Deja Vu

8 1 0
                                    

"Is she? Impossible! She's dead." naririnig ko yung mga bulung-bulungan as I walked by them.

Hindi ko alam kung ako ba pinagchichismisan nila pero nakakapagtaka na mga tinginan nila sakin, akala mo nakakita sila ng multo.

"Abby?!" sigaw ng isang babaeng ngayon ko lang nakita sa tanan ng buhay ko, Abby?

"A-Ako ba?" tinuro ko pa yung sarili ko kase baka mamaya di pala ako diba? Ang feeling ko naman masyado.

"Oo.. Oh my god.. Nagmumulto ka?" napa-wtf nalang ako, mukha ba akong multo? Masyado bang makapal foundation ko?

"I-Im sorry po, iba po ata tinutukoy niyo. I'm Amy not Abby!" kitang-kita ko yung pagkagulat sa mukha niya, ano bang meron sa mga taong to? Kakapasok ko palang ang weweird na nila?!

"No way! Ella will lose her mind if she sees you" Ella??? Sino nanaman yon? Another weirdo?

"Okay Miss uhmm.."

"Janica, i'm Janica Valderama." nakangiti niyang saad.

"Janica uhm una nako ha? Kung sino man yang Abby sana makita niyo na siya cause I'm not her" nakita kong lumungkot yung mga mata niya, I feel bad pero umalis na din ako. Masyado nakong nawweirduhan sakanila.

Hindi ko na pinansin pa yung ibang nagbubulungan na estudyante dahil male-late nako. Papasok na sana ako sa room ng biglang may bumangga sakin, napaupo ako dahil sa lakas niya. What the heck? Ano bang meron sa first day of school ko ang malas ko naman.

"I'm sorry- Abby?" napatingin naman ako sa nakabangga sakin, she's pretty ha pero taena bat anlakas niya at napaupo ako amp! Tiyaka Abby nanaman?

"For the nth time ako nga si Amy okay? Sino ba yang Abby na yan?" yung gulat sa mata niya kanina ay biglang nawala. Para siyang nawalan ng emosyon.

"Im sorry, Amy." she said habang alok niya yung kamay niya sakin, tinanggap ko naman kesa habang buhay nako nakasalampak dito.

"Hayaan mo na, sorry din. Nagmamadali kase ako, sige na bye!" di ko na siya hinintay pang magsalita at pumasok nako sa room, buti hindi pa ako late at nag good morning pala yung prof namin hays.

"Miss Amy Salvador?" tanong niya kaya tumango naman ako.

"Halika at magpakilala ka sa classmates mo" gosh! I thought tapos nako sa gento pero arghh.. Whatever! Magpapakilala na para matapos na to.

"Hala akala ko si Abby"

"Nakita na kaya siya ni Ella?"

"Quiet class!" ayan nanaman po ang mga bubuyog, good thing napatahimik sila ni Maam.

"Hi po! I'm Amy Salvador, 18. Recently moved here from Australia. I hope makasundo ko kayong lahat!" mas lalo lang lumakas ang mga bulungan, kung sino man yang Abby na yan I think she's famous or something.

Hindi pa ako napapaupo ni Maam pero may pumasok na uli, siya yon. Yung maganda estudyante. Sobrang titig niya sakin pakiramdam ko nakikita na niya kaluluwa ko kaya I looked away. Grabe ha, ang intense.

"Pwede ka ng umupo Miss Salvador, don ka nalang sa tabi ni Ella tutal don naman may bakante." natahimik ang lahat, napatingin din ako kay Ella. Sobrang higpit ng hawak niya sa upuan feeling ko masisira niya yung armchair.

The PlaylistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon