"Happy 1st Anniversary, Babe"
"Happy 1st Anniversary, Love. Can't wait sa picnic date natin. I'll wait you there, ingat ka sa pag drive ha!" I said as I bid my goodbye to my girlfriend.
Inayos ko na lahat ng gagamitin namin para wala na siyang asikasuhin pa.
Papasok na sana akong CR ng biglang matamaan ko yung picture naming dalawa sa table at bumagsak. Nakita kong nabasag yon and naisip kong may pamahiin about that, bigla tuloy akong kinabahan kaya tinawagan ko uli siya just to make sure.
"Yes my Aisha?" don lang ako nakahinga ng maluwag, kinabahan ako ng malala don ha.
"Sorry love, kinabahan lang hehe. Ingat ka po ha?"
"Yes p—" tinignan ko naman yung phone ko and saktong lowbatt na pala.
Nagtext nalang ako sakanya at chinarge yung phone ko. Bumalik nako sa pag aayos at pagluluto ng mga dadalhin.
Natapos nako kaya naman nilagay ko na lahat sa likod ng sasakyan ko. Kinuha ko na yung phone ko without checking dahil ayokong malate ako sa usapan namin. Mainipin pa naman yun!
Nagpatugtog lang ako sa kotse. Chineck ko lahat even my bag na sa kamalas-malasan bumagsak pa, pinilit kong abutin at ng maabot ko na biglang namatay yung radio ng kotse ko. Bumalik na mata ko sa pagddrive pero sinisilip ko pa din kung lahat ba nadala ko lalo na yung singsing, balak ko kaseng mag propose sakanya.
Alam kong hindi pa pwede ngayon sa Pilipinas but I want her to know na gusto kong siya na ang makasama ko habang buhay. Soon pag pwede na, papakasalan ko siya kahit san pang simbahan o lugar na gusto niya.
Pagkadating ko sa Park andon na si Alma, sobrang aga naman ng mahal ko! Excited yarn?
Tumakbo ako papalapit sakanya, hindi ko alam pero parang may kakaiba. I shrugged it off and decided to hug her.
"Sobrang bilis mo naman nakarating, pinalipad mo na ba yung kotse para lang makita ako? Ganyan ka kapatay na patay sakin ha!" hindi siya nakasagot agad at tinitigan ako ng malala. May problema ba?
"B-Babe?" hindi ko alam pero pakiramdam ko gusto niyang umiyak, mukhang may problema ha.
"Ako nga. May problema ba?" umiling lang siya at niyakap ako uli.
"W-Wala. Tara tulungan kitang ibaba mga dala mo!" hindi ko na pinansin pa at nagdiretso na kami sa sasakyan para ibaba lahat ng dala ko.
Nilatag na namin yung dala kong kumot at nilagay don yung mga chips at iba pang niluto ko kanina. Pagkababa namin lahat ay saktong bumababa na ang araw, kitang kita ang kahel na langit. Sobrang ganda ng pwesto namin ngayon.
"Sobrang ganda ng sunset no?" saad ko sabay tingin sakanya. Nakatingin na din pala siya at andon nanaman yung lungkot sa mukha niya.
"Oo. Sobrang ganda, hindi ko akalaing makikita ko siya ulit" she's acting really weird. Medyo nabbother nako.
"May problema ba? Kanina kapa parang hindi okay? You can tell me naman, makikinig ako!" nakita ko yung luhang bumagsak galing sa mga mata niya, she wiped it off immediately.
"Mamaya ko sasabihin sayo, I don't want to ruin our date. Wag mo nalang ako pansinin and let's enjoy this hm?" as much as I want to know pero I respect her, mamaya nalang ako magtatanong kapag okay na sakaniya.
Nagusap kami ng mga random na bagay, nag reminisce kung pano kami unang nagkita, kung panong unang kita ko palang sakaniya alam kong siya na ang babaeng papakasalan ko.
And speaking of papakasalan, tumayo nako para kunin sa kotse yung cake na binake ko for her. Andyan nakasulat yung surprise ko sakanya.
"Buksan mo!" excited kong saad sakanya, dali dali naman niyang binuksan pero agad nawala ang mga ngiti sa mukha niya.
Don kinabahan ako. Bakit ganyan yung reaction niya? Ayaw niya ba? Irereject niya ba ako? Masyado ba akong mabilis?
"N-Nasira yung cake mo" agad akong sumilip at oo nga, masyado ba akong maalog mag drive? Bakit naman ganon kasira yung cake.
"Sorry, ang hassle naman amp. Pero kase ang nakasulat dyan..." lumuhod nako sa harap niya at kita ko ang gulat sa mga mata niya.
"Will you marry me?" don nagsimulang bumuhos lalo ang mga luha niya. Parang kanina niya pa pinipigilan at ngayon tuloy tuloy na.
Hindi ko alam kung tears of joy ba yan o malungkot talaga siya, alam kong kanina pa may bumabagabag sakanya kaya kinakabahan ako sa isasagot niya.
"Oo Aisha, papakasalan kita!" nabura lahat ng takot na nararamdaman ko at napalitan ng tuwa.
Hindi ko alam bakit pero sobrang saya ko na para akong nakalutang, sobrang gaan ng pakiramdam ko.
"Sobrang saya ko love. Salamat, salamat at pumayag ka. Gusto ko nalang mag stay ngayong gabi at mag star gazing, okay lang ba? Gusto lang kitang makasama ng matagal pa." saad ko. Tumango naman siya habang nakatingin sa singsing sa kamay niya.
Wala kaming ginawa kundi magkwentuhan lang, mag asaran. I don't know why pero pakiramdam ko ang tagal namin tong ginawa kahit last week lang naman talaga kami magkasama. Inumaga na tuloy kami ng di namin namalayan, from sunset to sunrise. Sobrang saya naman na siya agad makikita ko.
"Ano pala yung sasabihin mo love? Mag uumaga na din, mamaya uuwi na tayo." unti-unting nawala nanaman ang ngiti niya at sabay tingin sa kawalan.
"Akala ko nalimutan mo na, gusto ko sanang umalis na hindi na binabanggit pa yon sayo." nakita niya sigurong takang taka ako kaya hinawakan niya ang kamay ko.
"You died, Aisha." natawa naman ako sa sinabi niya.
"That day, nung anniversary natin—" I cut her off.
"Ano bang sinasabi mo babe? Anniversary natin ngayon at buhay na buhay hawakan mo pa ang puso.. ko." panong patay ako eh eto natibok ang puso ko.. What? B-Bakit wala?
Bakit walang natibok?
Unti-unting bumalik sakin lahat.. Nung araw na yon..
Habang inaabot ko yung bag sa may ilalim ng upuan hindi ko namalayan na may pasalubong ng bus saakin. Huli na, huli na ng maiwasan ko, tumama na ako sa pader.
Blur na ang lahat, namamanhid na ang katawan ko. Naglalabasan na ang mga dugo sa bibig ko. Gusto kong gumalaw pero sobrang nanghihina ako.
Naririnig ko yung mga tao sa paligid, ang pagtawag nila ng tulong para tulungan ako. Gusto kong sumigaw but I felt so hopeless. Gusto kong makaalis dito para makasama si Alma, gusto ko pang tanungin kung gusto niya ba akong pakasalan.
"P-Panginoon, kung totoo ka man. Sana pakinggan moko, gusto ko pang makasama si Alma. Gusto ko pang makita ang future kasama siya. Please let me see her again."
"Isang taon na mahal, hindi ko alam kung nananaginip ba ako ngayon o ano pero masaya akong makita ka uli, makasama ka kahit alam kong hindi ka magtatagal. Salamat at binalikan moko, gusto kong malaman mo na okay nako.. Tanggap ko na, yun nalang ba hinihintay mo? Okay nako mahal, makakatawid kana. Masaya nakong makita ka uli kahit gento lang." umiiyak nanaman siya kaya pinunasan ko ang mga luha niya.
Siguro nga yon lang ang hinihintay ko dahil ngayon nakikita ko na ang liwanag, napatingin ako don at alam kong tinatawag nako neto. Alam kong hanggang dito nalang ako.
THE END