7. Reality Hurts

278 10 7
                                    

"BE CAREFUL," paalala ni Ricardo sa akin for the nth time.

"Okay lang ako. Hindi naman mahirap ang trail," sagot ko sa kanya.

Tiningnan ko ang oras sa suot kong relo. Alas tres na ng hapon. 

Medyo natagalan kami dahil bumalik pa kami sa cottage para kumuha ng ilang gamit. Baka daw kasi abutin kami ng gabi dito or sa daan, at least we have a few necessary items on hand.

Paakyat na kami ngayon sa Mt. Bandilaan. Ito daw ang tallest peak sa buong isla ng Siquijor at dito daw matatagpuan ang lumang simbahan na parehas naming nakita sa aming isip pagkatapos sambitin ang orasyon. Hindi naman masyadong matirik ang bundok. Hindi rin mahirap akyatin dahil tanyag na itong tourist spot kaya halos lahat ng napapadpad sa islang ito ay sadyang umaakyat sa bundok na ito.

"Bakit kaya ito ang lugar na nakita natin kanina? Ano kaya ang connect ng lugar na ito sa pagkawala ni Russel?" hindi ko mapigilang itanong kay Ricardo. Masyado kasi siyang tahimik. Nakakapanibago. Kinikilabutan tuloy ako.

"Sa pagkakaalam ko, dito madalas nagpupunta ang mga manghuhula at mangkukulam noong unang panahon dahil may bahagi sa bundok na ito ang nananatiling sagrado para sa kanila. May ilang turista na rin ang nagsasabi na may mga nilalang silang nakikita na hindi ordinaryo at biglang naglalaho."

Napahinto ako sa paglalakad at walang pag-alinlangang kumapit kay Ricardo.

"Y-you mean mga multo?" Takot ako sa multo. Ewan pero ayoko talagang makakita ng ligaw na kaluluwa.

Tumawa si Ricardo ngunit hindi naman niya inalis ang kamay ko sa braso niya. Pinatong pa niya ang isa niyang kamay sa akin na para bang sa pamamagitan niyon ay nais niya akong pakalmahin.

"Hindi naman exactly ligaw na kaluluwa. Mga nilalalang lang daw na mula sa ibang dimension."

Kumunot ang noo ko. "Like an alternate world?"

Tumango siya. "Kwento lang naman ng mga nakausap ko dati. Ilang beses na din kasi ako pabalik balik sa lugar na ito at halos lahat ng mga nakilala kong albularyo ay ganoon ang sinasabi. That there is an alternate world at sa sagradong bundok na ito ang isa sa mga lagusan nila," kalmadong sagot niya.

Napaisip ako muli. Hindi ko alam kung bakit dito kami dinala ng tadhana. Hindi ko alam kung bakit nasabi ni Nanay Ising na hindi lahat ng nawawala ay sadyang naliligaw at hindi rin lahat ng naghahanap ay nawawalan. Ano ang kuneksiyon niyon sa mga pangitaing nakita namin ni Ricardo habang sinasambit namin ang orasyon? Ano ang kuneksiyon ng sagradong bundok o ang pinaniniwalaang lagusan tungo sa isang alternate world?

"We're here," pukaw sa akin ni Ricardo.

Nag-angat ako ng tingin at ganoon na lang ang pagkamangha ko nang tumambad sa harap ko ang sirang simbahan. It was breathtakingly beautiful despite its damage. Ang puting krus ay katulad na katulad ng nakita ko sa pangitain ko kanina. It was a stark contrast to the almost black structure of the church, or what remained of it. Hindi ko alam kung bakit hinayaang ng mga taga rito na masira ang napakagandang istructuka na katulad ng sirang simbahan. Ang mga tanong kanina sa isip ko ay lalo pang nadagdagan. Why was it abandoned and left to its ruins? Nasira ba ito dahil sa isang digmaang naganap ilang taon na ang nakalipas? Bakit walang nagtangka na ibalik ito sa dati gayong sobrang ganda naman nito. Lalo pang gumanda dahil sa papalubog na araw na nasa background nito.

Papalubog na pala ang araw. Nilingon ko si Ricardo sa aking tabi. Nakatunghay din siya sa simbahan. There was a wistful look on his face na para bang may isang bahagi ng pagkatao niya ang konektado sa simbahang iyon. Does it have something to do with the girl named Anna?

"There is the white cross, the most beautiful symbol of love I have ever seen," basag ni Ricardo sa katahimikan.

"Oo nga. P-pero may nakita din akong itim na bituwin kanina. I wonder where that is."

"Halika, baka nasa loob ng simbahan ang itim na bituwin," sabi niya sabay hila sa kamay ko papasok ng sirang simbahan. Saglit kong tinapunan ng tingin ang magkahawak naming mga kamay. There were no sparks or little currents coursing through my veins like what I usually read in paperback romances. Sa halip ay nakadama ako ng kapayapaan na tila ba ramdam kong walang pwedeng manakit sa 'kin hangga't hawak ni Ricardo ang palad ko. It just felt peaceful.

Magkahawak kamay kaming pumasok sa simbahan. Kahit sa loob ay kulay itim pa rin ang gamit na bricks. Ang bubong naman ay sira na ngunit ang sahig na yari sa semento ay maayos pa kahit baku-bako na. Mula sa sirang bubong ay tanaw ang malaking krus na kulay puti na tanging simbolo ng sagradong lugar na ito. Ngunit may napansin akong kakaiba sa loob. May mga mahahabang silya na tila ba sadyang nilagay sa lugar na iyon para sa isang mahalagang okasyon. Sa tantiya ko ay kasya ang walo katao sa bawat silya. Bakante sa gitna kung saan naroon ang mahabang carpet na kulay puti tungo sa altar. Sa magkabilang gilid ay tiglilimang mahahabang silya. May mga plorera din sa bawat gilid ng silya at may maninpis na telang kulay puti ang nakasabit sa magkabilang gilid ng aisle. Tila may kasalang magaganap.

My eyes were transfixed on the scene before me, on the aisle covered with a white carpet waiting for the bride to walk toward the altar and profess her undying love to her husband. I wish it was me. I wish it was Russel waiting at the other end of the aisle.

"Ma'am, Sir, dito lang po muna tayo sa gilid dahil paparating na po ang ikakasal at ang mga bisita nila," pukaw sa akin ng isang babae. Ni hindi ko namalayan na lumapit pala siya. 

Naramdaman ko ang pagpisil ni Ricardo sa kamay ko. Nilingon ko siya. He was smiling when our eyes met. "Labas na lang muna tayo? Hindi naman tayo kasali sa mga inimbita eh," tila pagbibiro pa niya.

Gumanti rin ako ng ngiti. "Sige, sa labas na lang muna tayo."

I don't know if he sensed that I suddenly become wistful but I'm glad he's with me. Kahit paano hindi gaanong masakit na masaksihan ang ganitong eksena na dati ay pinangarap namin ni Russel. 

As if on cue ay may musikang pumailanlang sa ere. There has to be someone playing the piano somewhere. Bigla na lang kasing dumami ang tao habang papalabas kami.  It was not the people that caught my attention though but the song. It was one of the songs me and Russel picked for our supposed wedding.

The Gift by Jim Brickman, instrumental version. Hindi ko mapigilang sumilip sa loob. It was as if a part of me wants to look at the bride and groom and watch them start their journey to forever. Baka kapag pinanood ko sila ay mabibigyan ako ng pag-asa na may forever pa talaga sa mundo para sa lahat ng nagmamahal at minamahal din. 

Isa ako sa mga nanonood habang nagma-martsa ang groom ng mag-isa tungo sa altar kung saan naghihintay na ang pari. Habang papalapit sa altar ang lalaki ay palakas ng palakas naman ang kabog ng dibdib ko. Because the groom was none other than Russel! Sigurado ako. Hindi niya kamukha lang ang lalaking naglalakad sa aisle at nakangiti. 

Si Russel iyon!

Para akong naestatwa habang pinapanood siya na masaya na para bang walang dinadalang problema. Sa kanang bahagi ng leeg niya ay may isang tattoo na noon ko lang nakita. It was a black star. I felt the world around me spin into darkness.

________

A/N: Sorry sa delayed update haha andaming happenings sa buhay kaya bigla akong naligaw sa takbo ng storya. Tsk. Pwede bang sa susunod na maliligaw ako, sa puso mo naman para masabi ko na ring "I'm finally found!" LOL

Sana may magic talaga haha

xoxo

Magic And You [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon