Ikaw Pa Rin

11 1 0
                                    

"Roxy, si Tasha napaaway nanaman" dali akong napabangon, nagpapahinga pa naman ako ngayon sa bakanteng classroom dahil walang teacher, istorbo talaga.

"Anong nangyare sakanya? Sino nanaman kaaway?" tanong ko habang natakbo papuntang classroom namin.

"Sino pa ba, edi si Lucy nanaman. Ewan ko ba sa dalawang yon bat patay na patay kay Karl lalo na yang si Tasha, luge ka talaga dyan sa crush mo" inirapan ko naman siya, oo na luge na kung luge. Magagawa ko diba? Siya nagustuhan ko.

"Manahimik kana Zy, puntahan nalang natin si Tasha." wala na siyang nagawa kaya tumakbo nalang din siya, mamaya masaktan pa ng sobra si Tasha.

Malayo palang kami sa classroom ay rinig na rinig na namin agad ang ingay ng mga estudyante. Mas lalo akong kinabahan dahil mukhang nananalo si Lucy, sabagay sanay sa gulo yon.

"LUCY! LUCY! LUCY- gago si Roxy, alis na tayo!" hiyawan ng lahat sa loob ng classroom, pero nung nakita na nila ako ay agad na silang nagpulasan.

Kumonti na ang mga nakikinood sa room kaya naman mas nakita ko na ang dalawang babaeng nagsasabunutan, mukhang inaawat na sila pero wala pa ring nagpapatinag.

"TASHA! LUCY! ITIGIL NIYO NA YAN!" rinig na rinig sa buong room ang sigaw ko kaya lahat ay napatahimik. Ultimo si Lucy at Tasha ay nanlaki ang mga mata.

"May araw ka rin sakin!" saad ni Lucy bago tuluyang umalis kasama ang mga alagad niya.

Nakita kong panay kalmot sa braso at mukha si Tasha kaya naman pinuntahan ko agad siya.

"Ano nanaman to Tasha? Everyday nalang?" sabi ko sabay lapit sakanya, chineck kung kalmot lang ba ang meron siya.

"Diba sabi ko sayo wag ka makielam? Gagantihan ko pa yung hayup na linta na yon." Kita ko yung galit sa mukha niya, medyo nagdudugo yung ibang kalmot niya kaya kinuha ko yung panyo ko sa bulsa at pinunasan yon.

"Tasha maawa ka naman sa sarili mo, kahit basagin mo pa bungo ni Lucy iniwan kana ni Karl." nakita ko ang pagtalim ng tingin niya sakin, kahit kailan talaga lala ng anger issues ng babaeng to.

"Wala pang isang buwan kaming hiwalay bago sila na agad? Kung hindi ba naman siya malandi!" sinenyasan ko si Zy na abutan ako ng alcohol, diko na pinansin pag rrant ni Tasha at paulit-ulit nalang naman..

Bakit kase hindi nalang ako diba?

"Ang kakapal lang ng mukha nila- ARAY NAMAN ROXY! Dahan dahan naman, may galit kaba?" di ko siya pinansin at diretso lang sa pag gamot sa mga sugat niya.

Wala pang ilang saglit ay pinatawag na sila ng teacher namin sa faculty, malamang nagsumbong na yung ibang estudyante.

"Samahan na kita Tasha" nakita ko nanaman ang pag irap niya sakin.

"Stay, ako ang kailangan doon." wala nakong nagawa kaya naghintay nalang sa room.

"Alam mo pareho lang kayo ni Tasha, gusto niya si Karl habang gusto mo naman siya. Same vibes kayo, kaso mas malala ka. Tinalo mo pa martyr sa pagsalo lahat para sakanya. Plus mukhang straight siya, wala ka talagang pag asa Roxy." at andito nanaman si Zy na alam ang lahat.

"Brad walang nagtatanong ng opinyon mo" sabi ko na ikinatawa niya.

"Need mo lang ng realtalk, masyado ka ng tanga eh. Mantakin mo pag umamin ka sakanya ha at nireject ka niya mawawala sayo lahat. Yang ilang taon niyong friendship ang nakasalalay kaya pag isipan mo maigi" don ko naisip lahat.

The PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon