TRIGGER WARNING!
This chapter contains topics about r@p3, abu$e, suicid3, depression and anxiety. Read at your own risk!
___________
1
Naglalarong mga estudyante..
Nagtatawanan..
Nagkwekwentuhan..
Heto ako nasa pinakatuktok ng isang building, nagiisip kung tatalon naba o hindi..
Gusto ko din maranasan yan.. yang mga tawanan, kwentuhan.. sana meron din akong mga kaibigang masasandalan sa oras na hindi ko na kaya katulad ngayon pero wala eh.. isa ako sa mga taong pinagkaitan.
"Kung ako sayo diko gagawin yan" muntik ng madulas ang paa ko ng marinig kong may nagsalita.
Si Maddie, isa sa pinakasikat na babae sa school. Maganda, matalino at higit sa lahat madaming kaibigan. Hindi ko akalaing kung kelan gusto kong mawala saka ko siya makakausap.
"I know it's tempting but trust me, di magugustuhan ng mga mahal mo sa buhay yang gagawin mo. Siguro naman importante sila sayo." Don ko naisip sila Mama, ulila nakong lubos. Nawala sila last year, sila ni papa dahil sa isang car accident.
Im sure kapag ginawa ko to hindi niya magugustuhan pero wala nakong maisip na ibang way, gustong gusto ko na silang makasama uli. Bakit kase kinuha sila agad sakin? Sila nalang ang meron ako.
Diko namalayang umiiyak na pala ako at don ko naramdaman ang malakas niyang paghila sakin pababa. Natakot akong bumagsak pero pagdilat ko sakanya pala ako nahulog, sa katawan niya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, bigla nalang tumibok ng malakas ang puso ko. Sobrang lapit niya sakin kaya kitang kita ko kung gano siya kaganda. No wonder she's Ms. Popular.
"Makakahinga nako ng maluwag, wag na wag mo na uli gagawin yan Allaine please." She knows me.. Ms. Popular knows me..
"K-Kilala moko" hindi ko mapigilang hindi masabi.
"Of course, isa ka sa pinakamatalino sa batch natin and naging classmate kita last year, hindi mo na ba tanda?" Syempre tanda ko, kaya ko nga nalaman at napatunayang beauty and brains siya dahil naging kaklase ko siya. Kaming dalawa ang nag agawan sa top 1 kaya naman nagpaubaya ako. I let her be the number 1 cause she deserves it.
"T-Tanda ko" don ko narealize na nakapatong pa din ako sakanya kaya tumayo ako agad. Feeling ko namula ako.
"Sorry" nahihiya kong saad pero imbes na magsalita niyakap niya ako.
Pakiramdam ko natuod ako.
"Alam kong hindi tayo close pero please don't ever do that hm? Isa ako sa mga malulungkot pag nawala ka. I adore you so much, isa ka sa mga tinitingala kong tao dito sa school. You can talk to me if you're having problems, we can be friends. You're not alone, Allaine. Pwede mo akong kausapin." Hindi ko alam pero parang may humaplos sa puso ko, it triggered my tears. It's been awhile since I cried like this, yung tipong gusto mo nalang ilabas sa iyak lahat.
Sa sobrang comforting ni Maddie hindi ko akalaing kanina pa ako umiiyak sa balikat niya, halos nabasa ko na yung uniform nya ng luha ko.
"Sorry nabasa ko uniform mo" nginitian lang niya ako at pinat ang head.
"It's okay, mas maigi na ding nalabas mo yan diba? Hindi mo man ikwento pero alam kong nakakagaan din yan." She smiled, I smiled.