Sugar n' Spice

7 0 0
                                    

"Hi Hershey!" bati sakin ni Irene, isa sa friends ko.

"Uhm hi?" ang suspish ng pagkakabati mo sakin!" I said then rolled my eyes.

"I'm just happy for you at bumalik na ang crush mo sa school" napatingin naman ako sakanya. Sa dami ng lalaking gusto ko, sino?

"Si PJ ba? Siya lang naman yung crush ko nnag migrate ha?!" natawa naman siya bago lumapit sakin.

"Not your guy crush dumbass, si Blair. She's back!" nagtatalon pa siya na akala mo turumpo.

Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig, Blair Williams? Bakit pa siya bumalik? Pero sabagay sabi ko nga naman what I have for her before was just a phase. I know for sure wala nakong gusto sakanya ngayon lalo pa I like someone else already.

"Hershey Ramos huy pucha! Nabanggit ko lang si Blair natulala kana dyan!" agad ko naman siyang siniko.

"Shut up, Irene. Girl crush lang yon plus i'm straight asf kaya imposible na maging crush ko pa din yon." tumawa lang siya ng tumawa sakin.

"Malakas pang amoy ko sa bading, Her. Plus I know you, magkaibigan na tayo since were in our diapers kaya kilala ko kapag bet mo talaga yung tao o simpleng crush lang!" I just rolled my eyes.

"Alam mo, andami mong alam. Dyan kana, kikita ko pa si Ian sa may oval." di ko na siya pinansin at nagdire-diretso na.

Ian is courting me for a month now. I don't know, I think I like him naman. He's cute, tall and most of all smart. My typa guy! Unlike that Blair, tambay sa bilyaran. Bakit ko ba naging crush yon?

Saglit kong tinignan yung phone ko para tawagan sana si Ian kaso may sumanggi naman sakin kaya nahulog yung cellphone ko. Pag to nabasag, babasagin ko din mukha ng bumangga sakin.

"Ano ba-"

"Wow. Long time no see, Hershey." muntik ko ng mahulog uli yung cellphone ko buti nasalo niya.

Kung sinuswerte ka nga naman, seryoso ba to? Sa lahat ng makakasalubong ko tong babaitang to pa? Talaga ba universe? Tss.

"Yeah Blair" sa dami ng gusto kong sabihin yeah blair lang? Wtf? What is wrong with you, Hershey?

"Kamusta na?" tanong niya habang nakapamulsa, ang yabang pa din talaga ng babaeng to tss.

"Same old. How about you?" sasagot na sana siya ng biglang.

"Blair honeyyyy!" may babaeng tumakbo papalapit samin at paglapit nya kay Blair ay niyakap nya agad to sa leeg.

Na-caught off guard ako. Diko alam kung bakit parang may kumirot sa dibdib ko? May girlfriend na siya? Sabagay, ilang buwan na din makalipas. Imposibleng wala siyang magustuhan sa States plus sobrang ganda ng babaeng to. Sexy, matangkad, pang model ang itsura, that's her type. Sobrang layo sa petite kong figure. Whatever! Bakit ko ba kino-compare sarili ko sa mga naging babae niya tss.

"What the heck AJ, masakit ha!" sabi niya sabay kalas sa kamay nung babae sa leeg niya.

Still the same Blair the player.

"What? You told me na kapag may kumausap sayo mag pre-" di na siya pinatapos magsalita ni Blair at dali daling tinakpan ang bibig niya.

"Shut up, AJ" sinamaan niya to ng titig, diko alam pero parang naguusap sila gamit mga mata.

The PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon