Kabanata 23

36 7 0
                                    

Babagsak ang Damdamin

•••

Syempre, hindi naman nagtagal ang inis ko sakaniya no'n. Kaunting lambing lang niya ay bumibigay na agad ako. Bumawi naman siya no'n kinagabihan, hinarana niya muli ako sa may tambak. At parang automatic na after no'n ay magkakatitigan hanggang may kung anong tensyon kaming mararamdaman sa isa't isa dahilan ng pagdampi ng aming mga labi sa isa't isa. Kaya lang ang pangalawang beses na ito ay kakaiba sa pakiramdam. Mas matagal kaysa una. Mas malambing, mas sabik, mas alam na ang gagawin...ang galaw ng mga labi. Ang haplos sa braso. Sa pangalawang beses na iyon pareho na kaming hindi na nangangapa sa nangyayari. Hindi na kami gano'n ka inosente.

Kaso pagdating ng bagong taon ang siya naman minalas ng pamilya ko. Si papa naaksidente at napilayan ang paa dahilan upang tumigil sa pagtatrabaho. Si mama naman ang kumayod sa pamilya, labandera paminsan minsan sa umaga, tindera sa hapon ng ihaw ihaw. Gusto ko man tumulong ngunit sabi nila ay mag-aral na lamang akong maigi at hayaan silang buhayin kami dahil responsibilidad nila iyon. Naging kapos ang pamilya namin sa pera, bumalik ang paminsan minsan naming pagkain ng chichirya bilang ulam. Minsan wala akong baon pero ayos lang dahil nililibre ako ni sebastian tuwing recess...ayon ang pinasasalamat ko sa lahat kahit hindi ko man sakaniya masabi ang totoo. Pero nahihirapan ako sa mga kapatid ko...kung may nababaon ba sila at nakakain tuwing recess...sabi naman nila mayroon daw pero alam kong nangungutang si mama kala aling yoli pambaon nila. Wala akong magawa kundi magpursigi sa pag-aaral dahil ayon lang ang alam kong magiging solusyon sa problema namin sa aming kahirapan.

"Sama ka mamaya bebe loves? Magpapractice kami sa studio ulit." sabi ni sebastian, nakikitabi na naman sa extrang upuan sa tabi ko habang 'di nagsusulat ng notes.

"Ano ka ba sebastian, magsulat ka na r'yan. Huwag ka na magdaldal. Dagdag din sa grades ang notes sa notebook at least doon man lang bumawi ka. Malapit na ang exam, malapit na rin ang kuhaan ng cards. Malapit na rin ang mga campus visit at entrance exam para sa college...maging handa ka naman sa future mo."

"Handa tssss...ano menudo parang gano'n? Maging menudo ako?" pamimilosopo niya.

Napasulyap tuloy ako sakaniya at tinignan ang kaniyang ginagawa. Nagddrawing siya sa likod ng kaniyang notebook ng isang anime character...iyong paborito niya no'ng bata siya...iyong basketball player na pula ang buhok.

"Tignan mo 'yan...imbis na sayangin mo 'yong oras mo sa pagsusulat ng notes sinasayang mo sa pagdrawing niyan. Wala ka bang ambisyon na mataas na tipong malulula ka?"

Tinignan niya ako ng nakangiwi.

"Para kang si nanay...parati akong sinasabihan..." aniya ng mahina pero rinig ko.

"Kasi naman ang tigas ng ulo mo. Hindi ka nakikinig. Kanina nakita ko kayo ni ricky, long quiz sa economics, iyong papel mong lengthwise kitang kita ko pinapakopya mo sakanila."

"Luh?" pagtatanggi pa niya.

"Kitang kita ko, 'yong papel mo pinapakita mo sa likuran mo ta's 'yong mga nasa likuran mo nagpepyesta sa sagot mo...pero alam mo nakakatawa sa'yo?"

"Ano?"

"Nagpapakopya ka pero mali mali sagot mo. Ako nagcheck ng papel mo, five over twenty? Ilan kayong gano'n ang score niyan? Tsk."

"At least nagsheshare ng blessings tsk!"

"Sana naman bago ka magshare ng sagot mo 'yong tama naman hindi 'yong sa sarili mo tama 'yon ta's si ma'am lang ang mali."

"Blah blah blah oo na po." halata sa tono niya ang pagkainis.

"Malapit na exam kaya makinig ka ng mabuti sa klase at mag-aral ka ng mabuti para naman may magandang future ka."

Sandali Lang Naman (Life Series #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon