Kabanata 22

29 8 0
                                    

Ako, ikaw, sa pasko't bagong taon

•••

No'ng gabing iyon, nagtagal pa kami ng kaunti sa tambak. Nag star gazing. Kung ano-anong bituin ang tinuro niya na kumokonekta sa iba at naghuhugis ng kung ano-anong constellations na alam kong gawa gawa niya lang.

Pagkauwi ko no'n sa bahay, itinabi ko kaagad ang tatlong bulaklak na binigay niya. Inipit ko iyon sa katekesis notebook ko kasama iyong label ng coke na may pangalan niya. Habang sinasara ang notebook na iyon, napahawak ako sa aking labi. Iyong ngiti at kilig ko ay tila hindi maka-move on. At no'ng gabing iyon, pareho kami ni sebastian na hindi makatulog...hanggang madaling araw kaming magkatext dahil hindi pwedeng call baka magising iyong dalawa kong kapatid. Kinuwento niya ang ganap sa practice nila sa pagbabanda, wala naman akong masyadong kinuwento sakaniya dahil alam niya naman ang mga ganap sa buhay ko. Magkatextmate kami hanggang sa makatulog ako.

Ramdam na sa kalsada ang ihip ng lamig na dala ng desyembre at ang makulay nitong tradisyon sa mga tao. Nauuso ang ubo at pagsuot ng jacket. Ang relasyon namin ni sebastian ay nagbago ng kaunti. Pakiramdam ko naging mas affectionate kami sa isa't isa. Panay ang tabi niya sa akin sa room, panay naman ang sulyap ko sakaniya kapag nandoon siya sa pwesto niya. Kapag magkasabay kami pumasok o umuwi palagi kaming magkaholding hands kahit kasama namin iyong mga kaibigan namin. Iyong first kiss na iyon ang naging unang hakbang sa umuusbong naming damdamin sa isa't isa.

Dahil sa papalapit na christmas season, ang room namin ay nagkaroon ng mga christmas decor na pinaghatian namin ayusin ng kapalitan naming year—ang third year. Nagsimula na naman ang christmas jingle contest na required salihan ng lahat. At this year, nasa mood si sebastian na mamuno sa amin para rito.

By height ang mga boys, gitna nila si sebastian. Nasa likod namin sila. Mga girls ay naka by height tapos nasa harapan. Parang class picture ang dating. Tinuro ni sebastian ang easy step dahil ang contest ay christmas carol lang naman. Alternate ang galaw ng ulo, by row kapag chorus, kapag verses naman daw ay sasabayan iyon ng palakpak na sumasabay sa ritmo. Kinuha namin ang oras na ito na dapat sa adviser namin...pinayagan naman niya kami basta raw ay hindi kami mag-iingay. Bawat isa sa amin ay may hawak hawak ng kopya ng lyrics ng kanta, nagprint si sebastian ng isa ta's pinaphotocopy ang iba...piso ay dalawang photocopy na kasi.

"Okay! Okay! Lalaki sa mga verses, ha? Babae sa chorus!" bulyaw ni sebastian.

Medyo may kalayuan ang pwesto namin.

"Santa Claus Santa Claus may facebook ka ba? Kung meron ano ang email mo para ma-i-add kita! (hey!) Santa Claus Santa Claus may instagram ka ba? Anong twitter mo para ma-follow ka at ma-hashtag kita!"

Ininprovised ni sebastian ang adlib sa kanta. Ayon ang naisip niyang kunin na jingle dahil common na raw iyong ibang christmas song. Suportado naman siya ni ricky na handang magbeatbox sa navivision ng tropa niya. Wala kaming nagawa kundi suportahan din siya sa navivision niyang performance namin.

"O 'di ba? Short and simple! Tapos agad ng isang araw lang ang practice hindi 'yong umaabot ng ilang linggo!" pagpaparinig ni sebastian sa amin yata?

Hindi na lang ako umimik pero may ilan na nag-react na tinawanan lang niya.

No'ng sumapit iyong competition, okay naman ang performance namin pero hindi iyon naging sapat upang manalo kami kahit runner up ay hindi. Natalo kami sa costume...santa hat at white gloves lang kasi amin samantalang iyong iba ay dinaan sa costume ang contest.

"Sana christmas costume contest tawag dito, eh! Hindi christmas carol! Luto!" bulyaw ni sebastian na halatang pinaparinig sa lahat ng nandoon sa quadrangle.

Sandali Lang Naman (Life Series #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon