The Night We Met

3 0 0
                                    

TW: Self-harm
Read at your own risk.



I feel so empty...

I feel so weak..



Hindi lang niya ako iniwang luhaan, sinama niya pa pati ang puso ko. Ngayon wala akong maramdaman kahit ano, kahit ilang hiwa pa ang gawin ko sa braso ko, ni wala manlang sakit.

"Sobrang ganda mo mahal..."

"Ayan nanaman siya, wag mo na nga akong utuin!"


Hindi ko akalaing yung mga dating tunog ng pagtawa niya na bumubuo sa mundo ko ang sisira ngayon sakin, ang babasag sa puso ko.


"Puro nalang kase sarili mo iniisip mo eh, Pano naman ako Janica? Hindi mo ba ako iniisip? Alam mong hindi ko kaya kapag nawala ka"


Hindi daw kaya pero ikaw tong umalis, nangiwan.


Sobrang nanlalabo na ang mata ko dahil sa luha, pakiramdam ko malapit na din naman ako mawala. Bakit ba ang tagal naman? Bakit ba hindi nalang ako kunin ngayon kung kelan gusto ko na?


"Isang hiling...."


Kahit papano naidilat ko pa ang mata ko, isang babae. Isang babae ang nasa harap ko.

"L-Lumayo ka.. Wag mo na akong tulungan, gusto ko ng mawala..." halos pabulong kong saad, akalain mong magagawa ko pang magsalita.

"Isang hiling lang Janica, pagbibigyan kita."


Hindi ako naniniwala sa mga engkanto pero heto ako ngayon nakatulala sa babaeng nakaputi sa harap ko, hindi ko alam kung sang lupalop siya nanggaling.


Sobra kong pinagisipan ang isang hiling, siguro lahat ng taong mamatay na ganto ang nararanasan nila. Akala ko ba yung 7 minutes recap ng buong buhay mo ang makikita mo bago ka mawala pero ano to?



"Time is ticking, isang hiling lang..."

"Then take me back to the night we met"

Tuluyan nakong napapikit pero naramdaman kong hindi na ako nakaupo sa lapag ng banyo namin kundi nasa malambot nakong kama.


"Baka may balak kang bumangon Janica, mal-late kana sa trabaho mo sa center." agad agad akong napatayo, mal-late?


"A-Asan ako? Anong date ngayon, ma?" nakita ko namang masama tingin niya sakin.


"Aba March 22, 2022 ngayon hija, martes. Pumapalya na ata utak mo, kaka cellphone mo yan!" hindi ako makagalaw..

N-Naging totoo yung wish ko?


Hindi ko alam na lumabas na si mama at ibang tao na pala tong nasa harapan ko. Yung babaeng nakaputi.


"Huling hiling para sayo, Janica. Pero hindi ka pwede magtagal dito. Aalis at aalis pa rin tayo" aalis?


Tatanungin ko sana siya pero wala na akong kasama sa kwarto ko.


Naalala ko tong araw na to, eto mismo yung araw na nagkita kami. Isa sa pinakamasayang araw sa buhay ko. Hindi ko akalaing makakabalik ako sa araw na to, sana dito nalang ako.


Dito masaya ako, masaya kami. Wala masyadong problema, pero tama siya may kailangan pakong gawin.


"May pasok ka ngayon diba? Bat nakabihis ka na agad?" andito nako ngayon sa kusina kasama si mama.


"May dadaanan lang po ako." hindi naman na siya nagtanong kaya dumiretso nako ng lakad.


Nung araw na to dito ko siya unang nakilala. Dito ko napatunayan na totoo yung love at first sight.


Naalala ko pa kung pano parang tumigil yung oras nung magkatitigan kami, kung panong kasabay non yung biglang pagtugtog ng theme song namin.


Di ko namalayang tumutulo na pala yung mga luha ko. Hindi ko alam kung kakayanin ko to.


Matagal ang hinintay ko, matagal ang inikot ko pabalik-balik sa ferris wheel kase don kami nagkabanggaan.



At ayun na nga siya naglalakad, malapit sa lugar kung san kami nagkita. Dali dali akong lumapit papunta sakanya katulad ng dati...


At ng malapit na kami pareho sa ilalim ng ferris wheel huminto ako...

Hindi kami nagkabanggaan..

Hindi ko siya binangga...

Kaya kong gusto bumalik sa gabing nagkita kami para ayusin ang dapat...

Para hindi na kami magkita, para hindi na niya ako makilala...

Para hindi na kami magkasakitan pa, lalong lalo na ako sakanya... Ayoko ng masaktan ko siya.



Pinagmasdan ko nalang siyang dumaan sa harap ko, nag flashback lahat. Lahat ng ginawa namin ng araw na to.


Yung tawanan, yung pag nood ng sunset, yung paglalakad, yung init ng kamay niya habang hawak ko, yung yakap niya. Mamimiss ko siya pero mas tama ng ako nalang makaalala samin, tama ng ako ang masaktan.

"Mukhang tapos ka na, handa kana bang umalis?" napatingin naman ako sakanya, sa babaeng nakaputi at agad akong tumango.

"Hanggang sa muli mahal, sana sa ibang universe masaya tayong magkasama at hindi nagkakasakitan. Sana kahit don nalang. Mahal na mahal kita, sana mapatawad mo ako."







"Time of death: 3:22am"



THE END.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 17 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon