5. The Untimely Deal

152 7 4
                                    

"SASAMAHAN na kita, pare. Baka kasi maengkanto ka pa at pag nalaman nilang hindi ka pala tunay na babae ay gagawin ka pang inihaw na bakla."

As usual, si Ricardo. Si Ricardo na walang magawa sa buhay kundi mang-asar sa akin. Hindi ko na siya sinagot. Inirapan ko na lang. Bahala siya sa buhay niya. Lumabas na ako ng cottage na suot ang isang dilaw na t-shirt, maong shorts at white sneakers para kumportable ako sa paglalakad. Hindi ko kasi alam kung saan nakatira ang pinakatanyag na manghuhula dito pero siguro naman kapag nagtanong-tanong ako ay matutunton ko din iyon. Kailangan ko lang magpursige.

"Dito ang daan, pare." Halos lumundag ako sa boses na iyon. Nilingon ko ang pinaggalingan niyon. Si Ricardo pala. Ibig sabihin sinusundan niya ako? Seryoso ba siya sa sinabi niya kanina na sasamahan ako? Akala ko nang-aasar na naman ang kumag.

"Ano'ng nakain mo at bigla ay gusto mo na akong kasama? Hindi ba allergic ka naman sa mga transgender?!"

Kung makangisi ang Ricardo na ito, parang timang. Oo na, panalo na siya sa close up smile of the year. Pati na brightest and whitest smile award sa kanya na rin. Nakakaasar. Bakit pa kasi ang guwapo. Ang hirap tuloy awayin. Hmp.

"Gusto ko lang makasiguro na hindi ka maghahasik ng lagim sa islang ito kaya aabisuhan ko na lahat ng makakasalubong natin kung ano ka talaga at baka pati sila ay maloko mo pa."

Uminit na talaga ang dugo ko sa kanya. Hindi ko na mapigilan. Guwapo or not, wala na akong pakialam. Singuod ko siya at pinagbabayo sa dibdib.

"Walanghiya ka! Sobrang racist mo at napaka-judgmental mo pa! Ano ba ang kasalanan ko sa'yo at sobrang harsh mo sa akin, ha?! Inaano ba kita?!"

Umiyak na ako sa inis ko sa kanya. Wala na akong pakialam kung ano ang hitsura ko ngayon. Basta punung-puno na talaga ako sa lalaking ito. Hindi ba niya alam na sobrang stressed na ako dahil sa nawawala kong fiance tapos gaganituhin pa niya ako?

Binayo ko ng binayo ang dibdib niya hanggang sa naubos na ang lakas ko at humagulgol na lang ako. Sira na ang araw ko, thanks to this good for nothing moron in front of me.

"Shhh...I'm sorry. I'm sorry."

"Bitiwan mo nga ako. Sumusobra ka na talaga eh!"

Kaso ang tigas ng ulo ng kumag. Sa halip na bitiwan ako ay niyakap pa ako lalo. Lalo tuloy ako na-engganyo na umiyak.

"Sorry na, please? Nagbibiro lang ako. Ang cute mo kasi kapag nagagalit ka eh. Lalo kang gumaganda."

Tinulak ko siya. "Huwag mo nga akong binobola. Hindi ko kailangan ng mambobola! You knew all along na babae ako pero pinagpipilitan mo pa rin na isa akong transgender! I hate you!" Sinuntok ko siya sa pisngi. Kaso parang mas ako ang nasaktan. Grrr.

"Hindi ko talaga alam na babae ang makakasama ko sa cottage. Sabi ng receptionist ay Maxx ang pangalan ng kasama ko. Never in my wildest dreams na babae ka pala. Akala ko talalaga, transgender ka pero last night, nakausap ko ang receptionist at kinumpirma niyang babae ka nga. Then it dawned on me na ikaw yung inalok ko ng tour noon sa fast craft. Naka-shades ka noon kaya hindi kita agad namukhaan when I saw you again," paliwanag ni Ricardo.

Tiningnan ko siya ng may pagdududa. Kanina lang kasi todo pang-aasar ang ginawa niya sa akin. Tapos ngayon bigla niyang babawiin.

"Promise, hindi na kita aasarin na transgender ka. Hayaan mo lang ako na samahan kita kahit saan ka pumunta. Para na rin sa safety mo. Kahit pa alilain mo ako, basta pumayag ka lang na samahan kita. Hindi ba nasabi ko na saýo na isa akong tour guide dito? Free tour around the island just for you. Deal?"

Tumaas ang kilay ko sa narinig.Kung makapag-alok ang lalaking ito, parang nag-aalok lang ng negosyo. Iyong tipong pang-open minded na business, ganun. Kaduda-duda. Iyong tipong kapag nagtiwala ako ay pagsisisihan ko ng bonggang-bongga. Baka hindi lang ang bulsa ko ang maba-bankrup kundi pati na rin ang puso ko.

Magic And You [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon