Kabanata IV: A Confession, A Rejection? or An Introduction?

12 0 0
                                    

Ilang araw nang walang paramdam sa akin si Seok

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ilang araw nang walang paramdam sa akin si Seok. Pagkalabas ko noong araw na 'yun ay nagpaalam na daw si Seok kay Ciella.

"Arggh! Ti odio fino alle ossa,..yeobo", Sigaw ko sa kwarto ko habang nanonood ng balita na 'The asia's prince of K-pop Yun Chul Ha is rumoured to be dating actress Jeong Iseul'.

Huh! Matapos niya akong inisin at hindi man lang sinuyo tapos hindi pa sapat yun! Iniwan niya pa ako ng walang paalam at ngayon may girlfriend na siya? Pero ano bang pake ko? Hindi naman niya ako girlfriend diba? It's not like tinwo-time niya ako.

"Ano ba, Little Cousin! Galit kaba talaga o ano?! Anong yeobo? Diba darling 'yun sa korean?-" iniwanan ko lang si Garciella na nagsasalita dun sa kwarto, bahala siya basta galit ako, hindi ko alam kung bakit..hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.









"Hoy girl! Bakit parang wala ka sa konsentrasyon? May problema ka ba?" Ani Pya.

"Oo nga Is! Kanina ka pa wala sa sarili.." Pagsang-ayon ni Olla.

Tumango din si Jas na may pag-alala sa mga mata.

"May nangyari ba? Kanina ka pa tulala, hindi mo kami kinakausap," dagdag ni Jas.

"Wala 'to..ano ba ka'yo? May nakita lang akong Korean Series na nakakairita, 'yung kakapalan ng mukha kasi ng lalaki. Grabe! Sobra! Hinalikan 'yung babae ng ilang beses tapos bigla nalang siyang hindi nagparamdam," nanggigigil kong ani.

"Eh, Is ba't parang hook na hook at attach na attach ka naman ata diyan sa napanood mo," sabay tawa ni Olla.

"Oo nga girl! Parang ikaw 'yung babae ah!" Sabi ni Pilipya at umiling-iling pa.

"OMG!" Biglang bulalas ni Jas.

"Or.." Jas.

"Or what?" Olla, Pya and I asked in unison.

"Or..maybe sarili talaga ni Is ang tinutukoy niya, diba?" Jas.

"Oo nga!" "Really Is?" Sabay na bulalas nina Olla at Pya.

"Ah..eh, well..maybe?" Lahat sila ay nagulat maliban kay Jas na parang nagtatampo.

"Really Is?" Ani Olla.

"Well.." Nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko ba ang sasabihin ko pero ikinuwento ko pa rin sa kanila simula sa una naming pagkikita ni Seok.

A Shattered SoulWhere stories live. Discover now