Kabanata I: Past is Past

19 0 0
                                    

Ang lahat pa po ng nasa unang kabanata ay ang mga pangyayari sa buhay ni Emperatris noong bata pa siya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Ang lahat pa po ng nasa unang kabanata ay ang mga pangyayari sa buhay ni Emperatris noong bata pa siya.

Kumbaga ito po ang iilan sa kaniyang nakaraan.

Ang simula po ng kwento ay POV simula noong bata pa siya hanggang sa kasalukuyan.

Ang unang pahina po ay puro nakaraan pa lang ng buhay niya kaya ang simula ay hindi pa gaano kadetalyado dahil POV pa ito ng isang bata.

🥰🥰

No one says life is just of sparkles and glitters.. most of times, it's full of thunderstorms, daggers and flaming arrows and Emperatris' life is a good example of it.

Is-is/Emperatris pov.

Andito po ako ngayon, sa bahay po pinapatahan ni lola kasi hindi ako pinasama ni Mama sa Puente Dorado po. Malapit lang po 'yun dito, sabi ni lola dalawang barangay lang daw mula dito 'yun po. Palagi akong pumupunta doon po kasi doon nagtuturo si Mama po, guro po kasi siya ng Preschool doon.

May mga pinsan din pala ako doon po at andoon din po ang isa sa mga paborito kung pinsan na si Ate Bhrean. Mas matanda daw siya sa akin kaya tawagin ko daw siyang ate sabi ni Mama.

Pa'no nangyari 'yun po? Eh, pareho lang naman kaming Grade 1 po?

--
Nandito nga pala ako ngayon po kina Bezi at Pinni, kalaro ko po sila, mga anak po sila ni Aling Diyang. Naglalaro kami ni Pinni ng Bagol, natutulog pa kasi si Bezi po eh, nakakainis kahit anong gising ko sa kaniya ayaw niyang gumising.

--

Nandito kami sa bahay kasama ng mga pinsan ko, kaarawan ko kasi. May regalo pa sa akin 'yung kasamang titser ni Mama na si Ma'am Belen, niregalohan niya ako ng prawn crackers? Hindi ko alam kung anong basa nun pero masarap, binigyan ko rin 'yung mga pinsan ko. Tinukso din ako ni Ate Bhrea na may gusto daw ako dun kay Qlave eh, hindi ko naman 'yun kilala eh.

--
Nalaman ko ngayon na Bhrean Lace pala ang tunay na pangalan ni Ate Bhrea.

May kunting pagseselos sa akin kasi ang ganda ng pangalan niya samantalang 'yung pangalan ko palaging tinutukso ng nga kaklase ko.

--
Pumunta kasi ako ngayon sa silid-aralan nila Ate Bhrea at may nakilala pa ako dun na parehas ko ng birtdey, kahit year pareho. Ang pangalan niya ay Jasfer.

--

Mataba ba talaga ako? Tanong ko sa sarili ko.

Palagi kasi akong tinutukso ng mga kaklase ko e.

--

Nandito ako ngayon sa english reading comprehension contest sa City of Dorada Central School, nalate pa kami ni Mama huhu.

Sabi ni Mama kamukha ko daw 'yung lalaki na matangkad na gwapo, ang layo..chinito kaya 'yun tapos ako malaki ang mata ko.

Grade 6 na pala ako ngayon.

A Shattered SoulWhere stories live. Discover now