2
It's been a week, walang reply at walang paramdam. Hindi na to simpleng sakit lang, alam kong may mali na. Sakin siya hinahanap ng ibang kaibigan nya even teachers pero wala akong masagot dahil kahit ako hindi ko alam kung nasan siya.
Ilang bes nako tumatawag at nagtetext pero panay cannot be reached. Hindi manlang siya nag effort magsabi kung ano bang nangyayare sakanya. Natatakot ako, pakiramdam ko magghost ako. Pakiramdam ko mawawala sakin yung taong pinakaiingatan ko.Ilang araw nako nagpipigil mag relapse at overthink. Hindi ko alam kung may nagawa bakong mali o may nasabi manlang pero wala akong maalala. Sobrang saya pa namin sa café bago tumawag mama niya sakanya. Kung alam ko lang na yun yung last naming bonding sana sinulit ko na.
Tulala ako sa may bench ng makita kong may babaeng nakahoodie na dumaan, hindi ko kita yung mukha pero I know that scent. It's her. Tumayo ako para habulin siya.
"Maddie.. Maddie! Alam kong ikaw yan, kilala ko pabango mo!" Sabi ko sabay hawak sakanya, medyo nalilis yung hoodie kaya may nakita akong pasa sa wrists nya or guni-guni ko lang?
"I-Ikaw pala Allaine" halos hindi ko siya makilala, isang linggo lang kaming hindi nagkita pero pumayat siya ng sobra.
Sobrang pale niya tignan at wala siyang ayos, kitang kita ko yung eyebags niya. Bigla akong naawa sakanya, hindi ko alam kung anong pinagdadaanan niya pero alam kong mabigat yon.Been there, done that. Akong ako last few months ago.
"What happened? Okay kalang ba Maddie?" Nakita kong ngumiti siya. Peke. Ni hindi manlang umabot sa mga mata niya.
"O-Oo, okay lang ako. Sige una na ako ha? Malelate nako sa klase, pasok kana din." Hindi na ako nakasagot pa dahil dali dali nanaman siyang tumakbo papuntang classroom niya.
Nanibago ako sakanya. Parang hindi na siya yung Maddie'ng nakilala ko.
Buti maaga natapos ang last subject namin kaya namam tumambay muna ako sa labas ng classroom nila, hihintayin ko siya at aalamin ko kung anong nangyayare.
Hindi ako mapapalagay hanggat hindi ko naririnig sakanya kung ano bang problema, hindi ko alam kung may nagawa ba ako sakanya or what pero willing ako mag sorry, willing ako lumuhod maging okay lang kami uli.
Nakita kong naglabasan na ang mga kaklase nya pero siya hindi pa din nalabas. Pumasok ako sa loob ng classroom nila at don ko nakita, nakatungo siya. Mukhang natutulog.
"Ms. Dela Cruz can I talk to you for a minute?" Don ko napansin na andon pa pala si Mrs. Alvarez, adviser nila Maddie.
"Yes po Ma'am?" Hinila niya ako palabas ng classroom at nagsenyas siya na wag maingay.
"I don't want to wake Maddie up, mukhang puyat na puyat siya. Ano bang nangyare sakanya?" Sinilip ko si Maddie sa loob ng classroom, tulog na tulog.
"Hindi ko po alam sa totoo lang, isang linggo na niya po akong hindi kinakausap kaya hinihintay ko siya ngayon para magtanong din." Mukhang disappointed si Mrs. Alvarez sa sagot ko, kahit ako disappointed. How I wish I knew what she's been up to.
"May bali-balita na hiwalay na kayo kaya ganyan si Maddie. Mukhang hindi naman totoo, bumalik nanamam siya sa dati niyang gawi." Medyo nagtaka ako, dati niyang gawi?
"Ano pong ibig niyong sabihin?" Napabuntong hininga siya.
"Ganyan din siya dati, papasok na nakahoodie pero kitang kita mo pa din yung mga pasa sa katawan niya. Kaya natuwa ako nung nakita kong lagi kayong magkasama dahil napapansin kong hindi na siya nag hhoodie at mukhang ayos na siya. Hindi ko akalaing magiging gento siya uli." Hindi na ako nakasagot, hindi ko alam na nagkaganito na siya dati.