3. Amnesia Guy

220 11 1
                                    

A/N:

December na!!!!!

Ang saya-saya! Pero malungkot din dahil matatapos na naman ang isang taon. Hindi pa rin ako gumanda, sumeksi at yumaman. Grabe. Kailan kaya mangyayari ang mga yon? Hahaha.

Enewei, eto na ang update. Sana natuwa kayo.

Trivia: I was born in Siquijor. Ang mga lola at lolo ko ay nandoon pa sa isla. So siguro naman may K akong isulat ang kwentong ito no? Bawal magreklamo kundi kukulamin ko kayo nyahahahaha :P

Happy reading!

_____________



TRANSGENDER?! The nerve of that guy. Mukha na ba akong bakla?

Kanina ko pa iniisip kung saan ko siya nakita dahil sobrang pamilyar sa akin ang mukha niya. Now I remember. He was the guy who helped carry my luggage as I disembarked from the boat and offered to tour me on the island for free. Hindi ako pwedeng magkamali. Tanda ko pa sa isip ang convo namin kanina sa pier.

"Let me help you with that," boses ng isang lalaki sa likod ko. Lulan ako ng ferry mula Dumaguete at bababa na sana sa gangplank nang bigla siyang sumingit. Hindi na ako tumutol nang kinuha niya mula sa mga kamay ko ang hawak kong maleta. Pagkuwan ay pinauna niya ako sa pagbaba. 

I turned to look at him and smiled. "Thank you."

Alam kong hindi ako dapat nakikipag-usap sa mga estranghero but times like this, I welcome all the help I could get. Nauna na akong bumaba sa gangplank at hinintay ang pagbaba niya bitbit ang malaki kong maleta. Habang pababa siya ay pinag-aralan ko ang kanyang mukha. There was something familiar about his features. Pakiramdam ko ay nakita ko na siya noon pero hindi ko lang mawari kung kailan, saan at paano.

"There you go. Enjoy your stay," the man said as he handed me my luggage.

Sa sobang lapit niya ay naamoy ko ang gamit niyang aftershave. Peppermint and Sandalwood. Natigilan ako saglit. His scent seemed to trigger a part of my brain, although I couldn't really identify what it was. But it felt like de javu. It was as if I had met him once before and the only thing that connected me to that part of my life was the scent of his aftershave. It was crazy. It was ridiculous.

"Miss, are you okay?" pukaw niya. Muntik na akong mapalundag.

"U-uh...I-I'm sorry. Are you saying something?"

"Tinatanong ko kung may reservations ka na ba o kaya naman ay may susundo ba sa'yo," aniya. His espresso eyes seemed to read my soul. I looked away.

"I..." nag-alangan akong sumagot. Hindi mainam na sasabihin ko ang whereabouts ko sa lalaking ito. I'm not even sure if I could trust him. Just because he helped carry my luggage doesn't mean he is one of the good guys. For all I know, he could be an axe killer or something. "I can manage from here. Thank you for your help," sambit ko na lang.

Tumawa lang siya at muling sinalubong ang titig ko. "Hindi ko intensifying takutin ka. Gusto ko lang talagang makatulong. Anyway, I'll get going. Call me if you need someone to give you a tour on the island. I usually charge a thousand a day but for you, I'll make an exemption. I'll give you a tour for free," sabi niya sabay abot ng kanyang calling card. Kumindat pa siya sa akin bago siya tuluyang umalis.

Napailing na lang ako. Para bang kaya niyang basahin ang isip ko dahil sa mga sinabi niya. Pero muntik na talaga akong pumayag sa imbitasyon niya. Free island tour 'yon bes. San ka pa? Pero mabuti na lang at gumana pa ang katinuan sa isip ko. Mahirap nang magtiwala at baka gawin pa akong pulutan ng mga aswang niyang friends.

Magic And You [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon