4. Enchanted

163 10 0
                                    

"Pwede ba? Magdamit ka nga ng maayos kapag nasa loob ka ng bahay."

Buena mano sa akin ni Ricardo paglabas ko ng silid kinabukasan. Lihim akong napangiti sa narinig. Naabutan ko kasi siya sa kusina habang umiinom ng kape. Bagong ligo ako at naka-bath robe lang with matching fluffy pink slippers na binili ko sa Dumaguete kahapon bago ako sumakay ng fast craft papunta dito sa isla ng Siquijor. Sinadya ko talaga na ganito ang ayos ko. Gusto kong mabulabog ang mundo niya. So far, mukhang effective naman.

Bwahahaha.

"Bakit ka nagre-reklamo? 'Di ba, hindi ka naman affected dahil ayaw mo sa transgender?" tusko ko sa kanya. 

Tutal, ayaw din naman ata niyang maniwala na babae nga ako, pwes pagbibigyan ko na lang siya sa kahibangan niya. Kahit naman bubukaka ako sa harap niya ay iisipin pa rin niyang nagpa-sex change ako eh. Wala talaga akong kalaban-laban. Therefore, gaganti ako sa paraang alam ko. I will make him super ultra mega mad at me para tantanan niya ako at lumayas siya sa cottage.

"Hindi kita pinagdadamit ng maayos dahil lang affected ako. Hindi kasi bagay sa hitsura mo, pare. Lalo kang nagmumukhang bakla."

Aray.

"Grabe ka talaga sa'ken. Ano ba pwede kong gawin para lang maniwala kang hindi nga ako bakla at lalong hindi ako transgender? Babae po ako."

Ngumuso ako at umupo sa may bintana. Ang agang mambasang ng trip itong kumag na ito. Hanggang kailan ba siya dito? I want the cottage all by myself. Gusto kong mag-emote. Gusto kong tumunganga ng walang nakatingin sa'kin. Gusto kong kumanta nang hindi binabato ng kung anu-ano dahil sa pangit ang boses ko. Basta. Madami akong gustong gawin on my own. ALONE.

Makulimlim pa rin ang panahon dala ng biglang pagbuhos ng ulan kagabi. Katunayan ay may kaunting ambon pa. It was a dreadful morning. Mukhang made-delay muna ang paghahanap ko ng albularyo o manghuhula dito. 

"May alam akong paraan para mapatunayan mong babae ka nga talaga," singit ng pinakamasamang lalaki sa balat ng lupa aka Ricardo.

"At ano naman?" tanong ko nang hindi lumilingon sa kanya. "Kung anu-ano na naman ang sasabihin ng kumag na ito. Palibhasa may lahing aswang," mahina kong bulong.

"Wala akong lahing aswang."

"Ay kabayong pangit!"

Sobrang lapit ng boses niya kaya napalundag ako. Paglingon ko ay nagulat na lang ako dahil nasa likuran ko na pala siya at nakatingin din sa bintana.

His face was so close to me. Agad akong umiwas at muling ibinalik sa tanawin sa labas ang aking paningin.

Shems. Ibig sabihin, narinig niya ang mga sinabi ko or kaya lang talaga niyang basahin ang isip ko?

I took a deep breath. Kaso wrong move dahil naamoy ko ang panlalaki niyang pabango pati na ang usual smell ng kanyang aftershave. Peppermint and Sandalwood. Bakit ba sa lahat ng scent, iyon pa talaga ang gamit niya na sobrang nagpapaapekto sa akin sa hindi ko maipaliwanag na dahilan?

Hindi kaya...bampira siya at aphrodisiac niya ang pabangong iyon? Kaso, may mga bampira ba dito sa isla? Ang alam ko lang ay maligno, aswang, manananggal, kapre, dewende, engkanto...

Napasighap ako sabay baling sa kanya. I looked at him suspiciously. Hindi kaya...

"Bakit ganyan ka makatingin? Siguro iniisip mo kung paano ka makaka-iskor sa'kin 'no?" hirit uli niya. Hindi ko na muna iyon pinansin. Mas nangingibabaw sa katauhan ko ang pagdududa sa pagkatao niya.

"Hoy pare. Mukha kang naengkanto diyan. Ano? Titigan mo lang ba ako? Hindi ako pumapatol sa--"

"E-engkanto ka ba?" may halong takot kong tanong.

Magic And You [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon