Chapter 5

162 10 0
                                    

Trigger Warning >> Redflags everywhere!. Vulgar languages and beware of typographical and grammatical errors. This is unedited, bear it.

Rated SPG ahead 18+ (don't expect too much big ;))

DELILAH

Nananakit na ang aking mga braso pero hindi ko parin tapos ang pinapagawang paghuhugas na 'to. Dalawang malaking kawali pa ang natitira at kasalukuyan ko ng hinuhugasan ang isa.

"Ako na kaya ang tatapos niyan ma'am Delilah, malalaki na po iyang mga yan." Agaw pansin saakin ni Sophia. Napalingon ako sakaniya at kita ko sa itsura niya ang pag-aalala.

I shook my head. "Nope, patapos narin naman. Ako na dito Pia, salamat." I answered. Wala siyang nagawa kundi ang umalis at asikasuhin ang kaniyang ginagawa.

Natapos akong maghugas at ako nalang ang natira sa loob ng kusina, sa tingin ko ay lumabas sila dahil may kaniya-kaniya rin silang ginagawa sa labas.

Sumilip ako sa katabing bintana, ang iba ay naglilinis ng pool, nagwawalis, at may ilan ring nagtitrim ng mga halaman. Napabuntong hininga ako at sumulyap saaking nananakit na braso. Di naman ganun kasakit pero feeling ko ay ngalay lang ito, medyo nararamdaman ko yung sakit e.

Nagpunas ako ng aking basang kamay at naupo, what should i do next?. Abala ako sa aking iniisip hanggang sa makarinig ako ng kaunting ingay na nanggagaling yata sa sala. Yun na yata ang sinasabing bisita ni Lazarus.

Naalala ko ang sinabi niya saakin, hindi nila ako dapat makita. Walang dapat makakita saakin dito sa loob ng kaniyang pamamahay kaya kailangan kong mag-ingat kung sakali mang may biglang pumasok sa loob ng kusina.

Ipinatong ko ang aking isang braso sa lamesa habang nakangusong nakapalumbaba. Kada minuto ay hindi mawala saakin ang sunod-sunod na pagbuntong hininga, iniisip kung habang buhay na ba akong magiging ganito, maging isang preso.

Habang nakatulala ay nakuha ng isang paru-parong pumasok sa bintana ang atensyon ko. Kaagad akong namangha dahil bukod sa may kalakihan ito ay napakaganda at makulay.

I smiled as i slowly got closer to where it was. I couldn't help but giggle because i really like colorful and beautiful butterflies. While gradually getting closer, i was immediately disappointed when it suddenly flew away and ended up outside. I frowned because i really wanted to see it and try to touch it.

Dahil sa sobrang kagustuhan kong masilayan ang paru-parong nakita ko kanina ay dahan-dahan ko itong sinundan. Nawala saaking isip ang mariing iniuutos saakin ni Lazarus sapagka't tuluyan nakong nakaapak sa labas ng hacienda.

I followed the flying butterfly in the huge garden and ended up standing there, it was full of beautiful and colorful flowers that really amazed me. Malawak ito at may iilang puno sa mga gilid pero mas lamang ang mga magagandang bulaklak na makukulay.

Sa gilid ay mapapansin ang isang bench at katabi nitong duyan na nakatali pa sa mga sanga ng dalawang malaking puno, napatulala ako dahil sa sobrang pagkamangha. I feel like i'm in a dream, the air is so clear and it feels good to look at because of the peaceful atmosphere.

Sumagi sa isip ko, bakit parang hindi ako nailibot dito ni nanay Fe?. Ngayon ko lang ito nakita at nasilayan, sobrang nakakamangha sapagka't hindi ko naranasang magkaroon ng hardin dahil sa palipat-lipat kami ng bahay.

Dumapo at tumigil ang paru-parong sinundan ko sa isang bulaklak na kulay dilaw, saktong-sakto sa kulay niya. Napangiti ako at marahang nilapitan ito, medyo nagulat pa ko dahil hindi manlang ito umalis o nabulabog ng presensya ko.

Naupo ako sa harapan at pinagmasdan ito na parang bata. Manghang-mangha na talaga ako sa mga makukulay na paru-paro simula palang nung bata ako, bukod sa napakaganda nilang pagmasdan ay napakasarap nilang tingnan kapag lumilipad.

Happily Never After (Salvatore Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon