ako sa lakas ng tawa niya. A few years ago, Rake was the most serious intel agent I knew when I joined the Australian Secret Intelligence Service o ASIS.

"Ambabaliw ninyo. Bagay nga kayong dalawa. O siya, sige na at nang makapagpahinga na 'yan si Ella. Malalim na ang gabi. Pabalik na rin ako ng cottage," paalam ko.

"Ang sabihin mo, natatakot ka na diyan." Isang malutong uli na tawa ni Chase ang narinig ko. "Pero kidding aside pare, ingat ka diyan. Alert us in case of emergency, okay?"

Ngumiti ako kahit na alam kong hindi makikita ni Chase. "Sure, pare. I know the drill." Iyon lang at pinutol ko na ang tawag.

Bitbit uli ang tray ng pagkain ay nilakad ko na ang daan pabalik ng cottage.  Habang naglalakad ay binalikan ko sa isip ang sinabi kanina ni Chase. Tama nga siya. Hindi ko rin alam kung bakit ako pumayag na maging exclusive artist ng lugar na ito. I took a leave from the hospital. Nakakapagod na kasing maging Doktor. The demands of my work costs too much of my time. Ni panahon para sa sarili ay nakakalimutan ko na. The hospital can survive even if I won't be around. Nandoon naman ang kapatid kong si Rhiana. She can take care of my patients for me. Nandoon din ang pinsan kong si Eriko along with our ever loyal hospital staff. They will survive. While I figure out kung ano talaga ang gusto kong gawin sa buhay ko.

I have too many hang-ups. Kaya siguro may mga panahong pakiramdam ko ay naliligaw ako ng landas when it comes to my career. I've tried a lot of things. I was once a part of an elite military operations in Australia. I've helped save so many lives and killed a few. But looking back, I realized I haven't really lived. I simply existed. I went where the current took me. I never really followed my passion because to be honest, I don't know if I have any. That's how confused I am.

Magic And You [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon