Chapter 3

291 10 1
                                    

Trigger Warning >> Redflags everywhere!. Vulgar languages and beware of typographical and grammatical errors. This is unedited, bear it.

DELILAH

Napalingon ako sa pintuan ng marinig kong may kumatok at nagsalita. "Hija..." Tawag ng isang boses na medyo may katandaan na kung pakikinggan.

Mabilis akong napatayo mula sa pagkakaupo sa kama at kaagad na nag-abang sa hamba ng pintuan para abangan ang pagbukas nito. Pakakawalan na ba nila ako?.

I heard the sound of the doorknob being unlocked, it spat out an old lady in a maid uniform. Napalabi ako ng matamis ako nitong ngitian at muling isinarado ang kabubukas lamang na pintuan.

"Eto, may dala ako sayong damit. Damit ito ng mga kagaya naming katulong, suotin mo yan hija. Utos ng alaga kong yan ang ipasuot sayo habang nagtatrabaho ka sa hacienda." Paliwanag niya.

Napangunot ako ng magkabilang kilay na tumingin sa tinutukoy niyang damit. It's a maid suit, i bit my lips when i finally realized what's her point. Buong buhay ko, never akong pinagtrabaho ni papa tapos dito lang pala yun mangyayari?. Pagsisilbihan ko si Lazarus.

Kinuha ko yun mula sakaniyang pagkakahawak at binigyan siya ng pilit na ngiti. Mukha naman siyang mabait pero talagang nalulungkot lang ako dahil siguro, ito na ang simula ng paghihirap ko. Sigurado akong pahihirapan ako ng isang Lazarus Salvatore.

"Sige na hija, ng masimulan mo na ang iyong trabaho. Huwag kang mag-alala, ililibot muna kita sa buong hacienda bago ka magsimula." Aniya.

I smiled. "S-Sige po..." Tatalikod na sana ako ng bigla kong maramdaman na hinawakan niya ko sa kanan kong braso. "Hindi ba't ikaw ang anak ng gobernador na si Alberto Sanchez?." Tanong ng matanda.

Napatulala pa ako sa itinanong niya pero kaagad rin naman akong sumagot. Namiss ko tuloy si papa.

"A-Ako nga po nay..."

Nagulat nalang ako ng hawakan niya ang magkabila kong kamay at muling ngumiti saakin. Komportable ako sa presensya ni nanay, mukha namang mabait siya. Naalala ko tuloy sakaniya ang pumanaw kong lola. I missed my lola.

"Wala akong ideya kung bakit ka dinala dito ng alaga kong si Lazarus pero alam kong mabait na bata yun. Nawa'y huwag mo siyang kamuhian hija, sigurado akong merong dahilan ang lahat ng ito..." Nakatulala lang ako kay nanay habang sinasabi niya ang mga yun.

Pero hindi sapat ang dahilan niya para gawin niya saamin ito ni papa. Alam kong may mabuting puso ang papa ko kaya sigurado akong hindi niya magagawa ang mga bagay na ibinibintang niya kay papa.

Papa is the most trusted man i had in my entire life.

"Ay siya, ako nga pala si nanay Feng. Isa akong mayordoma sa haciendang ito, maaari mo nalang akong tawaging nanay Fe." Saad niya pa at hinaplos ang aking buhok.

She is so kind, mukhang may kakampi pa naman siguro ako dito sa hacienda kahit papaano. "Napakaganda mong bata, hija. Bagay na bagay kayo ng alaga ko." Kaagad akong namula sa sinabi ni nanay.

Pinilit kong ngumiti kahit na nahihiya at namumulang yumuko. He doesn't like me, that monster really despised me. 'Hindi kami bagay nay. Kinasusuklaman po ako ng alaga niyo.' Gusto ko sanang sabihin ang salitang yan ngunit mas pinili kong manahimik.

"Siya sige, suotin mo nayan at hihintayin kita sa labas." Saad niya bago lumakad palabas.

I heaved a sigh. Tinitigan ko ang unipormeng hawak ko ngayon, sigurado akong sasaktan ako ni Lazarus kung hindi ko ito suotin at ayokong saktan pa niya ko. Talagang natatakot ako sakaniya, never kasing nagalit saakin si papa at pinagbuhatan ako ng kamay.

Happily Never After (Salvatore Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon